Chapter 10-Choose

481 20 1
                                    

Sky Andromeda

We decided to eat at the restaurant that is not that near in my school. Para makaiwas na rin sa mga schoolmates ko at sa mga paparazzi man kung meron.

The restaurant is called Pasithea. Kung ibebase sa Greek Mythology, Pasithea is the Goddess of rest and relaxation. Just like Pasithea, the ambiance is so relaxing and classy.

“Hey Sky, what's your order?” Dahil sa kaaliwan ko sa itsura ng restaurant ay di ko namalayang nakaorder na pala si Sejun at order ko nalang ang inaantay ng waiter.

“Just one Salisbury steak with rice then mozarella chicken fries and iced tea for drinks” Pagkaalis nung waiter bumaling ako kay Sejun. Nahihiya ko syang tiningnan.

“I'm sorry nga pala kasi di ko lam na tinatanong mo na pala ang order ko” Parang di ko kilala ang sarili ko dahil bigla nalang akong nahiya.

“It's fine with me. No worries, okay?” Then he smiled. Ang gwapo talaga nya kahit may brace. Di nya katulad yung iba na may brace na kung ngumiti ay parang hito.

“Nagustuhan mo ba tong lugar?” Tanong nya pa ulit

“Oo, ang ganda nga eh. Tapos talagang nabigyan nila ng hustisya ang pangalang Pasithea. Talaga namang napaka relaxing nitong place na to” Siguro kaya nagustuhan ko rin to ay dahil fan ako ng Greek Mythology.

“I'm glad that you like it” Naputol ang usapan namin dahil sa pagdating ng aming mga pagkain.

——

Ang isang beses na paglabas na yon ay nasundan pa ng nasundan. Actually tatlong buwan na kami ngayong lumalabas at di maiwasang may paparazzi na nakakasunod sa amin. Ilang beses na rin kaming nagiging topic di lang sa internet kundi pati sa mga dyaryo at tv.

Good evening Mom and Dad” It's already seven pm na kasi at kakauwi ko lang. Hinabol kasi kami ni Sejun kanina ng mga reporters.

Humalik ako sa pisngi nila bago nagsimulang kumain.

Nakakapagtakang napakatahimik ng hapag. Di naman kami dating ganito kaya tiningnan ko ang mga magulang ko.

“Is it true Andromeda?” Nakuha ni dad ang atensyon ko dahil sa pagtawag nya sakin ng Andromeda. He usually call me princess.

Ganan lang sya pag galit.

“What are you talking about dad?” Nagulat ako nang bigla nyang ibato sakin ang newspaper . Tiningnan ko ang headline.

The Idol's Girl

“Saan ka galing bago ka umuwi?” Tanong ulit ni dad. Unti-unti nang nilulukob ng takot at kaba ang sistema ko.

“L—lumabas po k—kasama si S—sejun”  I'm stuttering because of fear! I never saw my dad so mad like that

“So it's true that you're dating that man. Get ready because we will send you to America” Nanlaki ang mata ko dahil don.

“No dad, please no” Tears starts to fall from my eyes.

“Please dad wag nyo po akong ipadala sa America. Dito lang po ako please. Please dad” I can't see him clearly because my vision is blurry. Because of tears, maybe.

Tumingin naman sya sakin and I can tell that he's really mad.

“Mamili ka Andromeda, puputulin mo kung ano man ang meron sa inyo ng lalaking yan o ipapadala kita sa America” Lalo akong napaiyak. Wala sa akong nais piliin sa mga choices na binigay nya.

“Di ko sya kayang iwan dad” Nakita kong hinawakan ni mom ang nakakuyon nyang mga kamay para siguro pakalmahin sya.

“Then its final. Aalis ka ng bansa, tapos ang usapan” Nanghihina nalang akong napaupo sa sahig ng dining room namin.




Wanting Sejun |FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon