[XANDER'S]
Lumipas ang dalawang taon ngunit sariwa pa rin sa akin ang nakaraan. Bagaman kailangang umusad ay hindi ito magawang talikuran na lang sapagkat nagbigay rin ng iba't ibang aral.
Naituloy ko na ang naudlot kong pag-aaral at nakapagtapos na rin. Nagtatrabaho na bilang teller ng isang bangko."Mahal, bilisan mo na diyan! Pupunta pa tayo kayna Maico!", sigaw ng kasintahang nasa labas ng CR.
"Oo nandiyan na!", sagot ko rito.
Dahil off ko ngayon ay binalak namin ni Jemuel na puntahan ang puntod nina Maico, Marco at Lyndon. Na sa iisang sementeryo sila pero magkakahiwalay.
Si Jemuel ay tinulungan kong magtayo ng isang maliit na karinderya, kasama si Mama para kahit papaano'y nalilibang siya. Tinanong ko siya kung gusto niyang mag-aral pero tinanggihan lang nito. Masyado na daw siyang matanda at kuntento na naman daw siya sa kung ano siya ngayon.
"Teka. Pamilyar sa akin 'yang suot mo ah.", puna ko sa kanya ng makalabas ng banyo.
"Oo. Ito 'yung binili mo noon sa akin. Matagal na pero ngayon ko lang nasuot.", sambit niya. Naalala ko naman iyon. Muling bumalik din sa aking alaala ang pakikipagtago namin noon kay Marco. Bagay na akala ko'y tama pero maling-mali pala.
"Tara na? Okay ka na ba?", tanong ni Jemuel sa akin.
"Oo. Mauna ka na sa labas. May kukunin lang ako.", sagot ko rito. Tumalima naman ang kasintahan.
--
"Lyndon, kumusta ka na diyan?", pagkausap ko sa lapida niya. Nakatingin lang naman sa akin si Jemuel.
"Alam kong hindi naging maganda ang mga bagay-bagay sa atin, pero, pinapatawad ka na namin. Patawarin mo na rin sana ako, lalo pa't sa kamay ko pa ikaw nalagutan ng hininga.", muli kong sambit.
Lumapit naman sa akin si Jemuel upang ako'y yakapin.
Ang parteng ginawa niya sa buhay ko'y hindi lang pagdurusa kundi ilang mga aral. Gaya ng huwag paggapi sa maling paraan ng pag-ibig sapagkat kapag sa maling sitwasyon na humahantong ang pagmamahal na sobra'y hindi na iyon pag-ibig na maituturing. Walang kahihinatnan ang galit na wala namang basehan, ang inggit na pwede naman sanang inspirasyon lang.
"Mahal, kung nasaan man si Lyndon, alam kong ayos na sa kanya ang lahat. Siguro'y naayos na rin doon ang galit sa puso niya.", wika ng kasintahang nakayakap pa rin sa akin. Napangiti naman ako sa itinuran niya dahil ramdam na wala ng galit sa kanyang puso at napatawad na rin niya si Lyndon. Ang positibong bagay na iyon ay nagbigay saya sa akin sapagkat nararamdaman ng totoo. Ang masaklap na nakaraan siguro'y natatabunan na ng kaginhawahan para sa kanya.
Tumingin ako kay Jemuel na nakatingin lang sa lapida ni Lyndon. Bakas sa mukha ang sayang dulot ng kapatawaran. Kapatawarang inilapag sa amin ng panahon. Sapagkat ganon talaga ang buhay, ang tamang pag-usad para sa mas maliwanag na bukas ay ang paglilinis ng ating puso at pagpapatawad. Kahit napunta sa malagim na sitwasyon ang aming nakaraan ay nagpasalamat pa rin ako sapagkat humantong ito ngayon sa kaginhawahan.
--
[JEMUEL'S]
"Babe, Sayang talaga si Maico. Nadamay pa siya. Kung buhay pa siya'y siguro'y masaya din siya ngayon.", bigkas sa akin ni Xander habang pareho kaming nakaupo sa nitso ni Maico.
"Siguro naman ay masaya na rin siya langit.", nakangiti kong sambit habang nakatingin pa rin sa lapida ni Maico.
Naging malapit na kaibigan ko ang taong ito. Halos ikinabit na ng tagal ng pagsasama at ng masasayang alaala namin ang pusod ng isa't isa. Hindi ganoon kadaling tanggapin noon ang ginawa niya at ang ginawa ko namang pagtaboy sa kanya. Alam kong humingi na siya ng tawad, at iyon ay natanggap ko na. Naging huli na nga lang ang lahat sapagkat bago iyon mangyari'y nalagutan na siya ng hininga. Bukod sa masasayang pagsasama'y itinuro ng taong ito sa akin na hindi kailangang lahat ng pagmamahal ay pinapangalanan. Sapagkat ang pagmamahal na totoo'y masusukat kung totoo kayo pareho. Wala man kaming naging relasyon ay pagmamahal pa rin iyong maituturing. Pagmamahal bilang kaibigan. Sa kanya ko rin natutunan na huwag magpadalos-dalos ng desisyon. Dahil ang desisyong hindi pinag-isipan ay talagang hahantong sa pagsisisi kung hindi mapaninindigan. Madali siyang nasilaw sa salapi, ngunit napagtantong hindi pera ang magpapasaya sa tao kundi ang mga totoong tao sa paligid mo.
"Ipinagpapasalamat ko na nakilala kita Maico. Ikaw ang isa sa mga bumuo sa kalahati ng aking pagkatao. Mahal na mahal ka namin, Kaibigan. Nawa'y masaya ka na kung nasaan ka man.", wika ko ritong hindi napigilan ang pag-iyak. Hindi siya ganon kadaling kalimutan sapagkat siya lang noon ang naging karamay ko sa lahat ng bagay.
--
"Hi, Marco. Nakatapos na pala ako ng pag-aaral ko.", sambit ni Xander ng marating namin ang puntod ng inakalang kaaway noon.
"Ikaw ang nagbigay sa akin ng paunang liwanag na noon naman ay inagaw din ng pagkakataon bunga ng maling paratang ko sa'yo.", wika nito saka pinahid ang ga-butil na luha. Niyakap ko naman ang naluluhang kasintahan upang makomportable.
"Itinuro mo sa aking huwag magpadaig sa galit. Sapagkat ang galit na malubha'y pwedeng mawalan ng basehan... ", sunod ni Xander. "Hindi dapat ako nagtanim ng galit sa'yo o sa kahit kanino. Sana'y tiningnan ko na lamang ang liwanag na ibinigay mo. Kung iyon sana ang ginawa ko'y kasama pa sana kita.", wika muli nito.
Tumingin siya sa akin at ngumiti.
"Napakabuting tao niya sapagkat kahit hanggang sa huling hininga niya'y pinrotektahan niya ako. Bagay na talagang ipagpapasalamat ko.", tumingin siyang muli sa lapida ng kaibigan.
"Salamat sa lahat.", wika niya rito.
--
"Babe, gising na!"
Nagising ako sa ginawa ng kasintahan. Ngumiti rito ng matamis. Bagong umaga na naman ang magdadaan. Bagong araw na naman para sa aming dalawa at sa aming pagmamahalan.
Naging magulo man ang takbo ng simula ng aming kwento'y naging magaan naman ito sa kasalukuyan. Wala akong pinagsisisihan sa nangyari sapagkat siya ang naging premyo ko. Bagaman halos malagutan na ako ng hininga'y siya naman ang naging rason upang madagdagan ito. Wala na akong mahihiling pang iba kundi ang pareho naming katatagan upang ang relasyon ay magtagal. Bagay na alam kong posible dahil batid na nakadaan na kami sa mas grabeng pagsubok at ang hinaharap ay susuungin naming may pag-ibig.
"Mahal na Mahal kita, Mahal.",wika ko sa kasintahang naging sagot ng aking dasal.
Ngumiti siya. Sa ngiti niya'y nakita ang magandang bukas. Ang bukas na alam kong pareho naming tatahakin. Ang bukas na magkasama naming haharapin ng may pagmamahal.
"Mahal na mahal kita Xander.", sambit kong muli at siya'y niyakap ng mahigpit.*WAKAS*
BINABASA MO ANG
The Art Of Loving You (COMPLETE ✔️)
Tiểu Thuyết ChungPinili ni Xander na maging alipin ng makamundong gawain upang matugunan ang kanyang pangangailangan. Upang mas mayos nyang makamit ang kanyang kinabukasan. Ngunit ang bagay na ito pala'y lalong maglulugmok sa kanya at magbibigay daan upang mapunta s...