CHAPTER 14: PAGLILINAW SA MALABO

47 5 0
                                    

[XANDER'S]
"Eh saan ba yun pumunta? Ano bang nangyayari anak?", usisa ni Mama sa akin. Dalawang gabi ng hindi umuuwi si Jemuel at wala akong alam kung saan ito nagpunta. Hindi ko alam na kikilos siya ng ganun ng dahil sa aking katangahan. Gulong-gulo na ang utak ko at kapag may masamang nangyari sa kanya'y hindi ko mapapatawad ang aking sarili.
"Ma, hindi ko rin alam. Pero kailangan ko siyang hanapin.", tugon ko sa nag-aalala.
Kasalanan ko 'to. Kung sa umpisa pa lang ay hindi na ako nagpasakop sa galit ko at sa pagnanasang maghiganti ay hindi na sana siya nadamay pa o kahit sino. Alalang-alala na ako, kung kinausap ko na lang sana siya ng maayos ay hindi sana siya aalis para kumilos ng ganon. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko sa sarili ko kapag may masamang nangyari sa aking minamahal.
Sinubukan kong contact-kin ang cellphone niya kahit hindi ko alam kung nasa kanya ito. Panay lang ang ring pero walang sumasagot.
"Ano ba Jemuel?? Nasaan ka na?", sambit kong mahina. Naluluha na ako dahil sa nangyayari.
"Ipahanap na kaya natin siya sa mga pulis.", suhestyon ni Mama.
"Huwag na Ma, ako na lang. Parang alam ko kung nasaan siya.", pigil ko dito. " Ma, aalis muna ako. Dito lang kayo. Hahanapin ko si Jemuel.", wika ko dito saka niyakap.
"Bakit ba kasi yun umalis?", tanong nito.
"Nagkatampuhan lang po kami. Bayaan mo ma, pababalikin ko siya. Kaya dito lang po kayo. Huwag na po kayong mag-alala masyado.", wika ko rito upang makomportable ang nararamdaman.
--
Magkahalong emosyon ang aking nararamdaman habang nakasakay sa jeep. Pupunta ako sa bahay nina Jemuel, magbabakasakaling nandoon ang hinahanap. Pinipilit kong huwag maiyak dahil baka mapansin ng mga tao sa dyip at gumawa pa ako ng ikakausisa nila kung sino ako. Suot kong muli ang jacket at salamin ko dahil alam kong marami ng humahanap sa akin dahil sa ipinatong na pabuya nina Lyndon at Marco. Nasa bulsa rin ng jacket ang aking balisong. Naisip kong contact-kin si Lyndon pero sumasagi rin sa isip kong huwag munang magtiwala. Pabayaan ang pagkakataong ipakilala sa akin kung sino ang tunay na kakampi at ang huwad.

"Kawawa naman 'yong batang iyon."
"Ay oo mandin. Pinatay na lang ng ganon. Hindi nga alam kung sinong pumatay.",

Naririnig ko ang usapan ng ilang ale na kalapit ko. Sa naririnig ay labis na kaba at takot ang aking naramdaman.

"Hindi man lang nakapag-asawa. Gwapo pa naman, mabait pang bata.", wika ng nauna.
"Eh sino ba iyon?", usisa ng isa pa.
"Yung anak ni Mareng Osang.", sambit ng tinanong.
" Osang?"
"Osang dela Rosa. Yung anak nong panganay. Yung Maico, ayun ang nakitang patay."
Sa narinig ay nagimbal ako at parang ayaw tanggapin ang mga salita. Ayaw maniwalang totoo ang pinag-uusapan. Pati si Maico ay nadamay pa sa aking problema. Kahit na may nagawa siyang mali'y konsensya pa rin ang aking naramdaman dahil bukod sa naging mabuti siyang tao'y, hindi niya rin dapat kinahantungan ang ganoong bagay.
Pumatak na ang luha sa aking pisngi at iyon agad kong pinahid. Naisip kong muli si Jemuel. Paano kung iniligpit na rin siya ng mga kaaway. Hindi. Hindi dapat ako mag-isip ng ganito. Hindi dapat ako mawalan ng pag-asang makikita ko pa rin siya. Malakas si Jemuel at alam kong magagawa niyang lumaban. Iyon dapad ang itatak ko sa aking utak.
"P-paraa!", nangangatal kong sigaw.
Nang makababa'y agad akong kumaripas patungo sa bahay ni Jemuel. Agad akong umakyat sa itaas pero wala ang aking hinahanap.
"Nasaan ka ba Jemuel?", sambit ko sa sarili. Napaupo ako sa may hagdan at umiyak ng tuluyan. Iginala ko ang aking mata sa paligid, baka nandoon ang hinahanap, ngunit wala talaga.
"Je-jemuel!", sigaw kong hindi kalakasan.
Bumaba ako sa hagdan ng may mapansing papel at binasa iyon.
Sa nabasa'y kumabog ang aking dibdib. Baka nanggaling na talaga siya rito at kinagat ang patibong na ito ng demonyo.
Nagmadali akong pumunta sa labasan upang muling maghintay ng sasakyan. Kailangan kong pumunta doon ano pa man ang mangyari. Hindi na matigil ang aking pagluha sa labis na takot at pag-aalala.
Nang may pumara ng jeep ay agad nang sumakay.
Pinipigilan ko muling huwag ng umiyak pero mahirap. May ilang nakatingin sa akin pero tumitingin lang ako sa bintana ng jeep.
Lumipas ang mga minuto at nasa kabayanan na ako.
Nag-ring ang aking cellphone.
"Hello! Sino 'to?", tanong ko rito.
"Xander!", sa boses na narinig ay muli akong tinaasan ng kaba. Si Marco.
"Hayop ka! Nasaan si Jemuel?", bulyaw ko sa kausap sa cellphone. May ilang nagdadaan ang napatingin.
"Demonyo ka Marco. Huwag kang magkakamaling gawan ng masama ang nobyo ko. Mapapatay kita!", wika kong may diin.
"Pumunta ka dito sa bahay! Bilisan mo!", tanging sagot nito at pinatay ng cellphone.
Sunubukan ko ulit tawagan siya pero ayaw niyang sagutin. Tinawagan ko muli ang number ni Jemuel. Sinagot niya ito.
"Pumunta ka na lang dito. Huwag mong ipaalam kahit kanino. Huwag kang magsama.", sambit ng nasa linya. Si Marco pa rin.
Lalo akong nanggigil. Natakot at kinabahan dahil sa nakumpirma.
"Jemuel!", tanging nasambit kong umiiyak.
--
Magdidilim na ng makarating ako sa harapan ng bahay ng kampon ni Satanas na si Marco. Patay ang ilaw, mukhang walang tao.
Kinuha ko ang cellphone ko at sinubukang tawagan si Marco upang kumpirmahin kung may tao sa loob. May takot akong naramdaman pero mas nanaig ang pagnanasa kong mailigtas ang kasintahan
"Hello! Nandito na ako.", bungad ko ng masagot ang aking pagtawag. Nagbukas ang ilaw.
"Pumasok ka!", tangi nitong tugon at muling pinatay ang cellphone.
Nagmadali akong pumasok ngunit nakiramdam rin sa paligid, baka may mga taong nakamasid, nakaabang upang ako'y sunggaban.
Nang makapasok na sa loob ay kaba at galit lang ang laman ng aking sistema. Tila hindi rin gumagana ang aking isipan at ng mga sandaling iyon ay wala itong laman. Inilabas ko ang balisong kahit ramdam na maaari itong walang laban. Sa pagbukas ko ng pinto'y tumambad sa akin si Marco. Nakangiti.
"Nasaan si Jemuel?", mabalasik kong tanong saka itinutok ang patalim.
"Ibaba mo 'yan! Mag-usap tayo!", wika nito ngunit ako'y hindi nagpauto.
"Nasaan si Jemuel?", muli kong tanong ng may diin.
Unti-unti akong lumapit sa kanya, siya'y umaatras naman at waring walang dalang sandata.
"Ano ba Marco? Huwag mo ng idamay yung tao. Ilabas mo na si Jemuel at gawin mo ang gusto mong gawin sakin.", litanya ko rito.

The Art Of Loving You (COMPLETE ✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon