Chapter 5-Nase

525 26 1
                                    

Sky Andromeda

I decided to open my Facebook account. When I finally logged in,  I am shock from what I saw in my news feed.

Punong-puno iyon ng mga screenshot ng mga interactions namin ni Sejun. Tulad nalang noong mga tweet ko na nagcocomment o nagrereply sya. Meron din nung sa IG tungkol sa magiging pagdalo sa concert nila.

Shems nagkakagulo ang mga A'tin dahil sa amin ni Sejun! May mga nagcoconclude pa na baka may something daw samin ni Sejun. Guys ginagapangan na 'ko ng hiya.

Sa halip na makisali pa sa issue na yon ay hinayaan ko nalang lahat nang iyon. I decided to watch SB19 vlogs in YouTube. Baka kasi pag nakisawsaw ako ay mas lalo nilang isipin na may something.

“Sh*t!” Di ko na maiwasang magmura nang pati sa YouTube ay umabot ang issue between me and Sejun. May videos ng compilations ng mga pagkaka-usap namin!

At ang nakalagay pa sa isang video ay ‘is Sejun dating this girl?’
Ambilis talaga ng mga A'Tin.

How I wish guys! How I wish na may something between me and Sejun. Kaso matagal ko nang tinanggap na I'm just his fan and he's an idol. Para syang buwan, abot tanaw lang pero napakahirap abutin!

I just sleep not minding the issue in the internet. Sana lang ay hindi mabalitaan ng mga taga University ang issue na ito.





That morning ay maaga akong pumasok. Ngayon ibibigay ang result ng test namin kahapon  sa Entrepreneurship eh.

Good morning class” We stand up and greeted back our professor for this subject.

“Avenido distribute this papers to the owner” Sir Marcelo gave the papers to my classmate.

I am patiently waiting for my paper. Syempre kahit hindi halata ay may pagkagrade conscious rin naman ako. Ilang sandali pa ay nakita kong umupo na ang kaklase ko na kanina lang ay namimigay pa ng papel. I looked at my surroundings. Lahat ng kaklase ko ay hawak na ang kanya-kanyang papel.

Nasaan na yung akin?

Sir Marcelo walk towards me and hand me a paper...

My test paper!

“I didn't know that you're already married Ms. Lopez...or should I say...Mrs. Nase” He left me dumbfounded.

Mrs. Nase? Anong sinasabi ni Sir?

I scanned my paper and I saw the reason why he called me Mrs. Nase. “You're so stupid sky! ” I said t myself.

Nakakahiya! Nakita pa talaga ng professor ko ang pruweba mg kabaliwan ko!

I looked again at my paper...

Sky Andromeda L. Nase

That's the name written on my paper.

Lupa, bumuka ka please. Piping dalangin ko. Nakakahiya talaga!

Bakit ba kasi puro Sejun ang nasa utak ko?

Wanting Sejun |FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon