[JEMUEL'S]
Dalawang araw na ang nakalipas ng makalabas kaming ospital. Tuluyan na ring bumuti ang kalagayan ni Xander. Sa ganoong bagay ay labis na natuwa ang aking sistema sa dahilang hindi ko nalalaman. Sa mga lumipas na araw ay wala pa ring masyadong ikinukwento si Xander.
Kasalukuyan kaming magkakasama dahil nagbabalak ng kumain ng tanghalian. Malayo na si. Xander sa kung paano siya umangkop noon sa amin kahit na bihira siyang magkwento.
"Uwi na muna ako huh. Wala pang ulam sa bahay. Bubulyawan na naman ako ng mga kasama ko.", paalam ni Maico saka tuluyang umalis.
Muling katahimikan. Pareho kaming abala sa aming mga ginagawa. Ako na nagkukudkod ng niyog at siya na naghuhugas ng bigas.
"Naalala ko noong nasa ospital tayo. Sino pala 'yong nakita mo doon?", pag-uusisa ko saka inihagis sa tambakan ang isang bao.
"Si Lyndon, kaibigan ni Marco.", simpleng tugon nito saka umupo sa may kawayang hagdan at pinanood ako. Ako naman ay parang tinaasan ng enerhiya upang ipagyabang sa kanya kung gaano ako kahusay sa simpleng gawaing ito -- ang pagkukudkod ng niyog. Nakwento na nya sa amin na yung Marco ang nagpautos gumawa sa kanya ng mala-impyernong pagdurusa pero bukod doon ay wala na.
"Eh kaano-ano mo naman si Marco?", walang preno kong tanong. Sa ganoong pagkakasabi'y biglang napaisip din ako agad na tila nanghihimasok na ako ng lubusan. Tinapon nya ang tingin nya sa malayo. Hindi naman ako umasa sa kasagutan ng isang bagay na waring pribado para sa kanya.
"Si Marco? Yung hayop na yon? Kung alam ko lang na paghihirap pa rin pala yung patutunguhan ng pang-aalipin nya, hindi ko na sana kinagat yung ini-offer nyang tulong", tugon nito saka tumayo upang buksan ang kumukulong sinaing. Ako naman ay tumayo na rin matapos ang aking pasimpleng pagpapahanga.
"Eh ano bang nangyari? Paano nangyari?", tanong kong muli. Sinamantala ang pagkakataong sumasagot sya sa aking katanungan.
Muli siyang umupo matapos sapinan ang kalan.
"Binigyan nya ako ng scholarship daw..."
"Ano yun?", putol ko dahil hindi ko talaga alam ang naulinig.
"Yon yung pag-aaralin ka ng taong di mo kakilala. Tulong iyon kumbaga...." tugon niya saka bumuntong-hininga.
"K-Kaso-", bigla kong napansin ang panginginig ng boses nya. At may tumulong luha sa pisngi niya. "Kaso hindi pala talaga 'yon tulong. Sana 'di na lang ako naghangad.", dagdag niya.
Ako naman ay naging interesado sa kwentong dala niya kahit na parang pinipigilan siya ng emosyon niyang ipagpatuloy iyon.
"Paano?", tanging nasambit ko.
Muli siyang bumuntong hininga. Saka tumingin sa aking mga mata. Pagkakitang ako'y nakatingin rin ay saka ibinaling ito sa lupa. Ako naman ay tumayo upang hanguin ang sinaing ng maamoy ito at isinalang naman ang langkang pakukuluan upang lumambot saka muling bumalik sa pwesto.
"Ang dapat kasing kapalit ng scholarship ay maayos na performance sa pag-aaral..."
"Eh anong nangyari? Bumagsak ka?", usisa ko habang pinipiga ang kinudkod na niyog.
"Hindi kasi 'yon yung naging kapalit nun", sambit niya saka tumungo na tila isang batang nahihiya sa kalaro. Muling nagpakawala ng hangin sa bibig. "Kailangan kong maging alipin niya ng..."
"Grabe naman pala!", putol ko. Sa pag-aakalang iyon lang. Siya naman ay suminghot ng kaunti at pinahid ang kalawi nyang pisngi.
"Maging alipin nya sa sex?", mahinang dagdag niya.
"Saan?!", tanong ko namang may paglilinaw.
" Sa sex, sa pakikipagtalik.", paliwanag nito na ikinagulat ko naman kahit hindi pa rin alam kung paano iyon. Napatingin naman ako sa kanya na naging dahilan muli ng pag-iwas nya.
"Pero 'di ba 'Marco', lalaki yon?", paglilinaw ko. Kahit na medyo nararamdaman ko na ang nais ipahiwatig ng kanyang mga sinabi.
