CHAPTER 16: BUHAY

50 5 0
                                    

[XANDER'S]
Narating na namin ang bahay. Agad kong binuksan ang ilaw at inihiga ang nabaril sa katre. Si Marco naman ay natatarantang kumuha ng tubig sa labas mula sa drum.
"N-nadaplisan lang ako.", wika ng inaasikaso.
"Oo nga, pero hindi iyon dahilan para ipagsawalang-bahala natin iyan.", sambit ko rito.
"May gamot ba kayo?", tanong ni Marco at umupo sa gilid ng katre.
"Meron!", tugon ko saka tumayo upang tunguhin ang bintana. Sa tabi noon ang mga gamot.
Pinahidan ko ng bulak na may alcohol ang sugat niya, kahit na hindi ako sigurado sa ginagawa ko. Siya'y napaimpit sa ginawa ko. Sa bawat aray niya'y pag-aray ko rin.
Kasalanan ko 'to. Walang dapat sisihing iba kundi ako.  Sa gulo ko'y may mga nadamay pang ibang tao.
Nag-iiyak na ako, bunga ng pagod, kaba, takot at dahil sa nangyari kay Jemuel.
"Kasalanan ko 'to eh. Sorry babe... Nadamay ka pa,kayo", sambit ko sa nakahiga saka pinahid ang luha. Siya'y pumatak na rin ang luha. Siguro ay dahil sa sakit ng sugat o sa sakit na nararamdaman niyang dumadaloy sa akin.
"Mahal, huwag mo ng sisihin ang sarili mo.", sagot niya at pinilit ngumiti.
Muli kong tinalian ang sugat niya upang mapigilan ang pagdugo.
Lumipas ang sandali. Gising pa kami pare-pareho.
"Ano ng gagawin natin?", tanong ni Marco.
Hindi ko rin alam kung ano na nga bang gagawin namin. Ang tanging laman ng isip ko ay ang kagustuhang matapos na ito at mailigtas na si Jemuel. Mag-uumaga na halos dahil unti-unti ng lumiliwanag ang langit.
"Tumawag ka na ng pulis!", tangi kong naisagot.
Lumabas naman si Marco upang sundin ang iniutos ko.
Tiningnan ko lang si Jemuel na noo'y bahagya ng napipikit.
"A-antok ka lang... Pero h-hu-huwag kang tutulog!", paalala ko rito.
Ngumiti naman siyang nakatingin sa akin. Sa ngiti niyang iyon ay pilit akong humanap mg pag-asa.
"Mahal na mahal kita, Mahal. H-hindi ko pagsisisihan ang a-araw na n-naging isa t-tayo", sambit niyang umiiyak.
Sanay totoo na lang na pagmamahal ang magpapagaling sa mga sugat ng sa gayo'y hindi na siya mahirapan pa, pati ako.
Muli akong nilukob ng konsensya. Hindi talaga sila dapat nadamay. Paano bang humantong sa ganito ang pangarap ko lang na makapag-aral? Gusto ko lang makatapos pero sa ibang klaseng pagtatapos yata ako dinadala ng tadhana.
Sinubukan kong manalangin, nagpasalamat sa aming kaligtasan at humiling nang panibago. Umusal na sana'y matapos na ito sa maayos na paraan at tulungan kami laban sa kaaway.
"Xander!"
Narinig ko ang malakas na pagtawag ni Marco na animo'y nagmamadali.
"Lumabas na kayo. Lumabas na tayo. Natanawan ko silang papunta dito!", nagmamadali niyang anunsyo sa amin.
Ako'y agad na ibinangon ang kasintahan. Isinara ko ang pinto saka sinipa ang likurang dingding ng sawaling bahay. Hindi ko na rin alam kung saan ako kumuha ng grabeng lakas. Nang matumba iyon ay agad tumalon doon. Napatama pa ako sa pako pero hindi na ininda upang makapagtago, upang maitago ang kasintahang may sugat. Inalalayan ang kasintahang waring hinang-hina na. Si Marco naman ay tila inaabangan ang paparating. Nakatago sa likod ng pinto.
Narinig na namin ang mga kalabang nasa harapan na ng bahay. Sa labis na kaba'y pumasok ako sa silong na nilikha ng natumbang dingding. Hindi ko na alam ang gagawin. Kung katapusan na nga ba ito ay sana'y magkaroon kami ng hustisya sa pagdating ng panahon.
Narinig namin ang mahinang tunog ng sasakyan ng mga pulis mula sa kalsada. Bagaman batid na malayo pa ito'y nagbigay pa rin  sa akin ng bahagyang pag-asa.
"Mga pulis!"
Sa labis na takot ay kitang-kita ko mula sa siwang ng silong na may harang ang pagtakbo ng mga tauhan ni Lyndon na tila wala ng pakialam sa kinilalang amo, mailigtas lang ang sarili.
"Mga lintik kayo. Sayang ang mga ibinayad ko.", sigaw ni Lyndon sa mga nagtakbuhan. Nagpaiwan siya. Tila ayaw patalo.
Kita ko rin doon ang nakaabang pa rin na si Marco. Inihahanda ang sarili sa labanag maaring maganap.
Itinulak ng nasa labas ang pinto at sa pagbagsak noon ay agad silang nagtutukan ng baril.
"Ano ba Lyndon? Itigil mo na 'to!", bulyaw ni Marco. Si Lyndon naman ay nakatingin lang sa kanya at unti-unting humakbang paitaas.
"Wala na Marco. Kung hindi ko mapatay yang Xander mo, ikaw na lang ang papatayin ko.", sagot naman ni Lyndon.
Ako'y nakapanood pa rin sa dalawa habang nakaunan sa aking hita si Jemuel. Kinakabahan. Nanalangin na lang na sana'y huwag kaming mapansin ng kaaway.
"Nasaan na ba ang mga pulis?", sambit ko sa sarili na parang nababagalan sa kanilang pagresponde.
Napatingin naman ako sa kasintahan ko na noon pala'y tulog nila. Kaba at takot ang muling rumihestro sa aking sistema. Tinapik-tapik ko ito ng mahina para magising ngunit hindi epektibo. Muli na naman akong humagulhol ngunit pinipilt huwag lakasan. Niyugyog ko ito. Humihinga pa siya kaya hindi pa rin ako nawawalan ng pag-asa kahit na parang ang hirap na.
"Lyndon... Tama na! Sumuko ka na lang.", hiling ni Marco dito habang pareho pa rin nilang inihaharap sa isa't isa ang mga dalang sandata.
Ako'y habol pa rin ang pag-iyak. Pinipilit pa ring gisingin ang natutulog ngunit ayaw talaga. Sa labis na emosyon ay hindi ko na napigilang humagulhol.
Agad akong napatingin sa dalawa upang alamin kung narinig ako pero hindi ako nagkamali.
Sa pagtingin ni Lyndon sa pinanggalingan ng hagulhol ay agad siyang binaril ni Marco ng dalawang beses. Natumba ito sa kawayang sahig. Sinubukang tumalon ni Marco papunta sa amin ngunit sa pagbagsak niya sa lupa'y siyang putok rin ng baril ni Lyndon. Tinamaan siya sa dibdib kaya ako'y agad tumayo upang siya naman ang saklolohan. Dinampot ko ang baril ni Marco at muling pinaputukan ang kaaway upang ito'y mamatay na.
Tila gusto kong hatiin ang aking katawan para pareho kong maasikaso ang dalawang kaibigan. Tatlong nakahandusay na nilalang at akong nais na rin yatang magpadala sa panghihina. Hawak ko sa leeg si Marco na noo'y pinipilit ngumiti ngunit sa pagngiti niya'y paglabas ng dugo sa kanyang labi, at pagpatak ng luha sa kanyang mata. Si Jemuel naman ay tiningnan ko lang mula sa aking pwesto rito kay Marco. Nais na parehong hawakan sila pero hindi magawa. Gulong-gulo ang aking isip. Umaagos pa rin ang aking luha. Tapos na ang paghihiganti, tapos na rin ba ang aking kasayahan?
Unti-unting lumabo ang ang paligid sa aking paningin at ramdam ko rin ang unti-unting pagkirot ng aking ulo. Bukod pa ang sa puso ko. Bago pa tuluyang magsara ang aking mga mata'y natanawan ko pa ang pagdating ng mga nakaasul na kawatan.
--
Nagising ako at nakitang kalapit ang aking inang nakasubsob sa tabi ng aking hinihigaan. Sa puting paligid ay batid kong nasa ospital na ako. Muli kong inalala ang mga nangyari. Muli akong napaiyak dahil sa masidhing naganap. Ang simple kong nakaraan ay bakit nga ba humantong sa ganito kagulong pasanin? Wala akong ibang hinangad kundi ang maginhawang buhay, ngunit ang kaginhawahang inasam ay napunta sa lalong pasakit.
Naramdaman ko ang bahagyang paggalaw ng natutulog kong tagapag-alaga.
"Ma...", sambit ko ritong nangangatal. Tumingin siya sa mata kong malamlam na pinipigil ang pagpatak ng likido mula doon.
"Anak. Mabuti at gising ka na.", sambit nitong nakangiti saka bahagyang yumakap sa akin.
Sa pagyapos niya'y nakaramdam ako ng pag-asa, ng bahagyang kaluwagan. Iba ang yakap ng isang inang tunay na nagmamahal sa'yo.
"Ma... Sorry ma..", wika ko ritong umiiyak.
"Shhh. Ako ang dapat humingi ng tawad. Kung hindi dahil sa kawalan ko'y hindi sana nagkaganito ang buhay mo.", paliwanag nitong nakayakap pa rin sa akin.
Unti-unti akong kumalas sa pagkakayakap. Tumingin sa paligid.
"Ma, Si Jemuel? Si Marco? Ma, nasaan sila?", tanong kong may pangangamba.
Tumingin siya sa aking mga mata. Tila may mensaheng ipinababatid ngunit hindi ko maunawaan.
"Patay na...."
"Ma... Hindi ma.. Hindi yan totoo ma....", putol ko sa sasabihin niya saka humagulhol.
"Anak.. patay na si Marco... Si Gapo, nasa kabilang kwarto.", dugsong niya sa hindi ko pinatapos niyang sasabihin.
Sa narinig ay naghati ang saya at hinagpis. Saya dahil nakaligtas ang aking kasintahan t hinagpis sapagkat nawala ang sa akin ay nagligtas.
"Ma, puntahan natin si Jemuel Ma.", hiling ko rito.
"Anak... Mamaya na. Ako na lang muna. Magpahinga ka na lang.", pigil nito.
"Dalawa na lang kayong nabuhay sa insidente... Yung Lyndon Saniel, si Marco ay pareho ng idineklarang patay...", pamamalita sa akin ng aking ina. "Si Gapo, wala pa ring malay. Binibisi-bisita ko siya roon.", dagdag niya.
"Ma, puntahan niyo na siya doon Ma. Tingnan niyo na si Jemuel Ma..", hiling ko ritong umiiyak.
Lumabas naman ang aking ina para sundin ang aking hiniling.
Sa pag-iisa sa puting kwarto'y bumalik sa aking isipan ang masasayang aalala namin ni Jemuel. Mula sa pagsagip nila sa akin sa gubat. Sa pag-aalaga niya sa akin upang bumuti ang aking kalagayan. Sa mga malalalim at magagandang tulang nilikha niya para sa akin. Sa paglalim ng aming samahan hanggang sa pag-amin. Sa magandang daloy ng aming relasyon kahit may bahagyang tampuhan. Sana doon na lang. Sana hindi na lang humantong sa ganito.
Sumagi rin sa aking isipan si Marco na siyang nagbigay kalituhan sa kalahati ng aking buhay. Ang pag-aakalang siya ang kaaway kahit na noong una'y tinulungan niya akong makapag-aral ay hindi dapat nangyari. Kung bakit nga ba ako naniwala sa ibinato ng mapanlokong sitwasyon. Kung inalam ko lang marahil ang totoo, imbes na nagpadala agad sa galit ko'y, napunta sana sa maayos ang lahat. Siya man ang sinisisi niyang naging umpisa ng lahat pero kasalanan ko 'to. Kasalanan ko ang lahat ng ito dahil naging sarado ang aking isip na alamin ang totoo. Naging madilim ang aking sistema para tingnan ang totoong liwanag.
--
"Babe!", bahagya kong tawag sa nakahiga. Tumingin naman sa akin na noo'y nasa pinto ang tinawag. Ngumiti. Sa ngiti niya'y namasdan ko ang kaluwagan. Ang sayang inagaw sa akin noon ng mapaglarong tadhana.
Lumapit ako sa kanya at agad siyang niyakap. Napaimpit pa ng mapatama ako sa kanyang braso.
"Babe! Mahal na maha kita babe.", umiiyak kong wika, bunga ng labis na kaligayahan dahil nakaligtas siya. Nakatingin lang sa amin si Mama. Pinababayaang paginhawahin namin ang nararamdaman ng isa't isa.
Inalis ko ang pagkakayapos ko at tumingin sa kanyang mata.  Walang lungkot akong nakita. Ang kislap ng kanyang mga mata'y waring nagpapabatid ng saya.
"Mahal.  Ang saya ko dahil nabuhay pa ako.", wika nitong nakatingin sa akin. Ako'y unti-unting pinangingilidan ng luha samantalang siya'y masayang nakangiti lamang. "Ang saya ko dahil nabuhay pa ako... Kasi hindi pa tapos ang pagmamahal ko sayo....na hindi naman talaga matatapos."
Pinilit kong ipakita sa kanya ang aking ngiti ngunit pumatak na ri ang aking luha. Pinahid niya iyon.
"'Wag ka ng umiyak,Mahal. Tapos na oh. Wala na tayong pagtataguan."
"K-kasi. Nadamay pa k-kayo babe eh.", sambit ko rito.
"Ayan ka na naman. 'Wag mo ng isipin iyon. Wala naman akong pinagsisihan. Kasi mas malaki ang pagmamahal ko sayo kaysa sa sampung trahedya na ating pinagdaanan.", matamis nitong tugon.
Bagaman nakaramdam ng mali dahil ako dapat ang magkokomportable sa kanya dahil siya ang nakaratay ay niyakap na lang muli ang kasintahan.
"Mahal na mahal kita babe, at hindi ko pagsisihan ang araw na minahal natin ang isa't isa.", tangi kong sambit dito.
"Mahal na mahal din kita.", wika niya.

The Art Of Loving You (COMPLETE ✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon