[XANDER'S]
Umagang-umaga pa lang ay hinintay ko na si Jemuel upang alamin ang kinahinatnan ng kanyang ginawa. Alam ko namang maya-maya pa siya darating dahil wala pang babyaheng jeep. Nagluto muna ako ng maaalmusal namin —— nagprito lang ako ng meat loaf at nagsangag ng kanin. Hindi pa ako kumakain at hinihintay siya para sabay na kaming dalawa. Alam kong mahirap ang ipinagawa ko sa kanya at posibleng hindi niya iyon mapagtagumpayan pero umaasa ako sa sinabi niyang gagawin niya iyon alang-alang sa akin. Pagkatapos naman nito'y maaari na kaming magsimulang muli.
Binuksan ko muna ang cellphone ko at nagpatugtog upang magtanggal-inip sa hinihintay. Habang nakikinig ng musika'y muling sumagi sa akin si Marco. May konsensya akong naramdaman lalo pa't ginamit ko pa ang nobyo ko upang siya'y mapaghigantihan. Pero mas nangibabaw ang galit sapagkat hindi rin biro ang aking sinapit ng dahil sa kanya kaya naisip na wala akong dapat pagsisihan. Sa punto naman ni Jemuel, tutulungan ko na lang siyang kalimutan ito at papalitan ng masasayang alaala ng pag-ibig.
Natanaw ko na sa malayo si Jemuel. Bakas sa mukha ang lungkot, marahil ay dahil sa konsensya o sa pagpipilit kong gawin niya ang bagay na iyon. Hinintay ko siyang makalapit sa akin. Nakalapit siyang hindi nagsasalita kaya ako na ang bumungad.
"Ano Babe? Kumusta?", wika ko sa kasintahan pero wala itong itinugon. Nakaramdam ako ng konsensya pero ninais ko talagang malaman kung ano ang nangyari.
"Ano Babe? Ayos na?", usisa kong muli. Tumingin lang siya sa akin. Lumipas ang ilang segundo at unti-unting lumamlam ang kanyang mata hanggang sa may pumatak ng luha mula doon.
"Patawarin mo ako. Hindi ko nagawa mahal."
Sa narinig ay parang ayaw kong maniwala. Nakaramdam ako ng inis at hindi na awa.
"Ano? Anong hindi mo nagawa? Paano?", tanong kong pinipilit huwag magtaas ng boses.
"Hindi ko kaya. Sinubukan ko, mahal pero hindi talaga.", sagot niya saka pinahid ang luha.
Ako na nais lang maghiganti'y nakaramdam ng panghihinayang at inis sa taong sinayang ang pagkakataon.
"Ano bang nangyari? Bwisit naman Jemuel! Nagsayang ka lang.", wika ko.
Iniiwas niya ang tingin sa akin. Hindi agad nakasagot.
"Hindi ko siya nakita...", mahinang tugon nito. Ako naman ay hindi naniwala.
"Ano? 'Di ba ang sabi mo'y sinubukan mo. Ibig sabihin, hawak mo na siya. Kaya huwag kang magsinungaling.", sambit ko sa nagsisinungaling kong nobyo saka tumayo.
"Mahal..."
"Huwag mo akong tawaging 'mahal'", pagkasabi ko noon ay tumayo na rin siya.
"Xander, hindi madali 'yung pinaggagawa mo. Oo nadakip ko siya. Sinubukan ko siyang takutin at saktan pero hindi ko kayang pumatay.", paliwanag niyang hindi ko naman gustong mapakinggan.
"Oh eh di sana sinabi mo, nang ako na lang yung gumawa. Galing mo lang magsalita kahapon, yun pala wala rin.", pabulyaw kong sagot sa kausap. Hindi na kinayang magtimpi.
Hindi na nagsalita ang kaaway at pumunta na lang sa pingganan at kumuha ng dalawang pinggan.
"Sinayang mo yung pagkakataon. Sa tingin mo, hindi ka noon gagantihan?", muli kong sambit. Hininaan ko ang boses upang huwag agad sakupin ng galit ang aking utak.
Sumandok lang siya ng sinangag.
"Kumain ka na lang.", tangi niyang sambit na aking kinainis.
"Hindi ko kailangan niyan.", wika ko saka itinulak ng mahina ang pinggan. May natapong kaunting kanin. Tumingin ang kausap sa akin ng dahil sa ginawa ko.
"Hindi mo kailangan?", galit niyang sambit. "Oh edi itapon natin.", dagdag niya at itinaktak ang kaning nasa pinggan ko pati ang kanya. Pinigil ang pag-iyak saka dinampot ang kawaling may lamang sinangag at inihagis iyon.
