[JEMUEL'S]
"Pupunta ka doon. Ikaw lang.", muling paalala sa akin ni Xander dahil tinutulan ko ang balak niyang mangyari.
"Mahal, delikado nga kasi. Saka hindi ako beterano sa ganyang bagay.", sagot ko.
Nais niyang pumunta ako sa bar na paboritong puntahan daw ni Marco. Gigil na gigil na siyang gumanti sa taong iyon kaya nais niyang dakpin ko ito at patayin. Isang karumal-dumal na bagay na talagang hindi ko alam kung paano gawin kaya tinutulan ang may nais.
"Basta Jemuel, babe, kailangan mong gawin ito. Saka isa pa, alam mong kilala ka na niya nung bumalik tayo sa bahay. Malay ba nating kinutuban agad siya na magkakampi tayo.", paliwanag nito na waring hindi ko na naman narinig dahil tanging ang masamang balak niya lang ang laman ng aking utak. "Para rin matapos na natin ito at nang wala na tayong problema. Oh eh di matatahimik na tayo.", dagdag niya.
"Pero mahal, itinutulak mo ako sa isang bagay na pwede kong pagsisihan, buong buhay ko. Sa tingin mo ba ay katahimikan iyon.", dipensa kong muli. "Hindi 'to kakayanin ng konsensya ko. Na kahit ikaw, hindi rin.", dagdag ko.
Tila hindi naman nakumbinsi ang tinututulan. Sa mukha'y bakas na hindi naniniwala at ayaw patinag sa gusto niyang maganap.
"Jemuel, basta kailangan mo 'tong gawin. Pero kung ayaw mo, ako na lang.", sagot nito at bahagyang nagdabog. "Umasa ako sa sinabi mong magtutulungan tayo pero hindi ka naman pala totoo.", dagdag nito at tumalikod.
Ako naman ay tila nadala sa emosyon niya. Alam kong mahirap talaga. Mahirap kapag parang wala kang pagpipilian. Mahirap din kapag tila kaylangan mong parehas piliin kahit ang isa'y hindi mo kagustuhan.
"Mahal... Sana naman maintindihan mo... pero... Sige... gagawin ko... susubukan ko.", tugon ko sa kanya. Humarap siya at walang emosyong ipinakita.
"Salamat.", tugon niya. Kinuha niya ang isang maskarang itim na tanging mata lang ang matatakpan.
"Isusuot mo 'to para hindi ka niya makilala. Mas makukuha mo siya sa mas madaling paraan kung makikipagtalik ka muna sa kanya... ", paliwanag nito. Ako naman ay tila tinaasan muli ng pagtutol.
"Teka. Bakit kailangan pang ganoon? Paano kung hindi siya pumayag.", usisa ko.
"Papayag iyon. Marupok sa tukso si Marco. Lambingin mo. Akitin mong pabulong.", wika niya. "Saka makarisma ka kaya siguradong papayag iyon.", dagdag ng kausap.
"Eh 'di ba, siya ang tumitira. Gaya ng nakwento mo. Alam mo namang hindi ako ganon.", sambit ko.
"Versa si Marco. Kaya bibigay iyon. Madalas lang na ako noon ang pumapatong sa kanya pero may mga pagkakataong siya.", sagot nito. Wala talaga akong lulusutan. Walang magagawa kundi ang pumayag.
"Sige na. Susubukan ko.", tangi kong naitugon. Siya naman ay ngumiti lang sa akin.
--"PAG-IBIG,PAGSIKIP"
Ang hirap sa sitwasyon kapag parang nasa punto ka ng pagkakataong pinahihirapan ka ng pag-ibig, kapag alipin ka ng pagmamahal.
Na parang ang bawat desisyon mo'y kailangang sang-ayunan kahit labag na sa kalooban.
Noong una'y nakikita nating tila kaydali lang magmamahal.
Pero kapag nasa sitwasyon ka na'y may hirap kang mararanasan.Mahirap kapag naipit ka sa gitna ng mga nag-uumpugang bato.
Ang isa ay sa pag-ibig, ang isa'y delikado.
Mahirap kapag kailangan mong piliin pareho.
Dahil kapag hindi'y makakasakit ka at masasaktan ka ring totoo.Kahit hindi natin tingnan ang dagok ng pag-ibig,
Ay makikita mo pa rin dahil kusang lalapat sa dibdib.
Sa pag-ibig pala'y hindi lang puro masasayang saglit,
Sapagkat talagang may sakit na sayo ay lalapit.Mahirap magmahal pero mas mahirap ang hindi ito gawin,
Ang hindi ito makuha dahil sa mga isipin.
Kaya alang-alang sa kasiyahang maningning.
Susuungin ang tinik, lalakad sa patalim.
BINABASA MO ANG
The Art Of Loving You (COMPLETE ✔️)
Ficção GeralPinili ni Xander na maging alipin ng makamundong gawain upang matugunan ang kanyang pangangailangan. Upang mas mayos nyang makamit ang kanyang kinabukasan. Ngunit ang bagay na ito pala'y lalong maglulugmok sa kanya at magbibigay daan upang mapunta s...