13

20 0 0
                                    

CATCHING FEELINGS PT. 2

"hi"

napatingin ako kay daya ng batiin niya akong abot langit ang ngiti habang nag aayos ako sa costume kong spiderman (spiderman kasi yung roleplay namin) naalala ko naman yung kagabi nang mapatingin ako sa mga labi ni daya, nako ang pagkalalaki umaandar.

"oh hello" sagot ko at umupo siya sa tabi ko.

"sa susunod na araw na yung dress rehearsal pagkatapos final practice na, ngapala okay naba sayo lahat?" tanong niya at nag nod ako tsaka napatingin kami sa mga kasama namin na busy sa pagpapraktis sa stage. Naramdaman kong sumandal si daya sa akin, napangiti ako at napa isip naman ako sa sinabi ni vin. Naisip ko si mad.

pagakatapos ng practice namin sa final script namin nagpahinga muna kaming lahat at naalala ko may klase pa pala ako kaya nagpaalam muna ako kay daya na papasok, lumabas ako sa drama club at tutungo na sana sa next class ko nang mapansin ko sa isang sulok sila madison may binully na naman at feeling ko high na high siya. Umiwas ako at mabilis na naglakad papalayo dun ng mabangga ko sila derek.

"oy boy, mag ingat ka naman!" rinig kong sabi niya at napayuko.

"so sorry"

"kilala kita ah! ikaw yung!!!" nanlaki yung mata niya at kinwelyuhan ako.

"diba yan yung crush ng kapatid mo pinsan?" at tumawa si derek sa akin at tinapik ako sa dibdib.

"hoy ingatan mo ang kapatid ko! pag malalaman kong papaasahin at papa iyakin mo lang si daya, baka buto buto kanang makita ng magulang mo sa dumpsite" sabi niya at napalunok ako.

"bitawan mo siya"

nang marinig ko ang boses na yun kinabahan ako, alam ko kung kanino yun at agad akong binitawan ni derek at ngumiti siya kay mad.

"ahem, madison! hey, nandito ka pala"

napatingin ako kay mad, kasama niya sina patch at vin, nagakatitigan kami saglit at nag crossed arm sya.

"yeah kanina pa kami nandito!" patch

"at dinig namin ang lahat" vin

bored na lumapit si mad kay derek tapos tiningnan ako. Gusto kong ngumiti sa kanya dahil niligtas na naman niya ako pero nagulat ako sa ginawa niya, lahat kami napa nga nga ng halikan niya si derek mismo sa harapan ko i mean namin lahat parang naging iba yung pakiramdam ko sa mga oras na yun, bumigat yung dibdib ko. Napatingin ako kay vin umiwas siya ng tingin tapos si patch nakangiting napalingo.

"woa?! para san yun?" nasabi ni derek at napangiti pero seryoso parin si mad.

"para di mo na guluhin si edred, mag date tayo" sabi niya at hinila si derek, sumunod naman si kai  at patch pero nagpa iwan si vin. Tulala parin ako.

"so wala kang gagawin?" pagsasalita ni vin.

tahimik lang ako, hindi ko alam pero parang nasaktan ako dun. May part sa puso ko na medyo nasaktan sa pangyayari kanina. Medyo hindi naging okay yung pagmumukha ni vin ng umalis siya, nakikita ng isip ko si mad. Bakit si derek?

bagot na bagot akong naghintay sa oras na matapos yung klase ko, gusto ko nag umuwi hindi ko gusto ang araw ko ngayon. Nakatingin ako sa teacher kong nagsasalita pero wala akong maintindihan. Nahahati yung isip ko kay madison at daya. at wakas natapos din yung klase namin.

"dred nasa labas si madison" bulong ni zon sa akin at nagulat ako. Agad kong inayos yung mga gamit ko at lumabas pero iba yung nakita ko si daya, napatingin ako kay zon at nagtaka din siya.

"nandito talaga siya kanina, promise! walang halong biro!"

"hinintay nalang kita para sabay na tayong pumunta sa drama club" masayang sabi ni daya at nagbago yung mood ko, napangiti ako at lumapit kay daya.

HEY, MADISON (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon