Chapter 12-Bye Philippines

445 27 6
                                    

Sky Andromeda


This is it. Today is the day that I'll leave the country.



Umiiyak ako habang nasa backseat ng kotse. Mukang napansin naman iyon ng mga magulang ko.

"Do you want to call your bestfriend? Baka gusto mo munang magpaalam kay Syringe bago tayo umalis" Inilahad sakin ni mommy ang cellphone ko na sinamsam nila sakin noong isang araw.

Actually di nga lang phone ko ang sinamsam nila that time kundi lahat ng gadgets ko.

Pero ngayon naawa ata. I silently laugh at the back of my head, may awa pa pala sila. Akala ko wala na silang konsensya.

I started to dial my bestfriend's phone number.

"Hello Sky? Thank God you called! Bakit ba antagal mong absent pero di ka hinahanap ng prof natin?" I miss my bestfriend. Di ko na napigilang umiyak nanaman.

"I'll text you an address. Please pumunta ka ha, puntahan mo ko" Pilit kong pintatag ang boses ko. Pinatay ko narin ang tawag. Baka kasi mag-alala pa ang isang iyon.

I also texted her the address na pupuntahan namin. Di kasi kami magmumula sa NAIA. Private plane ang gagamitin namin ngayon.



Ilang minuto pa ay tumigil na rin ang sasakyan. Para akong preso dito dahil napakaraming bodyguard ang nakapaligid sakin.

Wala talaga akong takas




Ilang sandali pa ay may narinig akong tumatawag sa pangalan ko.

"SKY" Napaiyak ako nang makita ko si Sy. Sya nalang ang natitirang kakampi ko.

Agad akong yumakap at umiyak sa balikat nya.

"Hoy ano bang nangyayari? Bakit andaming bodyguards? Bakit may private plane? Magpaliwanag ka Sky" Parang ayokong bitawan ang bestfriend ko. Pakiramdam ko tinalikuran nako ng mga magulang ko. Di ko kayang iwan si Sy. Sya nalang ang nakakaintindi sakin. Sa nanginginig na boses ay pilit akong nagsalita.


"Syringe aalis nako. I'm leaving the country Sy. Nalaman kasi ni dad na nalabas ako kasama si Sejun at ayaw nya yon" I felt her body stiffened. Alam ko nabigla rin sya.


"Come on Sky. The plane is ready. You should leave also Syringe, ija" Maotoridad na sabi ni dad. Wala namang ibang nagawa ang bestfriend ko nang harangan na sya ng mga bodyguards ni dad.




Habang nasa himpapawid ay tinanong ko uli sila.

"Mom, dad why? Wala naman po akong making ginawa ah. Bakit sobra-sobra naman po ang parusa nyo sakin?" Kasi hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikita na makatwirang dahilan nula sa ginagawa nila sakin.

"Walang maling ginawa? Ang paglabas palang kasama ang lalaking iyon ay mali na! He's not a type of guy that I want you to marry. I want a respectable man-" May sasabihin pa sana si dad pero agad akong sumabat.

"He's a respectable man dad. He have his own job!" Di ko sinasadyang tumaas ang boses ko Kaya tiningnan ako ng masama ni dad.

"Anong trabaho nya ang ipinagmamalaki mo Andromeda? Yung pagsayaw at pagkanta? Bakit, habambuhay ba ay makakakanta't makakasayaw sya? Ang gusto ko para sayo ay isang lalaking may pangalan sa mundo ng negosyo hindi yang lalaking pagkanta at pagsayaw lang ang alam"

Wanting Sejun |FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon