CHAPTER 8: PAGPIGIL SA PINIPIGILAN

68 2 0
                                    

[JEMUEL'S]
Muli kaming nasa bayan ni Xander kahit na parang ayaw ko sapagkat baka maulit ang nangyari noong isang araw. Pero ayaw pumayag ng isang ito na tila hindi nadala sa nangyari. Ang sabi naman niya ay mas matatag na siya kumpara noong una. Bagay na hindi ko alam kung totoo o baka naman nagpapanggap lang siya.
Kasalukuyan naming binabagtas ang kalsada patungong palengke. Gusto niyang bumili ng isda, na aking tinutulan noong una dahil kaya ko namang manghuli sa dagat at sigurado pang sariwa.
"Huwag na lang isda ang bilhin mo. Gulay na lang. Kalabasa o talong. Manghuhuli na lang ako sa dagat niyan, gusto mo ay sumama ka pa?", pagpigil ko sa kanya nang marating namin ang tindahan ng isda.
"Pabayaan mo na. Saka maaabala ka pa. Gusto ko rin kasing magpahinga ka minsan.", sagot nito.
"Oh sige. Pero ako na ang magbabayad. Kapag ikaw ang nagbayad niyan, 'di ko 'yan lulutuin.", banta ko sa kanya kaya hindi na siya tumutol.
"Oh sige. ¼ lang din naman. Dadalawa naman tayo.", tugon niya at bahagyang inayos ang suot na jacket.
Nang makabili na kami'y nagyaya na akong umuwi pero humirit siya na maya-maya pa. May bibilhin lang daw siya sa banda roon kaya ako naman ay sumunod lang. Mas naaalerto sa paligid kaysa sa kasama. Marahil ay dahil alam kong namukhaan ako ni Marco no'ng pumunta kami sa bahay niya noon at siya naman ay naka-jacket at salamin kaya malabong makilala.
"Ano bang bibilhin mo?", usisa ko ng malapit na kami sa sinasabi niyang tindahan.
"Balisong!", sagot niya na aking ikinagulat. Tinaasan ng kaba sa isang salitang itinuran niya.
"Aba! Aanhin mo yun?", tanong ko sa tonong mataas na ikinatingin niya sa akin. Ngumiti lang ang kausap na parang biro lang ang pagkakaintindi sa aking sinabi.
"Papatayin kita mamaya...", sagot nito at tumawa ng kaunti. "Biro lang. Baka kailanganin ko. Alam mo namang nasa peligro ako.", paliwanag niya sa akin na hindi pa rin sinang-ayunan ng aking kalooban.
"Pero ano? Ahh. Marunong ka bang gumamit nun?", tanong ko.
"Syempre. Subukan ko sa'yo mamaya ng magkaalaman.", muli nitong pabirong sagot na bahagya kong ikinapikon.
"Hindi ako nagbibiro Xander huh dahil hindi rin sa kabiruan ginagamit yang nais mong bilhin.", tugon kong may pag-aalala. Siya naman ay walang ekspresyong inilahad.
"Basta bibili ko. Kailangan ko 'to.", sagot nitong ayaw papigil. Ako naman, dahil parang hindi naman makukumbinsi ang pinipigilang kausap ay pinabayaan na siya.
"Sige, kung iyan ang gusto mo. Ikaw na lang ang pumasok doon. Dito na lang ako sa labas.", tangi kong tugon. Siya naman ay dumiretso na sa loob upang bilhin ang nais.
--
[XANDER'S]
"Hintayin mo ako dito huh.", paalam ko kay Jemuel.
Alam ko naman na talagang kakailangin ko 'to para sa proteksyon ko. Hindi talaga ako marunong gumamit nito pero dahil sa ginawa ni Marco ay naisip kong dapat ko itong matutunan.
Medyo marami ring tao sa loob. Samut-sari rin kasi ang mga itinitinda doon na karamiha'y kagamitan sa kusina. Pumunta na ako sa kailangan kong puntahan at pumili ng patalim. Inalis ko noon ang hoodie ko dahil baka mapagkamalan akong kung ano sa loob lalo pa at ang bibilhin ko'y nakamamatay. Pero hindi ko tinanggal ang itim kong salamin. Nang makapagbayad na ako ay aksidenteng may nakabangga akong lalaki. Hindi ko naman agad natingnan ang mukha niya dahil ako'y nakayuko. Nakayuko dahil baka may makakita at makakilala. Dahil sa malakas na pagtama ng aming katawan ay nahubad ang aking salamin na agad ko sanang pupulutin pero...
"Xander?!", tanong ng isang lalaking pamilyar ang tinig na aking ikinaharap sa kanya. Sa pagtama ng paningin ko sa mukha niya'y bumilis ang pagtibok ng puso ko. Labis na kaba ang aking naramdaman noong sandaling iyon dahil kaharap ko mismo ang taong papatay sana sa akin at gusto kong patayin gamit ang binili kong patalim. Sinubukan kong maging kalmado upang makapagpanggap --kahit parang malabo -- saka bahagyang itinaas ang kilay.
"Bro?", tanong ko sa kaaway. "I'm Galaxy, not Sander.", dagdag kong may pagbabago sa tunog ng 'Xan'. Pinulot ko ang salamin ko at muling isinuot. Ang niloloko naman ay tila hindi nauto. Hinawakan ako ng mahigpit sa braso. Ako naman ay naalarma at tila naubusan ng salitang ipantatakip.
"Pumasok ka dito Jemuel. Tulungan mo ako.", bulong ko sa sarili at lumingon sa pinto kahit hindi tanaw ang kasama. Noo'y nilukob na talaga ng kaba ang aking katawan. Unti-unti ko na ring nararamdaman ang kakaibang bigat sa aking dibdib, marahil ay dahil sa magkahalong kaba at galit. Nangapa ang isip ko sa kung anong ituturan.
"Si Xander ka. Huwag mo kong niloloko.", wika niyang medyo mahina ngunit galit.
"Bibitawan mo ko o ididemanda kita?", medyo malakas kong tugon na nanginginig ang tinig. Ang ilan naman ay napalingon. "I'm Galaxy, at kung sino ka man Bro, hindi kita uurungan."
"Huwag mo kong pinagloloko Xander. Sumama ka sakin.", sambit niya at hinigit ako. Hindi ko magawang makabitaw sa kanya dahil sa higpit ng kapit niya.
"Ano bang kailangan mo? Pera? Modus ka ano? Tulong! Magnanakaw! Holdaper!", sigaw ko na ikinalingon ng nakararami. Siya naman ay nagulat sa itinuran ko.
Ang mga tao ng marinig ako'y agad na lumapit sa amin at rumisponde. May sumipa sa likod niya kaya siya napabitaw sa akin. Nang makalaya'y agad na akong tumakbo palabas. Sumigaw pa si Marco pero tila walang may pake. Tinawag pa niya ang pangalan ko pero hindi ko manlang ito nilingon.
Sa paglabas ko'y siyang yakap kay Jemuel. Ako naman ay nagulat sa aking ikinilos. Siya ay ganoon rin. Nang makaramdam nang hiya sa niyakap at sa paligid ay agad ding kumawala sa pagyapos.
"Umalis na tayo. Bilis!"
--
"Ano bang nangyari?", usisa sa akin ni Jemuel nang makababa kami ng jeep. "Nabili mo ba yung gusto mong bilhin?", dagdag nito.
"Oo. Hindi ko alam na nandoon ang hayop." sagot ko. Siya naman ay agad akong hinawakan sa kamay at iniharap ako sa kanya.
"Ano?! Nakita ka ba? Nakilala ka ba niya? Sinaksak mo?", sunud-sunod nitong tanong ng may pangamba.
"Nakita niya ako. Muntik na niya akong makuha ulit pero buti na lang nagawan ko ng paraan.", tugon ko.
Dahil sa nangyari'y binalot na naman ng galit ang aking sistema. Naisip na parang sinayang ko ang pagkakataong makaganti sa kanya. Kahit na sa palagay ko'y namilipit na siya sa sakit dahil sa ginawa ng mga tao doon ay parang hindi pa iyon sapat. Gusto kong ako mismo ang gumawa.
