[JEMUEL'S]
"Jemuel!"
Agad lumapit sa akin si Maico ng makita akong nakatumba, akmang aalalayan akong tumayo.
"Huwag na Maico, kaya ko.", pagtanggi ko. Iniayos ko ang upuan at tumingin sa tumulak sa akin. Bakas sa mukha niya ang pagkabigla. Muli niyang inihiga ang bahagyang nakaunat patayo niyang katawan. Gayunpaman, hindi ako nakaramdam ng inis sa kanya. Marahil ay gising siya nung dampian ko ng ang kanyang labi. Kasalanan ko 'to. Hindi ko dapat pinagsamantalahan ang kalagayan niya. Tiningnan niya akong muli sa mata, wala ng galit, saka muling itinuon ang tingin sa puting kisame. Nakaramdam ako ng konsensya sa aking ginawa.
"Maico, pwede bang ikaw muna magbantay dito. Saglit lang, lalabas ako sandali.", pagbaling ko kay Maico. Tumango naman ito at iniabot sa akin ang supot na papel na naglalalaman ng mga gamot at ang tatlong sampumpiso.
"Ano bang nangyari?", walang kamalay-malay niyang pagu-usisa.
"Wala Maico. Sige, labas muna ako saglit."
Lumakad na ako palabas ng kwarto. Narinig ko pa ang paghigit ni Maico sa plastik na upuan, marahil ay inilayo niya.
Kasalukuyan akong nakaupo sa isang bakal na upuan sa labas ng ospital. Muling iniisip ang mga nangyari. Hinawakan ko ang aking labi at tila hindi pa nawawala dito ang malambot na pakiramdam na dulot ng paglapat ng kanyang labi. Waring naiwan din doon ang bahagyang hininga niyang pumasok sa aking bibig. Parang nais kong ulitin. Tila gusto kong maramdaman kung paano siya lumaban ng halikan.
"Marco?", tanong ko sa aking sarili. Bakit niya ako tinawag sa ganoong pangalan? O marahil ay iyon ang pangalan niya, o ng kung sinumang konektado sa kanyang pinanggalingan. Kung ano man ang dahilan, gusto ko itong malaman. Wala akong maisipang gawin. Ako'y nilamon ng aking konsensya kung kaya't ayaw tahakin ng aking mga paa ang kinaroroonan ng lalaki. Tumayo ako at tuluyang lumabas ng ospital. Nakaisip ng maaaring gawain.
"Pabili po!", tawag ko sa isang tindahang malapit sa ospital. Lumabas naman agad 'yung tinderang dalaga.
"Ano 'yon pogi?", bungad nito. Napangiti ako sa tinuran niyang iyon.
"Bolpen nga po at papel.", sagot ko.
"Anong klaseng papel, at anong kulay ng ballpen?", tanong nitong nakangiti.
"Kulay itim na bolpen at kahit anong papel.", saad ko.
"Wala pong 'kahit anong' papel dito. Ano po ba? Pang-grade 1, 2, 3 or 4? Intermediate, half lengthwise, crosswise o ¼?"
"Ano?", tanong ko ng hindi maunawaan ang mga sinabi niya.
"Tsk. Ano bang papel?", sambit niyang medyo naiinis.
"Kahit ano nga, basta nasusulatan. Yung malapad."
"Intermediate Pad! Sige.", sambit nito saka tumalikod upang kunin ang binibili ko.
"Eto. Gwapo sana, bobo naman.", pabulong niyang bigkas ngunit narinig ko naman. Nagbayad na ako at bumalik sa kinauupuan ko sa labas ng ospital, ipinatong sa maliit na mesa ang bolpen at papel. Nag-isip ng malalim. Ipinikit ang mata at muling inalala ang nangyaring saglit na pagdampi ng aming mga labi. Hinawakan ko ang bolpen at nagsimulang sumulat.Saglit Na Tamis
Tumitig sa maamo mong mukha at tila lumipad ang diwa.
Nasabi sa sariling, tila may langit sa lupa.
Mala-anghel mong anyo'y sa aki'y nagbabadya,
Saglit na tamis ng labi mo'y makuha.Tila may enerhiyang hindi ko napigilan,
At maging ang oras ay waring nakialam.
Pagnanasa't pag-ibig ay aking naramdaman.
Saglit na tamis, ninais kong matikman.Dumampi't aking naramdama'y 'sinlambot ng bulak,
Na parang bumabang kapiraso ng ulap.
Mainit na hininga'y aking nalasap.
Saglit na tamis lang ngunit kaysarap!
BINABASA MO ANG
The Art Of Loving You (COMPLETE ✔️)
Ficción GeneralPinili ni Xander na maging alipin ng makamundong gawain upang matugunan ang kanyang pangangailangan. Upang mas mayos nyang makamit ang kanyang kinabukasan. Ngunit ang bagay na ito pala'y lalong maglulugmok sa kanya at magbibigay daan upang mapunta s...