"Hindi mo pala kailangan, eh di itapon na lang.", galit niyang wika. Sinipa niya ang lamesa at natumba iyon saka tumama sa pingganan. Nahulog iyon at nabasag ang ilan. Nagulat ako sa ikinilos niya.
"Ano ba? Jemuel. Tumigil ka na. Huwag mong ipasa sa akin ang galit na dapat ay ako ang nakakaradam sa'yo.", sigaw ko sa nagwawala. Tumingin siya sa akin kahit medyo malayo kami sa isa't isa.
"Ano bang kailangan mo? Ano? Gusto mong pumatay ako ng sumaya ka?", sigaw niya sa akin. "Halos ibigay ko na sa'yo lahat ng talagang kailangan mo. Halos sambahin na kita Xander pero hindi ka pa rin nakukuntento. Xander ako 'to. Si Jemuel ako. Nobyo mo ako. Di ba? Tao lang ako Xander. Tao pa ba ako para sa'yo? Alam kong mahal kita pero huwag mong gawing dahilan iyon para itulak ako sa ganitong sitwasyon. Hindi mo ba alam kung saang klaseng kalagayan mo ako nais ilagay?", mahabang litanya nito at muling pinahid ang luha.
"Ang sa akin Jemuel, sinayang mo yung pagkakataong dapat ay pinto na para magbagong-buhay tayo. Ang tanga-tanga mo.", bulyaw ko.
"Tanga? Naging tanga lang ako dahil minahal kita. Pero hindi ko iyon ginustong pagsisihan. Huwag mo namang gawan ng dahilan para magsisi ako.", wika niya. Hindi ko na rin napigilan ang emosyon ko kaya pumatak na rin ang aking luha.
"Oo, mahirap ako. Oo hindi ako nakatapos ng pag-aaral. Pero Xander, hindi ako kriminal. Hindi ako pumapatay ng tao.", wika nito.
"Eh di sana nga hindi mo na lang kinagat.", - ako.
"Tapos ano? Magagalit ka? Mag-aaway tayo?", dipensa niyang ikiningisi ko ng bahagya.
"Ano sa tingin mo 'to? Naglalaro tayo? Hindi nga ba't magkaaway tayo ngayon?", bulyaw ko.
"Magkaaway tayo dahil ganyan ka! Xander, pinagagawa mo sa akin ang bagay na kahit sinong matino hindi gagawin. Pinalaki ako ng kinilala kong nanay ng hindi sa paraang alam mo.", sagot nito.
"Sana naisip mo rin kung anong mangyayari. Kung hanapin ka nong demonyong iyon. Ano? Ipapapatay ka rin niya gaya ng ginawa niya sa akin. Ako nga na walang ginawang mali sa kanya, pinapatay niya.. ikaw pa kaya.", galit kong wika kay Jemuel.
Tumahimik lang siya. Nakatingin sa mga kalat na bunga ng pagwawala niya. Parang nabatid ang nais kong ipaabot.
"Ang sabi niya sa akin. Hindi siya ang gumawa sa'yo noon...", sambit niya na aking kinainis.
"At naniniwala ka naman. Jemuell! Hindi ka na bata. Kahit ikaw ang malagay sa sitwasyon nong demonyong iyon. Kapag may nais pumatay sa'yo iisip ka ng paraan para huwag iyong matuloy.", paliwanag ko. " Sinabi niya iyon para hindi mo siya patayin. Ang swerte niya kasi napaniwala ka at ang tanga mo dahil nagpauto ka.", bulyaw ko.
"Kung pinatay mo na yung demonyong iyon. Wala na sanang problema. Di ba? Kaso naawa ka pa kaya nahulog ka sa bitag niya kahit na dapat ikaw na yung nakahuli sa kanya.", sambit ko at muling pinahid ang luha.
"Bahala ka sa buhay mo! Dapat hindi na lang ako naniwala sa'yo."
Umakyat na lang ako sa itaas. Nalimutan na ang gutom.
--
[JEMUEL'S]
Mahirap talagang paliwanagan si Xander. Kahit anong sabihin ko'y hindi siya maniniwala. Dahil sa galit niya'y hindi na yata niya alam tingnan ang mali sa tama. Hindi ko rin inakalang magagawa kong magwala kanina. Kinapa ko ang baril na nasa aking likuran. Kinuha ko mula kay Marco at dinala dahil baka kailanganin. Nasa bulsa ko naman ang balisong.
Pumunta na lang ako sa bundok kung saan ako nagsasalang ng kopra. Magpapahangin. Magpapalipas ng oras at sama ng loob. Naging mainit ang aming sagutan kanina pero alam kung ako ang mas nasa katwiran. Ang tanging mali ko lang talaga'y pinaasa ko siya sa ginawa kong pagsang-ayon na hindi ko naman pala mapagtatagumpayan.
Tumingin-tingin ako sa paligid. Naghanap ng magandang makikita upang gumaan ang pakiramdam. Alam kong magbabalak na namang umalis si Xander pero may bahagi sa utak ko ang nagsasabing hindi niya iyon magagawa kaya hindi ako mangangahas na bumalik upang pigilan siya.
Sinabi sa akin ni Marco na hindi siya ang gumawa ng karumal-dumal na pagbugbog kay Xander pero hindi ko rin alam kung dapat ba akong maniwala. Marahil ay tama nga si Xander na sinabi niya lang iyon para palayain ko siya. Palalayain ko naman talaga siya dahil hindi ko talaga kayang pumatay. Wala sa kakaunting pinag-aralan ko ang bagay na iyon. Sinaktan ko naman siya ng hagupitin ko siya ng ilang beses ng sinturon habang nakagapos bago tuluyang iniwanan doon. Naisip kpng sapat na iyon.
Inasahan ko talagang magagalit si Xander pero hindi ko talaga kaya ang nais niyang mangyari. Mahal ko siya pero hindi na pagmamahal kung kukunsintihin ko pa siya sa kamalian.
Naglakad-lakad na lang ako at naghanap ng pwedeng ilaman sa tiyan kong wala pang almusal.
"Jemuelll! Jemuell!", napalingon ako ng marinig ang sumisigaw ng aking pangalan. Si Maico. Nang makarating sa akin ay nabakas ang kaba sa kanyang mukha. Ako naman ay nagtaka.
"Teka? Bakit ganyang ang itsura mo? Kung gusto mo ulit na mag-ano tayo. Huwag ngayon.", bungad ko sa nakalapit.
Siya'y tumungo lang. Tumingin sa malayo at maya-maya'y lumamlam ang mata.
"Ano ba? Maico may problema ka ba?", usisa ko sa kaibigan.
"Jemuel, patawarin mo ako....", simula niya. Ako naman ay nagtaka. Napaisip ng kung anong ikinahihingi niya ng tawad.
"Saan?", tanong ko. "Diretsuhin mo na. Maiintindihan naman kita dahil magkaibigan tayo."
Pumatak ang luha sa kanyang pisngi at ito'y nanatiling katanungan sa akin.
"Jemuel. Patawad. Naakit ako...."
"Sabihin mo na Maico. Saan? Huwag ka ng pabitin.", tanong ko sa nagtatapat.
"Kinontak ko yung number ng naghahanap kay Xander at sinabing nandito siya.", paglalahad niya.
Nang marinig ito'y pumaitaas ang galit sa aking ulo.
"Ano?? Tangina mo!", sambit kong may diin saka sinikmuraan ang kaibigang taksil. Natumba naman ito.
"Naakit ako sa p-pera. Patawarin mo a-ko.", sambit nito ngunit nanatiling sarado ang aking tenga.
"Di ko inakalang ganyang tao ka. Huwag ka ng humingi ng tawad dahil huli na!", may gigil kong bulyaw sa nakahandusay saka sinipa ito at tumakbo na pabalik ng bahay.
Tinulinan ko ng labis ang pagkaripas. Hindi na inalintana ang bahagyang pagkakatisod. Natanaw ko na ang bahay na ganoon pa rin ang itsura. Makalat. Nang makarating ako'y agad umakyat at nakita si Xander, nakagayak na. Tama ang naisip kong pagtatangkaan niyang umalis.
"Bilisan mo. Tara na.", wika ko rito at hinigit ang kamay. Hindi naman nagpadala ang kasama.
"Ano ba Xander? Huwag ka ng mag-inarte. Nasa peligro ang buhay natin. Itinungga ni Maico kung nasaan ka kapalit ng pabuya."
Nang marinig iyo'y napatingin siya sa akin.
"Oo. Yung mukhang perang iyon ay di dapat pala natin pinagkatiwalaan kaya itabi mo muna iyang galit mo. Kailangan nating makaalis dito bago may magpunta.", wika ko. Tumayo naman siyang walang imik.
Kumuha ako ng ilang damit ko at isiniksik iyon sa bag niya. Inilagay ko ang balisong doong nasa bulsa ko at ibinulsa ang baril na nasa likuran ko.
"Tara na!", hinigit ko na siya palabas. Hindi ko rin alam kung saan kami pupunta pero kailangan talaga naming makatakas dahil kung hindi sa kamatayan ang aming tungo.
Natanawan namin ang ilang kalalakihang bumungad. Agad kong hinila ang kasintahan papunta sa mataas na bahagi ng bundok.
"Bilisan mo na Xander! Baka makita tayo!", utos ko sa nahuhuling kasama. "Akin na nga iyan!", agaw ko sa dalang bag. Hinawakan ko siya sa kamay pero inalis niya ang kanya.
"Ano ba Xander? Ngayon ka pa ba mag-iinarte?", bulyaw ko rito habang tinatahak namin ng mabilis ang masukal at mapunong lugar.
"Kaya kong maglakad.", bato nito sa akin.
"Bahala ka!", tangi kong naisagot sa nagdadramang kasama.
"Eh kung pinatay mo na kasi. Eh di wala na sanang hahabol sa atin.", wika niya habang naglalakad ng mabilis.
"Doon pa rin tayo papunta. Mamaya mo na ako awayin tungkol diyan kapag nakalayo na tayo, pwede? Bilisan mo na!", sagot ko.
Nakarinig kami ng kaluskos at grupo ng mga ng-uusap kaya muli akong naalarma.
"Takbo na! Bilisan mo. Bilisan na natin." may pag-aalala kong wika saka hinawakan ang kasama na noo'y hindi na pumalag. Tumakbo kami. Kahit ako ang may dala-dalang mabigat ay ako pa rin ang kumakaladkad sa kasama.
"May daan dito papuntang bayan!", wika ko.
Sa pagtakbo namin ay natisod siya ng isang putol na kahoy na may bahagyang tilos.
"Aaaarrraaayy!", sigaw niya at napaupo. Dumugo ang kanyang hita."Andon! Nandoon yata sila." Nang marinig ay agad itinayo ang kasama.
"Tara na! Andiyan na sila!", wika ko.
"Teka nga! Masakit. Hindi ako makalakad ng tuwid.", reklamo ni Xander.
"Bwisit!", sambit ko dahil sa labis na takot at kaba.
Narinig namin ang paglapit ng mga kaluskos ng dahon at unti-unting paglakas ng mga boses ng humahanap. Dahil dito'y agad na binuhat ang kasama at tumakbo.
Ginalugad ko ang bundok sa direksyong hindi ko na alam kung saan. Nikukob na ako ng kaba at pagod kaya parang hindi na alam ang ikikilos.
Nakakita ako ng malaking punong malapit sa bangin at doon muna nagtago.
"Dito muna tayo!", wika ko sa kasama. Kinuha ko ang baril sa bulsa, naghanda sa posibleng maganap. Narinig namin ang mga humahanap na nasa kabilang parte ng puno.
"Nasaan na?"
"Eh ano bang laban natin doon. Eh taga rito iyon."
"Doon. Pumunta tayo doon!"
Narinig namin ang kanilang paglayo. Nakaramdam ako ng kaunting kaluwagan. Si Xander ay tahimik lang at bahagyang umiimpit dahil sa sugat. Kumuha ako ng damit at tinalian iyon.
"Aray! Ano ba? Masakit?", reklamo nito.
"Huwag ka ng maingay! Ano ba?", pabulong kong paalala.
Nakarinig kaming muli ng kaluskos. Papalapit ng papalapit ngunit ramdam na wala itong kasama. Nabakas sa mukha naming dalawa ang takot at kaba. Inihanda ko ang baril sa maaaring mangyari."Nandito pala kayo!"
Ang demonyong si Maico. "Ililigaw ko sila. Patawarin niyo ko.", mangiyak-ngiyak niyang wika. Ako naman ay nadala ng magtiwala sa kanya.
"Ikaw ang may kagagawan nito. Kaya kung may masamang mangyari sa amin. Isinusumpa kong mumultuhin ka namin hanggang sa mamatay ka sa konsensya.", wika ko sa nagsumbong na kaibigan.
Hindi naman siya nagsalita at umalis na.
"Tara na? Baka ikanta pa tayo ng gago.", pagyaya ko kay Xander at muli itong binuhat.
BINABASA MO ANG
The Art Of Loving You (COMPLETE ✔️)
General FictionPinili ni Xander na maging alipin ng makamundong gawain upang matugunan ang kanyang pangangailangan. Upang mas mayos nyang makamit ang kanyang kinabukasan. Ngunit ang bagay na ito pala'y lalong maglulugmok sa kanya at magbibigay daan upang mapunta s...