"Balik tayo sa bayan!", mabalasik kong wika sa kausap ng marating namin ang harapan ng bahay. Nabakas sa mukha niya ang pagkabigla.
"Ano?", tanong nito.
"Bumalik tayo sa bayan! Papatayin ko na siya."
Nanlumo naman si Jemuel sa aking sinabi.
"Ano?!", muli nitong tugon sa mas malakas na boses.
""Bumalik tayo sa bayan! Papatayin ko na siya.", pag-ulit ko sa sinabi ko.
Ibinaba niya ang mga binili at isinabit ang isda. Tila hindi narinig ng kausap ang hiling kong pagalit.
"Bumalik tayo sa bayan! Papatayin ko na siya." sambit kong muli sa ikatlong pagkakataon. Lumingon naman ang kausap at bahagyang kumunut-noo.
"Ano ba Xander? Nag-iisip ka pa ba?", bulyaw niya na aking ikinabigla dahil iyon yata ang unang pagkakataong kinausap niya ng ganoon. Nabakas din naman ang parehong ekspresyon sa mukha niya dahil sa nabitawang tono.
"'Di ba mapera 'yung tao? 'Di ba muntik ka na niyang mapatay. Sige nga! Bigyan mo ako ng tatlong kalamangan mo doon sa taong iyon para magawa mo yang karumal-dumal mong balak.", pasigaw niyang litanya.
May tumulong luha sa pisngi niya at sa akin ay ganoon din.
"Kung gusto mong maging kriminal. Siguraduhin mong walang madadamay. Siguraduhin mong wala ka sa puder ko.", dagdag niya.
Pareho kaming nagulat sa itinuran niyang mga salita. Ako'y tuluyan ng umiyak at siya'y tumalikod lang.
"Pasensya na. Hindi ko nga pala dapat kayo idinamay sa gulo ko.", sagot ko sa nagagalit na kausap at pinahid ang luha. Katahimikan ang nangingibabaw. Maliban sa bahagya naming pagsinghot ng sipong bunga ng aming pag-iyak ay walang maririnig.
Kinuha niyang muli ang isda at nilinis na lang iyon. Ako'y nanatili sa kinatatayuan. Walang ibang maisip na ikikilos dahil sa mainit naming sagutan.
"Pasensya na kung nadamay talaga kayo. Aalis na lang ako. Salamat sa lahat.", nag-iiyak kong tugon saka umakyat sa itaas. Hindi naman tumingin manlang si Jemuel at itinuloy lang ang ginagawa.
--
[JEMUEL'S]
Hinayaan ko si Xander na umakyat sa itaas sa paga-akalang nagdadrama lang ito. Maging ako'y nabigla sa mga sinabi ko na marahil ay dala na rin ng pagod o ng pag-aalala. Lumipas ang ilang minuto at natapos ko ng linisin ang ilang isda.
Narinig kong may nahulog sa loob kaya itinabi muna ang balak lutuin at nagmadaling umakyat. Sa pag-akyat ko'y nakita ko ang nakaimpakeng gamit ni Xander. Ang buong akala ko'y hindi niya itutuloy sapagkat naiisip kong wala rin naman siyang pupuntahan.
"Salamat Jemuel, kung ano man ang mangyari sa akin ay magiging masaya ako dahil nakilala ko kayo.", pamamaalam niya at lumingon sa bintana saka hinawakan ang bag.
"Bitawan mo 'yan. Ibaba mo 'yan!", pigil ko. Ang pagpigil kong iyon ay hindi lang sa pagtatangka niya kundi pati na rin sa pangingilid ng aking luha. Hindi naman nakinig ang pinipigilan at sinubukang humakbang. Inagaw ko ang bag niya.
"Ano ba Jemuel? Mas tama itong gagawin ko. Mas mabuting umalis na nga lang ako para huwag na kayong madamay gaya ng nasabi mo.", bulyaw sa akin ng kausap.
"At ano? Saan ka pupunta? Sa kamatayan? Hindi kita pinagaling at inalagaan para lang bumalik sa LINTIK mong pagdurusa.", tugon ko at inihagis ang bag sa katre.
"Dito ka lang. Hindi ka aalis!", may diin kong sambit.
"Jemuel naman. Kailangan kong umalis. Kailangan kong kumilos. Nababagalan na rin ako sa mga nangyayari.", sagot nito at suminghot.
"Kumilos ng ano? Ng padalos-dalos? Para mamatay ka? Para mawala lahat ng pinaghirapan mo, at isinakripisyo ko. Hindi ba may plano tayo? Tapos kikilos ka ng ganyan? Ano ba Xander?!", litanya ko. "Isinakripsyo ko lahat tapos sasayangin mo?", dagdag ko.
"Basta aalis ako.", sambit nitong ayaw papigil saka kinuha ang bag.
"Isa!" -ako.
"Ano ba?"
"Walang aalis!"
"Aalis ako!"
"Dito ka lang!"
"Pabayaan mo na ako! Pwede ba?"
"Pakinggan mo ako! Pwede rin?"
"Huwag ka ng mangialam."
"Huwag kang padalos-dalos."
"Aalis ako. Tapos."
"Hindi! Dito ka lang. Kapag tinangka mong umalis, masasaktan ka ." wika at banta ko sa kanya at hinawakan siya sa braso. Siya naman ay nanlisik lang ang mata.
"Huwag mo akong hawakan"
"Huwag mo akong saktan".
"Huh? Nakakaloko ka? Ikaw pa 'tong nasasaktan sa sitwasyong ito?" tugon nito.
"Di pa ba malinaw sa'yo to? Hindi mo ba maramdaman...", iniiwas nya ang tingin sa akin. "Kaya ayaw kitang umalis kasi ayaw kitang mapahamak. At ayaw kong mapahamak ka dahil..."
"Dahil ano?", pagputal niya sa itinuturan ko.
"Dahil mahal kita."
Pareho kaming natigilan sa nasambit ko pero hinayaan ko ang sarili kong panindigan ang mga salitang iyon.
"Ano?", tanong nitong may pagtataka.
"Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita. Uulitin ko pa? Mahal kita Xander. Gusto kita. Gusto kitang mahalin.", napasinghap ako bago itunuloy ang pag amin. "K-kaya ko 'to ginawa lahat dahil nagb-babakasakali akong m-makakaramdam ka ng pagm-mamahal sa akin gaya ng nararadaman ko. P-pero parang malabo dahil n-nakakulong ka pa rin sa malaimpyerno mong nakaraan.", pautal-utal kong litanya na nagpatahimik sa kanya. Pinahid ko ang luha ko.
"Xander, nandito ako. At kaya ako nandito dahil ayokong mawala ka. Huwag mo namang hayaang mangyari yung ayaw ko.", lakas loob kong salita. "Halos sa'yo na umikot ang mundo ko pero sa iba mo naman pinaikot ang oras mo. Sa bagay na pwede mo namang kalimutan.", napaiyak ako sa aking itinuran. "Magtutulungan nga tayo 'di ba?"
Muling katahimikan. Si Xander ay nanatiling nakatingin sa kawalan. Ako naman ay nakaramdam ng kaunting hiya sa ginawang paglalahad.
"Kung aalis ka at sasaya diyan sa desisyon mong iyan. Sige na. Siguro din naman ay hindi mo kayang makisama sa taong mahal ka at hindi mo naman mahal.", tugon ko kahit na ang malaking parte ng sistema ay tumutol sa mga salitang iyon.
Nanatili siyang walang imik. Ang lumipas na segundo'y naging ilang minuto. Ako ay nagpasya nang bumaba. Hinayaan na lang ang pagkakataon na kumilos. Sa pagdating ko sa pintua'y nagsalita siya.
"Pasensya na. Hindi na ako aalis."
Muling katahimikan. Ako'y hindi nakaalis sa kinatatayuan. Pareho yata kaming nakiramdam sa susunod na magaganap.
"Mahal din naman kita. Kaya hindi ko rin pala kayang iwanan ka dito."
Unti-unting ginhawa ang aking naramdaman na parang nakalimutan na kanina ang aming pag-aaway. Napangiti sa sinambit niya at humarap sa kanya upang ipakita ito.

The Art Of Loving You (COMPLETE ✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon