CHAPTER 13: PAGTATAGPO

48 3 0
                                    

[XANDER'S]
"Oh saan tayo ngayon pupunta? Oh 'di ba wala? Kung ginawa mo na lang kasi 'yung iniutos ko sa'yo, wala na sanang ganito.", litanya ko sa nagbubuhat sa akin.
Nakalabas na kami ng gubat at nagawang makatakas sa mga humahabol. Ilang oras din naming sinuong ang masukal na gubat upang takasan ang sa amin ay naghahanap. Madilim na rin. Siguro'y pasado alas dyes na ng gabi.
"Bahala na!", sagot nito sa akin saka nagpakawala ng hangin.
"Bahala na? Ayan!", sumbat ko.
Nasa kabayanan na kami ngunit hindi ito ang aming lugar. Marahil ay kalapit-bayan ito. Kakaunti na rin ang mga nagdadaang tao at sasakyan marahil ay dahil sa lalim na ng gabi.
Sumagi sa aking isipan si Maico. Hindi ko alam kung anong klaseng tao siya sa ginawa niya. Napakadaling masilaw sa salapi. Nagpapadala sa mga desisyon pero binabawi rin kung kailan parang huli na ang sitwasyon. Pero mas nangingibabaw pa rin ang inis ko kay Jemuel.
"Ibaba mo na ako ng hindi tayo mapagtinginan ng mga tao.", utos ko kay Jemuel. Tila hindi naman narinig ng kausap ang aking sinabi.
"Ano ba? Kaya ko ng maglakad! Ibaba mo na ako!", muli kong hiling saka bahagyang nagpumiglas.
"Umayos ka Ma—.. Xander huh! Ihahagis kita!", tugon ng kausap.
"Ibaba mo na kasi ako!", sagot ko.
Siya naman ay tumingin sa akin na tila napipikon na.
"Bahala ka!", sambit nito saka inilapag ako sa kalsada. Nagulat naman ako sa biglang paglapag niya. "Maglakad ka. Bilisan mo!", bulyaw nito.
Pinilit ko namang tumayo. Medyo masakit pero nagawa ko saka humakbang ng paunti-unti. Ang kasama naman ay hindi manlang ako nilingon at dumiretso lang ng paglalakad.
"Hoy.. hintayin mo ako!", sigaw ko at lumakad ng papilay-pilay.
Hindi naman manlang lumingon ang pinipigilan. Ako'y tumakbo ng paunti-unti upang siya ay abutan. Umupo siya sa isang waiting shed at ako'y sumunod.
"Walang'ya ka naman. Wala ka man lang pake sakin. Alam mong ganito ang sitwasyon ko.", reklamo ko sa nang-iwan.
"Eh ginusto mo 'yan eh. Panindigan mo!", tanging tugon nito at iniiwas ang tingin sa akin.
Katahimikan. Habang pareho kaming pinapapak ng lamok ay pareho rin kaming hindi nagpapansinan.
"Ano nang mangyayari sa atin ngayon?", tanong ko.
"Bahala na. Dito na muna tayo magpalipas ng gabi.", wika niya.
--
Nagising ako dahil sa tama ng araw sa aking balat. Umaga na. Nagpalingon-lingon ako sa kalsada. May ilang tao ng naglalakad. Kinuha ko ang aking bag at kumuha ng biscuit doon dahil sa labis na gutom. Hindi ko naman kinibo ang natutulog na kasama.
Lumipas ang ilang minuto. Hindi pa rin nagigising si Jemuel natutulog ng may takip na damit ang mukha.  May mga ilang taong tumatambay sa waiting shed pero hindi ko nililingon ang mga ito. Hindi naman sila nag-uusisa sa amin, marahil ay ang tingin nila'y naghihintay lang kami ng masasakyan.
"Xander??", napalingon ako sa tinig ng isang babaeng itinuran ang aking pangalan.
"Xanderr!", muli nitong tawag. Ako naman ay napakunot-noo. Kinikilala ang sa akin ay nakakakilala na parang pamilyar din.
"Mawalang-galang na po, pero sino ho kayo?", usisa ko. Bahagyang lumamlam naman ang mata ng babaeng pamilyar.
"Xander, ako 'to. Si Camila...", nang marinig ang pangalan ay pinilit kumalma. Hindi ko akalaing nandito siya sa aking harapan. Tinitigan ko siya sa mukha. Kinilala kung siya ba talaga.
"Anak!", wika niya at niyakap ako.
Hindi ko napigilan ang emosyon kaya pumatak na rin ang luha. Nanatili akong walang kibo, ni hindi rumisponde sa kanyang pagyapos dahil hindi alam ang dapat gawin. Okupado ng kung anu-anong katanungan ang aking isip. May sakit, may galit pero may pagkasabik din akong naramdaman.
"Anak.. a-anak. Ang laki mo na. Ang tagal kitang hi-hinanap.", wika nitong hindi pa rin kumakalas sa pagyakap.
Nanatiling tikom ang aking bibig kahit na gusto kong magsambulat ng mga katanungan. Patuloy rin ang pag-agos ng aking luha.
"Anakk, ang t-tagal kitang hinanap.", muli niyang wika saka kumalas sa pagkakayakap at tiningnan ako sa mata.
"Ma?", tangi kong tugon.
Ang taong hindi ko manlang naiisip dahil sa tagal ng pagkakawala ay kaharap ko na.
"Ma...", muli kong bigkas saka niyakap ang nawalay na ina mula pa noong ako'y walong taon.
Parehong hagulhol namin ang maririnig sa maliit na lugar na iyon ng waiting shed.
"Ang laki mo na anak....", wika niya at muli akong tiningnan sa mata. "Binalikan ko kayo sa Batangas ng lola mo pero wala na kayo doon.", paglalahad niya.
"Pa-patawarin mo ako kung nagawa ko ka-kayong iwanan. Anakk. Pero hinanap kita...", sambit niyang may sinseridad. "Kung saan-saan ako nakarating mahanap ka lang... Gra-grabeng pangungulila ang dinanas ko...", dagdag nito.
Ako na hindi na nakalaban sa emosyon ay panay lang ang iyak. Pinababayaan ang inang naglalahad.
"K-kaya nong may nakita akong isang binatilyo, inalagaan ko siya at itinuring na anak...", wika niya. "Pero hindi... i-iba p-pla talaga k-kpag totoong anak mo ang kasama mo. Mas masaya.", dagdag niya.
"Iniwan ko rin siya para hanapin ka... pero hindi rin kita natagpuan agad."
Hindi pa rin nauubos ang aming pagluha. Napatingin naman ako kay Jemuel na nanatiling tulog. Sa pagtingin ko'y tumingin rin siya doon.
"Sino yan, anak?", usisa nito. "Saka bakit parang naglayas kayo?"
"Ma...", simula kong pinipilit ngumiti. "Nobyo ko po.", walang kahiya-hiya kong pag-amin. Nagulat naman siya pero niyakap rin ako, marahil ay para iparamdam na tanggap niya ito.
Nagising ang aming pinag-uusapan at inalis ang nakatakip sa mukha.
"Nayy?"
Sa narinig na salita'y sinakop ng pagkalito ang aking isip.
"Gapo?", sagot ni Mama na tila nakakita ng multo ng makita si Jemuel.
Pinahid pa ni Jemuel ang kanyang mga mata saka muling inaninag ang aking kausap.
"Nay...", sambit ni Jemuel at nagmadaling bumangon. Niyakap ang aking ina. Ako'y hindi pa rin makuha ang daloy ng sitwasyon at nanatili sa pagkalito.
"Siya ba ang no-nobyo mo?", tanong sa akin ng aking ina. Niyakap niya ito at ako'y muling natigilan.
"Anak mo siya? Magkapatid kami?", tanong kong ayaw paniwalaan ang nangyayari.
Tumingin ang magkayapos sa akin. Nabakas sa mukha ni Jemuel ang pagtataka sa aking itinuran. Ngumiti si Mama bago umusal.
"Hindi.. siya yung inalagaan ko nung mangulila ako sa'yo...",paliwanag niya sa akin. Humarap siya kay Jemuel at muli itong niyakap. "Gapo, siya ang tunay kong anak na ikinukwento sa'yo noon."
--
[JEMUEL'S]
"Wag kayong mag-alala. Wala akong kasama dito. Ako lang.", wika ni Inay ng marating namin ang kanyang bahay.
"Xander, anak, upo ka muna diyan ng makapagpahinga yang binti mo. Gapo, anak parito ka muna at tayo'y magluto ng makakain. Miss ko na masasarap mong luto."
Nang marinig iyo'y agad akong tumalima. Si Xander naman ay tahimik lang, hindi ko alam kung dahil nabigla sa nangyari o dahil may nararamdaman pa ring galit sa akin. Ako'y hindi pa rin makapaniwalang ang pagmamahalan namin ang magsasambulat ng totoong koneksyon namin sa isa't isa. Marami na siyang nakwento sa amin gaya ng mga napuntahan niya.

The Art Of Loving You (COMPLETE ✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon