SEMBREAK! Patch Departure.
"may result na!" napatingin ako kay zon ng bigla siyang tumakbo papuntang bulletin board kung nasaan ang mga results ng aming final exam para sa sem nato. Sumali kami sa kumpulan hanggang sa mahanap ko yung pangalan ko.
"congrats! kasali ka sa top 5 dred!" zon at tinapik ako napangiti lang ako saglit pero hinahanap ng mata ko yung letter H for Harisson.
"eyy, excuse me!" napatingin ako sa boses na yun at hinay2 naman na nagsi alisan yung mga tao sa paligid namin except zon na nakatayo parin sa tabi ko, hindi tumitingin si mad sa akin patuloy parin siya sa paghahanap ng result niya.
"yow dred" vin at tinapik ako saglit tsaka naghanap ng result niya.
"dred mamaya punta ka sa bahay" patch , tama nga pala aalis na siya.
"ahhh okay?"
"ikaw? baka gusto mo?" pagtatanong ni patch kay zon.
"ta talaga? invited ako?! amazing!! go ako dyan!" zon at umaksyong makipag high five pero dinedma lang , natawa ako dun konti.
napatingin kami lahat kay mad ng punitin niya yung isang papel dun at nilagay sa bulsa niya.
"pwede ba tayong mag usap?" biglang tanong niya sa akin kaya tumango ako, bigla siyang tumingin sa tatlo "ng kami lang?? okay?" at dali dali silang lumayo sa amin.
"okay kana? i mean okay na kayo ni miss clara? its been 3 days na hindi kita nakita? nakapag exam kaba? ahh--"
"andami mong tanong? chill" sabi niya at napakamot sa ulo.
"so ano? anong nangyari sayo?"
napamulsa siya at tiningnan ako.
"may sinabi ba ang parents mo after nung pinatawag tayo?"
"wala naman, ano ba kasing meron?"
"talaga? diba tumawag yung mom mo??"
"may pinabibili lang siya nun okay?"
"ahh okay" at nag shrugged "kalimutan mo na yung nangyari nung isang araw ha?"
"teka ang unfair, bakit feeling ko may mali?"
"walang mali"
"meron at gusto kong malaman kung ano yun?" seryosong sabi ko at napahinga siya ng malalim.
"tapusin mo na natin yung party ni patch okay?"
"bakit? anong kinalaman ng party ni patch?"
"ayaw kong ma badtrip, gusto kong ma enjoy mamaya" sabi niya at sumenyas kina vin na lumapit.
"ah okay?" umu.o nalang ako kahit ang weird.
"punta ka ha!" patch at ngumiti ako sa kanya.
"pupunta kami dude!" zon at siniko ako.
"see you mamaya" vin na tawang tawa kay zon.
nagtinginan lang kami ni mad at ngumiti siya sa akin bago lumakad papalayo, napahawak ako sa strap ng backpack ko at huminga ng malalim, bakit parang may mali talaga?
"okay kalang? nakausap mo lang nga ang girlfriend mo?" napatingin ako sa kanya ng masama, right! akala talaga ng lahat mag jowa kami ni mad.
"zon, hindi nga kami okay?"
"talaga? so daya ka parin?"
"huwag mo nga akong kausapin" sabi ko at lumakad, chismosa talaga ang isang to.
Later.
pagkatapos kong ma cleared sa clearance ko nagpasya na akong umuwi ng bahay para makapag pahinga dahil mamaya aattend ako sa farewell party ni patch.
BINABASA MO ANG
HEY, MADISON (Completed)
RomanceDo you want to be with that person again from your past?