Chapter 31- What's Going On

334 17 7
                                    

Nagising sya dahil sa mga ingay na parang nagtatalo. Unti-unti syang nagmulat. Kumurap-kurap pa sya para makapag-adjust ang mga mata nya sa liwanag.

“What did you do, young man?!” She heard her mom asked hysterically. Para bang galit na galit ito at hindi makapaniwala.

Dumako ang tingin nya sa tabi nito. It's her dad. Nanatili itong tahimik pero kitang-kita ang madilim nitong anyo. Tulad ng kanyang ina, tila galit din ang isang 'to.



“I can guarantee that I'm a responsible man, Madam. Hindi ko po pababayaan ang anak nyo" She heard her man said.

Para namang may humaplos sa puso nya dahil sa sinbi ni Sejun. He's not the sweetest but he's romantic in his own way. That's Sejun. Her man, her own Sejun.

“W—what happened?" She asked.

Her voice cracked because of the dryness of her throat. Di pa man nakapagsasabi ay inabutan agad sya ni Sejun ng isang basong tubig.

“Here, drink this" Ani nito sabay abot ng baso.

Sejun helped her to drink. Nakaalalay ito sa kanya.

“Thank you” She thanked him then she smiled. Sinuklian din naman ni Sejun ng isang matamis na ngiti ang ngiti nya.

“Ehem” Someone fake coughed.

Napadako ang tingin nya sa kanyang mga magulang. Nakataas ang kanang kilay ng kanyang ina habang naging blanko naman ang ekspresyon ng kanyang ama.



“Stop being lovey dovey, the both of you. We all need to talk. A serious talk” Napakaseryosong ani ng kanyang ina.

Napakagat-labi si Sky. She knows what her mother means. Kapag seryosong pag-uusap ang nagaganap ay sa library sila nag-uusap usap.

“I thought that the four of us will talk. Why did they go out?” Sejun asked with confusion written on his face.

He's cute. Hindi na nya napigilan ang sarili at pinisil na nya ang magkabilang pisngi nito. Gigil na gigil sya. Kung hindi pa ito dumaing ay hindi pa sana sya titigil.

“Sorry. C'mon, let's go to the library. When they said "we need to talk", it will be always held in the library” Pagpapaliwanag nya dito.


Nakakintinding tumango naman si Sejun. She get off from the bed. All along, Sejun is just beside her. Maging sa paglalakad ay nakaalalay ito sa kanya na para bang babasagin syang kristal.

He's a little bit OA. She thought.

Pagdating sa library na naging opisina rin ng tatay nya sa kanilang bahay ay nakita nya ang kanyang mga magulang. Magkatabi ang mga ito at may napakaseryosong ekspresyon. Napakapit sya kay Sejun dahil sa kabang lumulukob sa kanyang sistema.

“Don't worry, I got you” Malambing na sabi ni Sejun na naghatid ng kapayapaan at kilig sa kanyang sistema.

Gusto nyang sabunutan ang sarili nya. Hay nako. Heto nga at masama na ang tingin sa kanila ng kanyang mga magulang pero nagagawa pa rin nyang kiligin.

“Uhm, so, what are we going to talk about?” Tanong nya na bumasag sa katahimikang naghahari sa kapaligiran. Ramdam na ramdam nya ang mabigat na atmospera at ang tensyon na pagitan ng bawat isa.

Her father look at her with a blank expression. “When are going to marry each other?” His father asked out of the blue using his monotonous voice.

She's schock. No,it's an understatement from what she's feeling right now.

Napabaling ang tingin nya sa kanyang nobyo. May ngiti itong pilit na sinusupil.

Okay. What the hell is going on?!


Wanting Sejun |FINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon