Chapter 1-Twitter

827 28 6
                                    

Sky Andromeda

“Hoy Sky Andromeda wag ka ngang ngumiti ng ganyan! Gosh ang creepy mo girl” I looked at my bestfriend. She is Syringe Aidcillin Montevessa. Nagtataka ba kayo kung bakit ganan ang pangalan nya? Well doctor kasi ang parents nya. Sa katunayan nga ay pag-aari nila ang isa sa pinakakilalang hospital dito sa bansa.

Gusto nyo bang isa isahin ko kung saan nagmula ang name nya?

Well yung Syringe halata nanaman kung ano diba? Yung panturok tapos yung Aidcillin ganito. Aid from the word fist aid tapos cillin mula doon sa antibiotic na Amoxicillin.

Diba masyadong pang med student yung name nya? Ewan ko nga kung bakit yan naligaw dito sa accountancy eh.

“Ouch!”Napadaing ako nang batukan nya ako. Shemay Ang sakit kaya.“Problema mo? Nasisiraan ka nanaman” Tinaasan lang ako ng kilay nitong bruha kong kaibigan.

“Kung may nasisiraan sa ating dalawa ikaw yon. Baliw ka na ata eh. Padala kita dyan sa mental. Kanina tatawa tawa ka tapos bigla ka nalang natulala. Aba ambilis magswitch ng mood mo girl.” Inirapan ko nalang sya. Ganan talaga kaming magkaibigan kaya masanay na kayo samin.

“Wag kang magulo girl busy ako kay Sejun myloves” Nanunuod ako ng video ng SB19 kung saan kumanta sila isa isa while si Justin naman ay nagrap.

Pero alam nyo kung anong ginawa ko? After kong panuorin ng buo yung video, inulit ko nang inulit yung part ni Sejun. Nakakakilig kaya yung boses nya! Tipong parang napakalambing. Para bang sinusuyo ka.

“Tsss...Baliw ka na talaga” Napatawa nalang ako. Ako pa talaga ang baliw saming dalawa! Mas malala nga yung ginawa nya.

“Girl kung ako baliw, anong tawag sayo? Baka gusto mong ipaalala ko sayo yung mga ginawa mo para kay Josh ng SB19” Aba't ang bruha binato ako ng libro at tumama 'yon sa balikat ko. Pikon talaga. Pano ko ba naging best friend to? Anlakas ng loob mang-asar tapos napaka pikon naman. Asar talo!

“Bahala ka na nga dyan uuwi na ko” Wow iniwanan talaga ako sa field. Ayos din talaga tong kaibigan ko no? Anlakas ng tama sa ulo!


















Pagkauwi ko ay nagbihis muna ako bago kumain ng dinner. Kung tatanungin nyo kung nasaan ang parents ko, ayon busy sa family business. Sanay nanaman ako na mag-isa 'cause I understand naman na para rin sakin yung ginagawa nila.

After eating dinner I go to my room then I opened my social media account—twitter to be specific.

I keep scrolling but I stopped when I saw Sejun's twitter update.

It's a video of him singing. Oh shocks nakakakilig panoorin! Ba't ang guwapo ng boses?

Without a second thought I retweeted it together with my comment.

“Shemay nahulog ang puso ko”

After that I scrolled again. I stopped when a notification popped on the screen of my phone. It's a reply from Sejun.

Shemay nireplayan ni Sejun yung tweet ko!


“Shemay nahulog ang puso ko”my tweet

“Don't worry nasalo ko”He replied

That's the time I dropped my phone. Parang kasali sa isang karera ang puso ko sa bilis ng tibok.

My gosh I can't believe it! OA na siguro para sa iba pero para sa mga fangirl na tulad ko ay isang napakalaking bagay na ang mapansin kami ng aming iniidolo.

Tunog ng tunog ang cellphone ko. When I checked it, pinagkakaguluhan na rin ng iba ang simpleng pagrereply sakin ni Sejun.













———————————

A/N: Sana po suportahan nyo ang story ni Sejun:-)

Wanting Sejun |FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon