[JEMUEL'S]
"Babe, charge ko muna itong cellphone ko sa bahay. Balik na lang din ako mamaya.", paalam ni Xander sa akin. Ako naman ay tumango lang saka itunuloy ang pagsisibak ng kahoy. Nag-uuling kasi kami ng kahoy ngayon. Siya naman ay tinahak na ang daan papuntang bahay.
"Ikuha mo pala ako ng inumin pagbalik mo!!", sigaw ko sa kanya na medyo malayo na. Lumingon naman ito.
Naisipan ko munang mamahinga. Naglakad-lakad at naghanap ng prutas na pwedeng makain. Nag-isip ng mga bagay-bagay. Muling sumagi sa utak ko ang huling pagtatalik namin ni Xander.
"Grabe din 'tong mahal ko. Iba pumatay sa sarap eh.", sambit ko sa sarili na bahagyang nagpangiti sa akin. Masaya ako sa daloy ng aming relasyon dahil wala pa naman kaming malaking napapag-awayan maliban sa mga kulitan at asaran minsan. Mas masaya kami ngayon kaysa noong unang wala pa kaming titulo. Siya ang kauna-unahan kong kasintahang lalaki, bagaman nahuhumaling din ako noon sa ibang mga silahis.
"Jemuel! Jemuel! Napalingon ako sa tumatawag sa akin. Si Maico,tangan ang dalawang papel at nagmamadali.
"Oh? Bakit parang hapong-hapo ka?", medyo malayo pa man ay sinagot ko na ito. "Ano iyan?", usisa ko sa hawak niya ng bahagya itong makalapit sa akin.
"Nakita ko 'tong nakadikit sa bayan. Nagulat nga din ako.", tugon niya at ipinakita sa akin ang laman ng mga papel na labis kong ikinabigla.
"Bakit ba siya hinahanap? Baka kriminal yang si Xander ah." - si Maico.
"Huh? Hindi naman siguro. Huwag mong pag-isipan ng ganyan si Ma-... Si Xander. Mabait siya. Ang tagal na niya dito pero wala siyang nagawang mali sa akin.", dipensa ko. Tiningnan ko ang dalawang papel na may larawan niya. May nakalagay na pabuya at magkaibang tao ang humahanap. Si Marco at Lyndon.
"Jemueeeeel!"
Narinig namin pareho ang tawag ng pinag-uusapan namin. Ako naman ay agad tumakbo papunta sa kanya upang magpakita. Sumunod naman si Maico.
"Xander, tingnan mo 'to?", bungad sa kanya ni Maico.
Si Xander naman ay kinuha ang mga papel at tiningnan iyon. Nakatingin lang ako sa kanya.
"May krimen ka bang ginawa at ganyan kagrabe kung hanapin ka nila.", usisa ni Maico.
"Wala. Kung meron dapat ay 'wanted' ang nakalagay diyan at hindi 'missing'.", paliwanag nito.
"Eh bakit ba gustong-gusto ka nilang makita? Dumating pa sa puntong pinatungan nila ng halaga 'yang ulo mo.", tanong ko. Humarap naman siya sa akin.
"Siguro naalarma si Marco no'ng makita niya ako noon. Nakumpirma na buhay pa ako kaya pinatungan ako ng labinlimang libo.", paliwanag nito. "Itong si Lyndon, hindi ko alam kung anong balak nito. Kung bakit nakihanap na rin sa akin.", dagdag niya.
"Eh anong gagawin nila sa'yo kung mahanap ka? Baka naman may hinahanap silang bagay na ikaw lang ang may alam.", wika ni Maico na bahagya kong ikinangisi.
"Brad, naso-sobrahan ka yata sa pelikula.", tugon ko.
"Baka natatakot silang bumalik ako para makaganti. O magsampa ng kaso kaya gusto na nilang tapusin kung anong sinimulan nila. Lalong nabakas ang galit sa mukha ni Xander. Ako naman ay nag-alala sa kalagayan ng aking kasintahan.
--
[XANDER'S]
Alam kong hahantong sa ganito ang sitwasyon pero hindi ko ito napaghandaan. Sa nangyari'y parang gusto kong iurong ang nais na paghihiganti pero may parteng nagsasabing huwag ko itong gawin.
"Mahal, kumain ka muna nito. Huwag mo ng pakaisipin iyang mga kaaway mo.", wika sa akin ni Jemuel at iniabot ang niluto niyang minatamis na saging.
"Hindi ka mahahanap ng mga iyon dahil nandito ka.", dagdag nito.
Ako naman ay nilantakan muna ang niluto niya.
"Napapaisip kasi ako kung bakit hinahanap din ako ni Lyndon. Mabait na tao iyon kahit hindi kami ganoong malapit sa isa't isa.", wika ko. "Baka gusto niyang tulungan ako. Pero... ewan.", dagdag ko. Si Jemuel ay tumabi naman sa akin saka tiningnan ako sa mata.
"Pero hindi tayo sigurado kaya kailangan muna nating alamin bago ka magtiwala don.", wika niya. "Saka kaibigan iyon ni Marco 'di ba? Paano kung nagtutulungan sila?", dagdag niyang may pag-aalala.
Tama siya. Kailangan ko munang alamin kung ano ang talagang dahilan ng pagpapahanap niya rin sa akin.
"Saka mahal,huwag mo na munang pakaisipin iyan. Nandito ka naman kaya walang makakapanakit sa'yo.", wika ni Jemuel ng may sinseridad. "Maliban dito.", dagdag niya saka hinimas ang kanyang harapan. Ngumisi ng nakaloloko.
"Ikaw talaga. Gusto mong kagatin ko 'yan mamaya hanggang maputol nang ikaw ang masaktan.", bawi ko. Napatawa naman siya sabay yakap sa akin.
"Mahal na mahal kita, Mahal.",. sambit nitong may paglalambing saka humalik sa pisngi ko. Ginawa niya ito marahil ay upang mapagaan ang damdamin ko o upang iwasan ko ng mag-isip ng kung anu-ano.
"Para saan iyan? Gusto mong makaisa ano?", wika ko rito. Siya naman na hindi pa kumakalas sa pagkakayapos ay ngumiti lang saka hinalikan ulit ako sa pisngi sabay sabing
"Pwede?", at bahagyang tumawa.
--
Kailangan kong alamin kung bakit ako pinapahanap din ni Lyndon. Sumasagi kasi sa isip ko na baka matutulungan niya ako. Kaya titingnan ko ang Facebook account niya at magbabakasaling may makikita doon.
"Babe, samahan mo ako. Magpi-facebook ako.", pagyaya ko sa kasintahan na nakaupo lang.
"Huh? Oh sige.", sagot nito at tumayo.
Naglakad kami papunta sa may bandang paitaas dahil doon malakas ang signal. Nakaakbay siya sa akin at kumakanta-kanta pa. Nagpapatay ng inip sa bahagyang katahimikan.
"Sandal mo sana ang ulo mo sa unan.
Katawan mo ay aking kukumutan
Mga problema'y iyong malilimutan.
Habang tayo'y magkayakap sa dilim~"
"Marunong ka palang kumanta.", puri ko sa kanya.
"Lahat naman tayo marunong kumanta. Hindi lang lahat tumatama sa tono.", sagot naman nito.
"Oh sige. May tono ka pala.", wika kong pabiro."Ganoon ba dapat yung puri ko sa ganda ng boses mo?", hirit ko. Siya naman ay bahagyang tumawa.
"Maganda lang sa'yo kasi mahal mo ako. Ganun pag mahal mo ang tao 'di ba? Wala kang pangit na makikita.", tugon nitong ayaw maniwala. Hindi na naman ako nagsalita sa pagiging matalinghaga niya.
Nakarating na kami sa pupuntahan. Noong una'y sinubukan kong bisitahin ang accounts nilang dalawa gamit ang alter account ko pero wala akong mahalagang nakita.
Ini-log-in ko ang totoo kong facebook account. Ngayon ko lang ito muli binuksan mula noong ako'y mapunta kay Jemuel. Sa pagbukas ko'y maraming unread messages akong nakita galing sa mga kaklase ko at kay Lyndon. Binuksan ko 'yon at binasa ng mahina na alam kong naririnig ni Jemuel.
"Nasaan ka na ngayon Xander? Nabalitaan ko ang ginawa sa'yo ni Marco dahil nakwento niya sa akin ito. I just want you to know that I'm willing to help you. Kaya kita ipinahanap ay dahil gusto kong maunahan ang taong gustong pumatay sa'yo. I'm doing this because you're special to me. May gusto ako sa'yo at ayokong kamatayan mo pa ang maging kaagaw ko...."
BINABASA MO ANG
The Art Of Loving You (COMPLETE ✔️)
General FictionPinili ni Xander na maging alipin ng makamundong gawain upang matugunan ang kanyang pangangailangan. Upang mas mayos nyang makamit ang kanyang kinabukasan. Ngunit ang bagay na ito pala'y lalong maglulugmok sa kanya at magbibigay daan upang mapunta s...