[XANDER'S]
"Gising na, kumain ka na! Kumain na tayo.", gising ko kay Jemuel na mahimbing ang pagkakatulog. Nauna akong gumising sa kanya kaya ako na ang nag-asikaso ng almusal. Isinangag ko lang yung tirang kanin namin kagabi at nilagyan ng corned beef. Si Jemuel naman ay nagmulat ng bahagya at pinunas ang mata. Umupo saka tumingin sa akin at pumikit-pikit. Ngumiti ng bahagya saka muling humiga ng patagilid. Ako naman ay napatawa sa inusal niya.
"Jemuel, naghihintay yung pagkain! Bumangon ka na!", saka tinapik siya ng malakas sa braso.
"Mamaya na, tabihan mo muna ako dito!", tugon niya saka dumiretso ng higa at muling ngumiti sa akin.
"Ano ba? Tatayo ka o ano?", papikon kong tanong ko sa kanya pero tila hindi natinag ang kagigising na kausap. Muling ngumiti ng nakaloloko.
"Kanina pa nakatayo!", tugon niyang pabulong na akin namang ipinagtaka.
"Ano?", tanong ko at kumunut-noo.
"'Tong akin.", pilyong sagot niya saka humimas sa sinasabi n'yang 'nakatayo'. Ako naman ay napatingin sa ikinilos niya na kalaunay binawi rin agad.
"Gago!", pabulyaw kong sagot saka tumayo. "Bahala ka dyan kung ayaw mong bumangon.", pikon kong dagdag. "Minsan na nga lang akong maggising ng maaga, ganyan ka pa!", hirit ko muli bago tuluyang bumaba.
"Daig mo pa asawa ah!", pasigaw niyang biro saka tumawa. Narinig ko naman ang pagbangon niya dahil sa tunog ng kawayang katre.
"Bango nyan ah!", bungad niya saka tuluyang umupo. Ako naman ay dumiretso lang ng kain. Hindi pinansin ang kaninang nang-aasar.
"Isandok mo naman ako.", hiling nya na muli kong ikinakunot ng noo.
"Ano? Luto ko na, abyad ko pa sayo? Pasyente ka?", tugon ko.
"Aww.", tanging sambit nya saka tuluyang sumandok ng sinangag. Walang nagsalita habang kami ay kumakain. Nakadalawang kuha na siya ng pagkain pero ang kinakain ko ay hindi pa rin ubos.
"Sarap na sarap ka ah!", puna ko sa kanya.
"Oo, pero parang---", paputol niyang sagot.
"Parang ano?", tanong ko naman sa paga-akalang may maling lasa sa niluto kong almusal. Siya naman ay tumingin sa akin. Muling ngumisi at kumindat saka sumubo muna at inubos ang laman ng pinggan.
"Parang mas masarap ka.", sagot niya saka mabilis na lumayo marahil ay sa paga-akalang may gagawin ako.
Tumingin lang siya sa akin. Sa totoo'y biro lang talaga para sa akin ang mga pilyong hirit nya na minsan parang gusto ko ring tugunan sa papilyong paraan. Hindi ko naman hinihiling at nakikitang magkagusto siya sa akin dahil alam kong mas titimbang sa kanya si Maico bilang matagal na niyang kaibigan. Hindi ko sinabi sa kanya na si Maico ang kumuha ng pera, baka kasi iyon pa ang sumira sa pagkakaibigan nilang nauna pa sa pagdating ko. Natapos akong kumain. Siya naman pagkalagay ko ng pinggan sa kawayang lababo ay nagsimulang maghugas ng pinagkainan.
"Siya nga pala. Mamaya magko-kopra kami ni Maico. Sasama ka?", tanong niya sa akin habang abala sa ginagawa.
"Ewan. Baka sumunod na lang ako. Doon ba sa dati?", tugon ko.
"Oo. Nasimulan ko na namang ipunin yung mga niyog. Hahatiin at isasalang nalang mamaya.", sagot niya saka nagtuyo ng kamay.
"Susunod na lang ako. Wala naman yata akong gagawin dun, kaya nyo naman dalawa.", sagot ko. Tinatamad talaga ako. Balak ko kasing tumambay sa may signal para tingnan ang facebook account ni Marco. Gumawa ako ng alter account para malabong ma-trace ako.
"O baka, dito na lang ako. Ipagluluto ko na lang kayo ng kakainin.", palusot ko.
--
[JEMUEL'S]
"Bakit pala hindi daw sumama si Xander?", tanong ni Maico sakin habang nagsisilid sa sako ng mga hinating niyog. Ako naman ay naghahati pa rin ng ilan.
"Ewan ko. Tinatamad yata.", tanging tugon ko.
"Ahh.. mabuti na rin yun.", sunod nito. Ako naman ay nagtaka.
"Huh?! Bakit naman?", -ako.
"Para naman maiba. Hindi yung lagi kayong magkasama.", sagot niya.
"Para mabago naman. Dati-dati laging tayo ang magkabuntot.", dagdag niya. Animo'y nagtatampong bata.
"Ganon pa rin naman ang pagkakaibigan natin eh.", tugon ko at humarap sa kanya. "Saka mabait naman 'yong taong yun.", sunod ko. Siya naman ay ngumiti.
"Oo nga. Sinabi mo pa. Pero ayaw niya bang umuwi na? Pwede naman siyang magsampa ng kaso dun sa Marco eh."
"Wala naman siyang nasasabing gusto na niyang umuwi. Pero sabi niya mahirap daw magsampa ng kaso kasi matagal na yung nangyari. Saka baka daw mabaliktad ang sitwasyon.", paliwanag ko. "Saka ayaw ko pa siyang umalis. 'Di pa kami lubusang magkakilala."
"Gusto mo siya?", diretsong tanong nya.
"Medyo. Oo. Parang.", tugon kong hindi rin alam ang bubuuhing pangungusap.
"Bakit 'di mo ligawan?", tanong nito. Ako naman ay napatingin sa kanya na bahagyang nakangiti. "Baka naman may nangyari na sa inyo?", dagdag nito saka ngumisi.
"Wala pa. Inaakit ko nga siya minsan pero ayaw bumigay.", tugon ko na ikinatawa naming dalawa. "Baka hindi ako yung tipo niya. Alam mo na, siguro yung katulad niya rin."
"Okay lang 'yon. Andito naman ako.", saka tinapik ako sa balikat. Ako naman ay muling tumawa. "Kelan kaya mauulit yung dati?", sunod nito saka pinisil ang braso ko. Ako naman ay hindi siya naunawaan.
"Alin?", tanong ko.
"Alam mo na. Yung ginagawa natin dati?", paliwanag niya at humawak sa harapan ko. Ako naman ay napatawa muli sa ikinilos nya at kalauna'y nag-init lalo ang pakiramdam. Matagal na rin ng huli kaming magtalik ni Maico kaya kumagat na rin ako sa gusto niyang mangyari.
"Doon muna tayo sa kubo. Baka may magpunta dito, makita tayo.", yaya ko sa kanya na tila ikinasaya niya.
Pagdating namin sa maliit na kubong ginawa ko lang para may masilungan ako ay agad niya akong sinunggaban ng halik. Mariin. Malambot ang kanyang labi at ako naman ay hindi nagpahuli sa marahas niyang paraan ng pakikipaghalikan. Dahan dahan niyang ibinaba ang shorts ko at habang hinahalikan ako'y hinihimas ang aking harapan mula sa brief ko.
"Ahhh!", galingan mo. Tuluyan niyang ibinaba ang brief ko at siya naman ay naghubo na rin. Parehong tayung-tayo ang aming mga kargada. Sinimulan niyang salsalin ang burat ko habang sinisibasib ng halik ang aking labi, pababa sa leeg at patungong utong. 'Di alintana ang amoy pawis kong katawan, sinipsip niya iyon na sadyang nagpaiktad sa akin.
"Ahhh. Galing mo Maico. Bumaba ka na. Ahh.", ungol ko. Agad siyang tumalima sa hiling ko at dinilaan ang ulo ng aking pagkalalaki. Tumitingin pa sa akin ang loko na lalong nagpapatindi ng aking libog. Panay ungol ko ang lumalabas sa aking bibig. Bagay na alam kong nagpapagana sa kanya. Nakahawak na ako sa ulo niya at nagsimulang kumadyot. Magaling sa ganitong bagay si Maico dahil halos panawan ako ng ulirat sa sarap niyang tumrabaho. Itinaas ko ang ulo niya at siya'y pinatayo.
"Bakit?", pagtataka niya. Ako naman ay ngumisi.
"Alam mo na!", pilyong sagot ko sabay tapik sa matambok niyang pwet. Siya naman ay muling ngumiti at tumuwad ng patalikod sa akin. Binasa ko ng laway ko ang sandata kong papasok sa kanya at pati na rin ang papasukan nito. Sinundot ko pa ng dalawang daliri.
"Ahhh. Tang---", ungol ni Maico dahil sa ginawa ko. "Sarapan mo pa.", dagdag niya. Sinalsal niya ang sariling sandata. Ako naman ay itinutok na ang aking tarugo sa butas nya at dahan-dahan itong ipinasok. Napaiktad naman siya sa sakit kaya nahugot din agad. Ibinalik ko siya sa pagkakatuwad at muling sinubukang pasukin ito. Naipasok ko na ang ulo. Masarap. Siya naman ay puro impit lang ang tugon. Dahan-dahan pa akong umabante hanggang sa makapasok ng buo. Saglit akong tumigil upang sanayin ang butas niya saka unti-unting kumadyot.
"Tanginaaa. Sige pa. Bilisan mo pa!", ungol niya. Ako naman ng marinig ang itinuran niya'y agad na tumalima. Binilisan ko ang pagpasok-labas. Tila puro sarap na lang ang kanyang nararamdaman. Ako naman ay ganoon din. Ilang minuto kami sa ganitong posisyon ng maramdaman kong malapit na ako sa kasukdulan.
"Malapiiit na ako. Konti na lang!", paalala ko.
"Sige lang, bun——",
"JEEEMUELL! MAICOOO!"
Hindi naituloy ni Maico ang sasabihin ng marinig namin pareho ang tawag ni Xander. Ako naman ay napakamot na lang sa ulo dahil nabitin din sa nangyari. Nagmadali kaming magbihis bago tuluyang lumabas.
--
[XANDER'S]
Alas singko na ng hapon. Bahagya na ring dumidilim ang langit. Halos kakauwi lang din namin galing sa pagkokopra. Umuwi na si Maico kaya kaming dalawa na naman ang magkasama ni Jemuel. Kasalukuyang kumakain ng tinapay si Jemuel at ako naman ay naglilinis ng binti. Biglang may sumagi sa utak ko na gustong gawin.
"Jemuel!", tawag ko sa kumakain at lumingon naman. Itinaas lang ang dalawang kilay na parang nagtatanong.
"Pwede mo ba akong samahan doon sa lugar kung saan niyo ako nakita?", hiling niya. Siya naman ay napatayo.
"Huh? Bakit? Bakit pa?", pagtataka niyang may halong pagtanggi. Ako naman ay umisip ng dahilan sa bagay na hindi ko rin alam kung bakit gusto kong mangyari.
"Ano, kasi.. wala lang. Baka sakaling may makita ako doon.", hindi sigurado kong tugon.
"Huh? Na ano? Tagal na noon. Baka wala na doon yung pwede mong makita.", sagot niya. Napatungo naman ako. Para kasing ayaw niyang sumama. Katahimikan ng ilang segundo ang nag-ingay.
"Sige. Punta tayo bukas pagkabenta ko ng kopra.", pagsang-ayon niya na ikinangiti ko. Ang totoo talaga'y wala akong dahilan kung bakit gusto kong bumalik sa lugar na iyon. Ang lugar na tila naging pinto upang mapasok ko ang kanilang buhay.
--
Naglalakad na kami pareho papunta sa nais kong puntahan. Nauuna siya sa akin. Masukal ang daan. Medyo malayo rin ito sa bahay.
"Paano pala kayo nakapunta doon? Layo noon ah.", tanong kong may pagtataka.
" Ahh ehh. Pano nga ba?——" Umisip muna bago itinuloy. "Ahh oo. Binisita namin yung patibong namin sa bayawak kung may huli na.", paliwanag nito. Ako naman ay nagulat.
"Bayawak?! Anong gagawin niyo dun?", tanong ko.
"Uulamin. Sarap kaya noon.", sagot niya na ikinanlumo ko.
"Huh?! Nakakain yun? Kadiri naman!", tanong ko saka napalumod ng laway. Hindi na naman siya sumagot. Dumiretso na kami ng lakad ng biglang:
"SHEETT!", napasigaw ako sa gulat na agad niyang ikinalingon. May biglang tumalon na ahas. Dahil sa biglang emosyon ay napayakap ako sa kanya. Bagay na kalaunay napansin kong medyo mali kaya agad ding kumawala. Siya Jemuel naman ay napangiti sa aking nagawa.
"Hindi mo papatayin?", tanong ko sa kanya ng hayaan niyang makatakbo ito.
"Pabayaan mo na. Wala namang ginawa sa atin eh. Saka kung tutuusin, tayo 'tong mali kasi nandito tayo sa lugar nila.", paliwanag niya.
" Okay.", tanging tugon ko sa sinabi nyang alam ko rin namang tama.
"Andito na tayo.", wika niya. "Diyan sa likod ng punong iyan ka namin nakita..", dagdag niya saka itinuro ang malaking puno ng mangga. "Dito sa banda dito kasi kami may ginawa ni " Maico."
Ako naman ay naglakad papunta sa likod ng puno. Pinanood lang naman ako ng aking kasama. Sa mga sandaling iyon ay unti-unting bumigat ang aking pakiramdam. Sa bawat hakbang ko'y pagbalik sa aking alaala ng aking sinapit. Ang bigat kong nararamdaman ay tila pumaitaas at pinatulo ang kapiraso ng butil na luha mula sa aking mata.
"A-ang swerte ko pa rin d-dahil sa lugar na ito.", tangi kong nasabi. Hindi ko na napigilang humagulhol ng iyak." At ll-lalo g s-swerte ako k-kasi anjan k-kayo.".
Si Jemuel ay hinayaan lang akong pakawalan ang emosyon ko. Walang imik at kibo. Nilibot ko paikot ang puno at nakita doon ang itim kong panyong may burda ng aking pangalan. Lola ko pa ang nagburda noon. Lalo akong napaiyak ng maalala siya. Sa pag-iyak ko'y lalo ring paglalim ng galit ko sa itinuturing na kalaban.
--
[JEMUEL'S]
Matapos ang aming pagpunta sa lugar na iyon ay nakatulog si Xander. Siguro ay dahil sa pag-iyak niya. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit ayaw kong pumunta doon —— ang bumalik na naman sa alaala niya ang sakit.
Wala akong maisip na paraan para mapagaan ang kanyang mabigat na damdamin maliban sa isa. Ang paggawa ng tula. Bagay na alam kong tanging kaya kong ibigay sa kanya. Kinuha ko ang papel at ballpen saka nagsimulang paliparin ang isip.Punong Punung-puno Ng Alaala
Sa aking kaibigan, kung maaalala mo man,
May isang halaman na atin noong inalagaan.
Kung babalik ka rito'y iyo ng mamamasdan,
Ang punong manggang saksi ng ating nasimulan.Ilang beses na akong nahulog nang ito'y akyatin.
Pero ang magsawa'y tila ayokong gawin.
Sapagkat alam 'kong sa bawat lagapak ko mandin,
May matamis na prutas akong maaangkin.Kayrami ko ng galos at sugat na nakuha
Ngunit ang punong iyon sa akin ay ipinagpala.
Siya rin ang sa aki'y tila nagwiwikang
'Huwag tingnan ang sakit kundi ang mapapala.'Kaya kaibigan, punong iyo'y saksi.
Na sa bawat iyak ko'y siya ring may pagbuti.
Siyang punong minsang wari akong inapi.
Ang siya ring sandalan ko't naging kakampi.Napangiti ako ng matapos ang aking simpleng tulang hindi lang tungkol sa punong mangga kundi sa nabuong pag-ibig. Tutal kahit na itanggi ko pa sa sarili ko'y hindi pa rin patatalo ang katotohanang gusto ko talaga siya, gusto ko siyang mahalin. Humahanap lang ako ng tyempo at paraan kung paano ito aaminin sa kanya.
Itinago ko ang ballpen at papel. Inipit ko ng bahagya sa unan niya ang nagawa kong tula na sana'y basahin niya at magpagaan ng kanyang damdamin.
BINABASA MO ANG
The Art Of Loving You (COMPLETE ✔️)
General FictionPinili ni Xander na maging alipin ng makamundong gawain upang matugunan ang kanyang pangangailangan. Upang mas mayos nyang makamit ang kanyang kinabukasan. Ngunit ang bagay na ito pala'y lalong maglulugmok sa kanya at magbibigay daan upang mapunta s...