Sky Andromeda
Dumiretso ako dito sa kwarto ko.
Bakit ganon? Bakit nila ako inilalayo kay Sejun? Hindi man lamang ba nila naisip na matagal ko nang pinapangarap to?
Wala mang matatawag na 'kami', ang mahalaga nakakasama ko sya.
Napaupo ako sa kama when my mother entered the room.
“Mom can you please talk to Dad? Ayaw ko pong umalis, please” Muli nanamang namuo ang mga luha ko at hindi narin regular ang paghinga ko dahil sa pag-iyak.
“Andromeda akala ko ba paghanga lang bilang fangirl? Hindi namin to inaasahan Sky. Sorry but I won't talk to your dad” Matigas na sabi ni mommy na lalong nagpasikip ng dibdib ko.
“Mom, ano po bang masama ang nagawa ko? Wala naman diba?” Akala ko pakikinggan nya ko. Akala ko kakausapin nya si dad para sakin. Akala ko lang pala...
“Princess we're just protecting you from any harm that he can bring to your life” Protecting me?
“Mom sana naman po naisip nyo na hindi habang buhay ay kasama ko kayo. Hindi nyo ko mapoprotektahan habambuhay. Kailangan ko rin pong matutong tumayo mula sa sarili kong mga paa” Di ko maiwasang maglabas ng hinanakit.
Ngunit...
Di ko inaasahan ang gagwin ng ina ko.
She slapped me very hard!
Di makapaniwalang tumingin ako sa kanya.
“Natututo ka na ring sumagot ngayon. You never talk back to us before Andromeda. Yan ba ang epekto ng lalaking iyon sayo? Sa isang araw aalis ka na ng bansang ito and that's final Andromeda”
Ansakit....
Ansakit na yung taong inaasahan mong makikinig sayo ay ang taong una palang tatalikod sayo.
BINABASA MO ANG
Wanting Sejun |FIN
FanfictionI am just one of their fans. A fan who dreamed that one day I can be with them. Pero ang di ko inaasahan ay ang mapansin ako ng leader nila nang dahil sa twitter. Because of that twitter thingy my world turned upside down. I am Sky Andromeda Lopez...