[XANDER'S]
"Ano ng gagawin natin?", tanong ni Jemuel. "Umuwi muna kaya tayo Mahal, baka nag-aalala na si Nanay.", dagdag niya at tumingin sa akin.
"Ini-text ko na siya at sinabing nakita na kita.", tugon ko rito.Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sunud-sunod na nangyayari. Gulong-gulo ang isip ko pero kailangan kong tanggapin ang mga ito. Tila isang pagtakbong panay kakaibang tanawin ang nakikita dahil sa grabeng mga kaganapan. Mula sa aming pagtakas, pagkakita sa aming ina na mayroon palang ginawang malaking koneksyon sa amin, sa pagkamatay ni Maico at sa katotohonang dala ni Marco. Tila hindi pa rin maunawaan ng aking isip ang mga rumihestrong bagay pero kailangang tanggapin para muling makausad.
Nandito kami ngayon sa labas upang magliwaliw saglit at upang ayusin pansamantala ang mga bagay-bagay sa aming isipan. Upang magplano ng susunod na ikikilos dahil pare-pareho naming batid na hindi titigil ang kalaban. Naka-shades pa rin ako at jacket dahil ayaw ipaalam ni Marco na nahanap niya na rin ako. Para na rin sa kaligtasan ko laban sa totoong kaaway na si Lyndon.
"Ano ng balak natin?", muling tanong ni Jemuel.
"I'll talk to Lyndon. Since, ako rin ang naging simula nito.", sagot ni Marco. "Makikiusap akong itigil na niya 'to.", dagdag niya.
"Paano kung hindi siya pumayag?", tanong ko ritong may pag-aalinlangan dahil batid na hindi ganoon kadali ang mga bagay-bagay.
"Bahala na. Pero kakausapin ko siya ng mag-isa lang siya. Yung wala siyang kasamang tao para mas ligtas.", wika nito. "Sumama na rin kayo pero magtago muna para kung sakaling may maganap, kahit papano'y may laban tayo.."
"We also need to bring weapons, baka kailanganin natin. Hindi ko alam kung anong tumatakbo na sa utak ni Lyndon.", paalala ni Marco.
Pinaubaya ko na sa pagkakataon ang mga desisyong ito. Gusto ko na ring matapos ang maliit na gusot na naging gulo para matahimik na kami. Sinang-ayunan na lang namin ni Jemuel ang plano ni Marco kahit hindi ganoon kadali. Kailangan naming maging handa, at kung kamatayan ang magtitigil sa ganitong gulo'y, susuong ako, kami. Ngunit sana'y huwag iyong mangyari sa aking mga kakampi o sa akin man.
--
Alas otso na ng gabi ng balakin naming pumunta sa bahay ni Lyndon. Gaya ng napag-usapan ay si Marco lang ang magpapakita at kakausap dito. May parte sa akin na nagsasabing huwag na lang namin itong ituloy ngunit meron ding bumubulong na kailangan, para makaganti, para matapos. Nasa pagitan ako ng takot at kaba, ng galit at pag-atras at maging ng pagnanasang matapos na ito o huwag na lang ituloy.
Hindi kalakihan ang bahay, marahil ay tinutuluyan lang ito ni Lyndon gaya ng kay Marco.
Tumago kami sa ilang halamang nasa tabi ng bahay ni Lyndon at si Marco ay pumindot na ng doorbell.
Gaya ng dati'y may kaba kaming nararamdaman ni Jemuel. Bukod sa mga insektong kumakagat ay kinakagat din kami ng hindi maipaliwanag na nararamdamang marahil ay bunga ng kaba o ng ano pa. Tahimik lang kami pareho na nag-aabang ng mangyayari.
Lumabas na sa gate si Lyndon.
"Oh anong ginagawa mo dito?", usisa nito kay Marco.
"Can we talk?", tanong nito sa nagbukas.
"Tungkol saan? Kung tungkol na naman ito kay Xander, huwag na. Hindi mababago ang gusto ko.", wika ni Lyndon. "Sa akin na siya, remember? Kaya you should not give any complain.", sumbat nito.
Ako naman ay parang gusto ng lumabas upang saktan na si Lyndon pero pinipigil ako ng kabilang panig ng aking sarili.
"Pero, siguro kung ikaw na lang ang mapapasakin, without any hesitation from you, titigil na ako. Pasok ka? Para makapag-usap tayo ng maayos.", alok ng minamanmanan.
Pasimple kaming tinitingnan ni Marco. Nakikiramdam marahil o nag-aalis kaba saka sumulyap-sulyap sa loob ng bakuran nina Lyndon.
"Huh? Baka may tao sa loob?", pag-aalinlangan ni Marco.
"Don't you worry. Walang tao sa loob. Nasa States pa sina Dad. Yung mga tao ko, wala diyan kasi wala naman akong ipapagawa.", paliwanag nito.
Sa narinig ay parang nabuhayan ako. May laban kami kung magkataon.
"Sure ka huh? Sige.", sagot ni Marco saka sila pumasok sa loob. Nakita naming si Marco ang nagsara ng gate pero hindi niya iyon ini-lock.
Nagpalipas muna kami ng ilang minuto ni Jemuel, bago kumilos.
"Ano na Xander, tara na?", sambit ng katabi.
"Saglit lang. Magti-text yan si Marco.", sagot ko rito.
Tumunog na nga ang cellphone ko.
"Pumasok na kayo. Walang tao.",
BINABASA MO ANG
The Art Of Loving You (COMPLETE ✔️)
Ficción GeneralPinili ni Xander na maging alipin ng makamundong gawain upang matugunan ang kanyang pangangailangan. Upang mas mayos nyang makamit ang kanyang kinabukasan. Ngunit ang bagay na ito pala'y lalong maglulugmok sa kanya at magbibigay daan upang mapunta s...