[JEMUEL'S]
"Ayos ka lang dyan?", tanong ko kay Xander na nasa kabilang bahagi ng bangka. Namimingwit ng isda kahit kanina pa walang nahuhuli. Ako naman ay ganoon din pero may ilan ng huli. Hindi naman kami naaarawan masyado dahil may bubong ang bangka at bukod doon ay hindi ganoon katindi ang sikat ng araw.
"Oo. Kahit nakakainis na.", sagot nito at bahagyang nagkamot ng ulo.
"Higitin mo kasi agad kapag may naramdaman ka ng humihila.", muli kong paalala. Ngumiti naman siya.
Matapos ang mainit naming away at parehong pag-amin noong isang araw ay muling naayos ang aming samahan sa mas mataas na aspeto.
"Huwag mo na kasing pilitin, Mahal. Ako na lang. Gusto mo maglangoy ka na lang.", sambit ko kay Xander. Pumayag na siyang maging kasintahan ko. Walang ligawang nangyari sapagkat pareho naman daw kami ng nararamdaman. Saka sapat na rin naman 'yung pagkakakilanlan namin sa isa't isa at pagtira sa isang bubong. Noong una daw kasi'y nakikiramdam lang siya at inakalang si Maico ang tipo ko.
"Mahal?", tanong nitong nakataas ang kanang kilay. "Anong 'mahal'? Sabi ko 'di ba ay 'babe'?", pagtatama nito sa sinabi ko na akin namang ikinatingin saka kumunut-noo.
"Mahal! Ayoko ng 'babe', ang luma.", bawi ko na ikinatawa ng nasa kabila.
"Eh bago ba 'yong 'mahal?'", hirit nitong ayaw patalo. Ako naman ay napaisip at na nabatid na mali ang dipensang binitawan.
"Basta mahal. Tapos!", wika ko at ngumiti.
"O tayo yung matatapos?", wika nitong pabiro. Ako naman ay hindi pumayag.
"Edi bahala ka kung anong tawag mo sa akin. Basta 'mahal' ang tawag ko sa'yo. Mas nararamdaman ko ang tamis doon eh.", paliwanag ko.
"Oh sige babe.", sagot nito. "Maglalangoy na nga lang ako. Wala naman talagang gustong magpahuli sa akin.", dagdag nito.
"Ako ah. Nahuli mo na.", banat ko at kumindat ng nakaloloko. Kinilig naman si Xander dahil halos umabot ang ngiti nito sa tenga.
"Oh edi wow.", sagot nito. "Sige. Maghuhubad na ako ng damit. Huwag ka ng tumingin.", dagdag nito na aking ikinatawa.
"Bakit? Eh akin ka naman eh, 'di ba?", paalala ko sa kanya. " Sige kapag ganyan ka at nalunod ka mamaya, hindi kita sasagipin.", banta kong may halong pagbibiro.
"Eh 'di huwag...", sarkastikong sagot nito. "Saka, ako malunod? Galing ko kayang sumisid.", dagdag nito.
"Oo nga pala.", tugon kong may kakaibang kahulugan. "Sige na. Sisirin mo na yan. Tapos mamaya ako naman... yung sisirin mo.", biro ko sa kanya saka ngumisi ng pilyo. Siya naman ay hindi na sumagot at tumalon na lang sa dagat. Itunuloy ko ang pamimingwit pero wala ng nahuhuli. Habang ginagawa ito'y tinitingnan si Xander na ngumingiti lang sa tuwing makikita akong nakatingin sa kanya. Lumipas ang ilang minuto pero wala na talaga akong mahuli kaya nagpasyang gayahin na lang ang ginagawa ng kasintahan. Hinubad ko ang suot kong damit at tumalon sa dagat. Naglangoy kami na parang bata at nagbabasaan minsan. Malinaw ang malalim na tubig at medyo malamig ito sa balat. Nagtagu-taguan pa kami sa ilalim ng bangka na animoy mga batang noon lang nakapaglaro.
Nasa kabilang parte ako ng bangka ng...
"Jemuel!! Jemm... Jemueeel! Tulong.", sa naririnig ay agad na naalarma kaya' sumisid papuntang kabilang parte ng bangka.
Sa pag-ahon ng aking ulo'y nagimbal ako. Parang ang bilis naman ng nangyari. Tahimik na siya at bahagyang nakadapa at nakadipa ang mga kamay na labis na nagbigay-hudyat sa aking maalarma. Medyo malayo siya sa bangka pero tinulinan ko ang paglalangoy. Labis ang kaba na aking naramdaman na mabilis nagpatulo ng aking luha kahit na basa talaga ang aking pisngi. Agad ko siyang inaakyat sa bangka at pinisil ang dibdib gamit ang aking dalawang palad.
"Ano ba X-xander?!", may pag-aalala kong tugon at nangingiyak na. Walang tubig na lumabas.
"X-xander. Uy!!", pagkausap ko at sinubukan muli ang ginawa pero wala pa rin. Ibinuka ko ang kanyang bibig upang higupin ang pumasok na tubig doon. Wala pa ring lumabas kaya sinubukan ulit at sa paglapat ng bibig ko sa bibig niya'y imbis na tubig ang aking maramdaman ay bahagyang pagkagat niya sa aking labi. Nagmulat at tumawa ang gago.
"Tangg—", hindi ko naituloy ang masamang salita ko sanag sasabihing bunga ng maling pag-aalala. Tumawa lang ang nangloko.
"Bwisit naman Xander, sa ginawa mong iyan, baka ako ang mamatay.", sambit kong medyo pikon sa kasamang bahagya pa ring nakahiga. Ngumiti lang ito.
"Sorry na. Sinubukan ko lang kasi kung anong mararamdaman at gagawin mo kapag nangyari sa akin iyon.", paumanhin nitong tumatawa pa rin saka bumangon at niyakap ako nang may paglalambing. "Saka gusto lang kitang mahalikan. Sarap eh.", pagbanat nito.
--
BINABASA MO ANG
The Art Of Loving You (COMPLETE ✔️)
BeletriePinili ni Xander na maging alipin ng makamundong gawain upang matugunan ang kanyang pangangailangan. Upang mas mayos nyang makamit ang kanyang kinabukasan. Ngunit ang bagay na ito pala'y lalong maglulugmok sa kanya at magbibigay daan upang mapunta s...