"Oo.", tugon nya muling mahinahon.
"Eh di ibig sabihin..."
"Pareho kaming may bahid ng kabadingan.", putol niya. Na ikinangisi ko. Hindi ko rin alam kung bakit ganon ang naging ekspresyon ko. Siya naman ay kumunut-noo ng makita ito at bahagyang ngumiti ng papigil.
"'Di ba ganon din kayo ni Maico?", dipensa niya. Marahil ay sa pag-aakalang nagmamalinis ako.
"Paano mo nalaman?"
"Nasa bundok ako nung nagtatalik kayo 'di ba?", balik nito. Ako naman ay nagulat dahil alam pala niya iyon.
"Ay oo", ako naman 'tong nakaramdam ng hiya at kumamot sa ulo.
"Ang kaibahan lang, sa normal na paraan niyo ginawa yun, kumpara sa amin na may pang-aaliping nangyayari habang nagtatalik.", paliwanag niya.
"Eh demonyo pala 'yon eh. Bakit ka pumayag?
"Kailangan eh. Saka nasanay na rin naman ako. Hindi ko lang talaga inaasahan yung kahahantungan."
Pagkasabi niyang iyon ay tumayo siya at kinuha yung pulang sardinas na ilalahok ko sa ginataang langka.
"Buksan ko na 'to. Gutom na ako eh.", pagpapalit-ihip nya.
Sa 'di inaasaha'y nahiwa siya ng lata.
"Dahan, dahan kasi! Ako na lang. Hugasan mo muna yan. Maupo ka na lang don.", wika ko na sinunod naman niya. Ako naman ay hinabol na lang siya ng tingin habang umaakyat sa hagdan.
--
[XANDER'S]
Sinabi ko sa kanila na balak kong bumalik sa bahay upang kuhain ang ilang gamit ko doon, ang aking nakatabing pera at ATM. Ito naman ay sinang-ayunan nila pero hiningi ring ipagpaliban ko muna ito..
Kasalukuyan kaming namamasyal sa ilog at nangunguha ng ilang mapapang-ulam. Dahil hindi naman ako ganoong lumaki sa nakaririwasang paraan ng pamumuhay, ay natututunan kong umangkop ng maayos sa mas mababang paraang meron sila. Sa ganitong mga paraan rin ay parang nakakalimot ako sa mapait kong kahapon.
"Gusto mong maligo sa ilog?", tanong ni Maico.
"Pag maliligo rin kayo. Pero mamaya ng konti.", tugon ko.
Pagkasabi ko naman noo'y may ibinulong siya kay Jemuel. Ako naman ay winalang bahala iyon,tumalikod sa kanila at itinuloy ang paglalakad-lakad.
"Tara doon sa may malalim na parte? Para makatalon tayo", narinig kong pag-akit ni Jemuel sa aking likuran. Ako naman ay nanatili sa paglalakad. "Marunong ka namang lumangoy?", tanong niya mula sa aking likuran.
"Oo", sagot ko. "Pero mamaya na lang." Saka muling humakbang ng hindi pa rin nililingon ang aking kausap. Saglit na katahimikan na akin namang ipinagtaka kaya tumingin sa likuran. Sa pagpihit ko'y biglang pagbuhat naman mula sa aking bewang, ni Jemuel na noon pala'y tanging brief na lang ang suot. Ako naman ay pilit kumakawala ngunit parang walang pakialam si Jemuel at lumakad. Nagtatawa pa sila ni Maico. Medyo nakaramdam ako ng inis kaya medyo nagwawala ako pero ayaw pa rin akong ibaba ng bumuhat.
"Huwag ka ng pumalag! Masaya 'to!".
Para akong dalagang binubuhat ng aking kasintahan kahit na hindi na ako komportable sa nangyayari. Marahil ay dahil alam ko rin ang bahagi ng kanilang pagkatao.
Dahil tila hindi ako pinakikinggan ng bumuhat sa akin ay pinabayaan ko na lang ito. Naglakad siyang buhat ako. Ngumingiti lang sa tuwing titingnan ko siya. Hanggang sa maramdaman ako sa aking binti ang unti-unting pagtigas ng kanyang itinatago. Ako naman ay umiling at siya'y umiwas ng tingin ng biglang inihagis nya ako sa malalim na bahagi ng ilog.
BINABASA MO ANG
The Art Of Loving You (COMPLETE ✔️)
Aktuelle LiteraturPinili ni Xander na maging alipin ng makamundong gawain upang matugunan ang kanyang pangangailangan. Upang mas mayos nyang makamit ang kanyang kinabukasan. Ngunit ang bagay na ito pala'y lalong maglulugmok sa kanya at magbibigay daan upang mapunta s...