Sky Andromeda
Dumaan muna kami sa isang mall para bumili ng mga pinapabili raw sa kanya ni Josh. Bigla naman nyang hinawakan ang isang kamay ko at dinala ako sa isang boutique. “What are we gonna do here?” I asked him na may halong pagkalito.
“We need to buy clothes for you. Trust me, you'll need it” At dahil may tiwala naman ako sa kanya, sinunod ko sya. Sabi nya ay casual clothes lang ang bilhin ko. I bought two t-shirts, two cotton shorts, two casual dress and of course, a couple pairs of underwear. Sejun even insisted that I should buy a pair of flip flops, so I did.
After buying the stuffs we need daw ay kumain muna kami sa Jollibee. I love Jollibee eh. Nag take-out rin kami ng dalawang spaghetti with chickenjoy, dalawang large fries, dalawang yum burger at dalawang coke float para may makain kami sa daan kung sakali mang magutom kami.
Naramdaman kong may marahang tumatapik sa isang pisngi ko. Pagmulat ko ay muka ni Sejun ang nabungaran ko. “We're already here” He said. It took up 30 seconds before I understand what he said. Bumiyahe nga pala kami para puntahan ang bestfriend ko. At doon ko lang narealize na nakatulog pala ako sa byahe.
Nagtaka naman ako dahil imbes na bahay ang puntahan namin ay sa isang beach kami nakarating. “What are we doing here? I thought we are going to my bestfriend's place?” I confusedly asked Sejun with a crease on my forehead. Isang pitik naman sa noo ang natanggap ko. I just throw a death glare at him.
Itinaas naman nya ang dalawang kamay nya like he's surrendering. “Hey, don't look at me like that. We are here because Josh and Syringe decided to celebrate their babies's birthday here” After that, he chuckled. He opened the car's door at my side at tsaka nya ako inalalayang bumaba.
Now I understand why he insisted to bought flip flops. Beach naman pala kasi ang pupuntahan namin. Napatingin ako sa phone ko at nakita kong lampas 4 pm na pala. Alas nwebe na rin kasi noong nagising ako kaninang maga.
I found out that Josh is planning to propose on my bestfriend, so I help them decorating the whole place. Nagsindi kami ng lantern. Ang iba ay pinalipad namin at ang iba naman ay hinayaan naming lumutang sa tubig.
Pagpatak ng ala sais ay nagpalit na ako ng damit. I wear one of the casual dresses that I bought. Sumakay kami sa kanya-kanyang balsa. Ang kasama ko ay si Sejun. Lahat kami ay nakaayos ng pabilog. Ang sa gitna kasi ay balsa nina Josh.
I've witnessed how my bestfriend and Josh love each other. I can see it in their eyes. When mine and my bestfriend's eyes met, I can't help but to smile. I missed that b*tch!
We are now currently in the event hall. “Hoy luka!” Pabulong na tawag sakin ni Sy. “Why?” I asked her with an arched eye brow. Nginitian nya ako ng makahulugan. “ Nakita ko yon ha! Kanina pa kayong nagnanakawan ng tingin ni Sejun. Ikaw ha, hindi ka pa tumatagal dito sa Pilipinas pero humaharot ka na” She said na nakapagpatawa sa aming dalawa.
Napatigil kami dahil sa isang boses.“Mukang nagkakatuwaan kayo ah” Si Josh habang pasan sa magkabilang braso ang kambal. Inabot nya ang isa kay Sy. I can't help but to admire the relationship they have. Napansin naman ni Sy ang tingin ko sa kanya. “Gusto mong buhatin?” She asked. I just nod at inabot nya sa akin si Chase. Iniabot naman ni Josh si Case kay Sy pagkatapos ay umalis para samahan ang mga kaibigan nya na nasa kabilang lamesa.
Sy leaned closer to me. “Nagpapractice ka na ba?” She asked that made me confused. “Practicing for what?” I asked her. Then again, she flashed that playful expression of her.
“For the future baby nyo ni Sejun. Ikaw ha, baka mamaya may laman na pala yang tyan mo” Nang-aasar nyang sabi. Iniiwas ko naman ang tingin ko sa kanya. Guys, pigilan nyo ko baka masapok ko 'tong bestfriend ko!
Sa pag-iwas ko kay Sy ay nagkasalubong ang mata namin ni Sejun. He flashed that adorable smile of him. Hindi ko na napigilan ang sarili ko, I know I'm blushing right now. At muli, nagsalita ang baliw sa tabi ko. “Ay ang harot wala namang label!”
BINABASA MO ANG
Wanting Sejun |FIN
FanfictionI am just one of their fans. A fan who dreamed that one day I can be with them. Pero ang di ko inaasahan ay ang mapansin ako ng leader nila nang dahil sa twitter. Because of that twitter thingy my world turned upside down. I am Sky Andromeda Lopez...