CHAPTER 5: MALING GAWAIN

86 3 0
                                    

[JEMUEL'S]
Nakuha ko na ang halos lahat ng gamit na ipinapakuha ni Xander. Kumukuha na lang ako ng ilang damit at may nakita akong sumbrero na pwede kong isuot. Pakiramdam ko naman ay wala akong nakalimutan. Maayos naman siya sa bahay kaya hindi ako gaanong nahirapan maghanap. Lahat din ng sinabi niyang detalye kung saan nya inilagay ang mga gamit na ipinapakuha niya ay doon ko talaga natagpuan. Bukod doon ay maliit din naman ang bahay. Ako man ay kinakabahan sapagkat hindi sanay sa ganitong gawain, ay hindi ko hinayaang sakupin noon ang malaking bahagi ng aking sistema. Pumunta ako sa may kusina. Doon daw kasi ako dumaan paglalabas na ako. May nakita akong ilang de-lata, noodles at mga sabon sa may aparador doon at kinuha rin iyon. Maluwag pa naman ang bag. Sa 'di inaasaha'y natabig ko ang isang gamit at nabasag ko iyon. Pinatay ko bigla ang ilaw kong dala sa labis na kaba. Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan. Nakiramdam sa labas kung may mga sumisilip na tao. Tanaw ko naman ang bintanang kaharap ang gate kahit na ito'y natatakluban ng manipis na tela. Wala naman akong nakitang kung sino. Binuhay kong muli ang flashlight at tinangka nang lumabas ng may biglang:
"Puuutt---", hindi ko naituloy ang aking sasabihing bunga ng labis na pagkabigla dahil may tumalon na pusa mula sa tinutukoy ko kaninang bintana. Panibagong kaba. Ako naman ay iniliwan ito at sa pagtama ko ng ilaw ay may napansin akong isang larawan ng babaeng nakadikit malapit sa bintana. Medyo pamilyar ito ngunit hindi ko na binigyang pansin pa. Gusto ko ng makalabas ng bahay. May nakita naman akong kutsilyo at dinampot iyon kahit na wala akong balak pumatay ng tao. Ipapanakot ko lang ito sa kung sino man, pag nagkataon.Nakarating na ako ng pinto at tuluyang nakalabas. Papunta na sana ako sa kinaroroonan ni Xander ng may biglang humampas sa aking likuran. Ako naman ay 'di nabuwal pero inakyatan ako ng kaba at pinipilit na huwag akong sakupin nito. Napaharap ako sa kanya at nakita ang kanyang itsuta. Siya naman ay hinablot ang aking sumbrero kaya ako'y namukhaan niya rin.
"Sino ka?", tanong nito.
"Ahh apo ako ni Maria may---", sambit ko saka sinikmuraan siya at pagkatumba'y sinipa ko pa ng malakas sa likuran at saka tinadyakan sa hita na tumama sa pribadong bahagi niya dahil sa kanyang paggalaw. Nagsisigaw siya kaya ako'y naalarmado. Dinampot ko ang aking sumbrero at ng makitang tumatayo siya'y muli itong sinipa. Naisip kong saksakin ang gulong ng kanyang motorsiklo, upang hindi niya iyon magamit panghabol sa amin, kaya iyon ang ginawa ko bago tuluyang tumakbo. Tinulinan ko ito. Ako nama'y hapong-hapo pagkarating kay Xander na binungaran ako ng:
"Galing mo? Sana pinatay mo na!" May gigil sa tono nya iyong binigkas.
"Huh?! Bakit?", pagtataka ko. Tanaw pa rin namin ang lalaking namimilipit pa rin sa sakit at pinipilit tumayo. Panay pa rin ang sigaw ngunit walang rumiresponde. Mahimbing yata ang tulog ng mga kapitbahay.
"Si Marco yun. Ano palang nasabi mo sa kanya?", paglilinaw nito.
"Apo ako ni Maria.", tugon ko.
"Sinong Maria? Belen!", pagtatama nito. Ako naman ay medyo natawa ng iyon ay maalala.
"Hala! Tara na at baka tayo'y mahuli pa dito!", pagyaya niya.
--
[XANDER'S]
Kasalukuyan kaming namimili sa bayan ng ilan sa mga pwedeng gamitin at pang-stock na rin na pwedeng kainin. Naalala ko pa noong isang araw yung nangyari. Halos nanggigil ako sa pagsipa-sipa ni Jemuel kay Marco. Mabuti na lang at mahusay 'tong si Jemuel kaya nagawa namin ng maayos. Sa pagkakaalam ko naman ay walang CCTV cameras sa area namin kaya mahihirapan si Marco na i-trace kami kung nagkataon. Ako naman, para sa seguridad ko ay naka-hoodie kung sakali mang may mga taong kilala ako dito. Ini-withdraw ko na lahat ng laman ng ATM ko na nasa P25, 000, bukod pa yung ipon ko sa garapon  na halos limang libo. Ayaw ni Jemuel na bayaran ko 'yong mga nagastos niya sa akin kaya sa ganitong paraan ko nalang iyon gagawin. Pero hindi siya nagtuturo ng kung anong gusto nyang bilihin kaya inaalok ko siya na tinatanggihan naman niya pero binibili ko pa rin. Ibinili  ko sila ng tsinelas at kung anu-anong importante. Si Jemuel  ay ibinili ko rin ng keypad na cellphone para kung sakaling kailangan ko siyang contact-kin. Marunong naman daw siyang gumamit noon kahit paano. Si Maico naman ay tinatanggap lang lahat ng binibili ko at sumusunod sa amin. Hindi gaanong nagsasalita.
"Bagay sa'yo 'to Jemuel.", alok ko sa kanya sabay taas ng asul na T-Shirt.
"Huwag mo na akong ibili niyan. Marami naman akong damit. Saka 'di yan bagay sakin uy. Hindi yan bagay sa dagat at bundok.", pabiro niyong tanggi. Binili ko pa rin yon at sinamahan ng pantalon. Siya naman ay hindi na nakatanggi.
Natapos kaming mamili. Marami-rami na rin. 7,000 ang ini-budget ko para sa lakad naming ito pero wala pa halos limang libo ang nagagastos ko. Kung anu-ano binili namin na kakailanganin talaga naman. Mura lang naman halos ang mga ito. Ang medyo mahal lang ay ang battery na nakakargahan gamit ang solar panel. Para rin kahit papaano'y may kuryente kaming magagamit kahit hindi ganoong kalakas. Cellphone lang naman at ilaw ang paggagamitan noon kaya pwede na rin. Binalak naming umuwi at naglalakad na lang papuntang terminal.
"Kain muna tayo!", alok ko sa kanila ng mapadaan kami sa isang karinderya.
"Oo nga,  gutom na rin ako.", hirit ni Maico. Sabay punta sa direksyon ng kainan.
Hindi na naman si Jemuel nakatanggi dahil hinigit ko na ito kahit parang bigat na bigat na ito sa dinadala nyang pinamili namin. Pumasok na kami ng karinderya. Pumili ng kanya-kanyang uulamin at nilantakan na ito. May grupo ng mga kalalakihan akong natanawan sa labas na kinakausap ang ilang mga tao doon.  Noong una'y 'di ko naman iyon pinansin pero nang matanawan ko ang larawan kong hawak ng isa ay napabalikwas ako. Nagbayad na agad saka niyaya na agad pauwi sina Maico at Jemuel na ipinagtaka ng dalawa.
"Bakit? Gutom pa ako eh", si Maico.
"Basta. Bilisan na natin. May mga kalalakihan akong nakita na hinahanap ako. ", paliwanag ko. Pagkalabas na pagkalabas ay kumanan na agad kami. Nagmadaling maglakad sa normal na paraan. Baka mapansin kami. Ng kami'y makaliko na ay  saka lalong binilisan ang paglakad at matagumpay naming narating ang terminal.
--
Nagising ako sa ingay ng pagsisibak ng  kahoy. Tiningnan ko kung sino iyon.
"Aanhin mo 'yan?",  tanong ko sa kanya na ikinagulat niya.
"Oh gising ka na pala. Magandang umaga!", tugon niya. Ako naman ay bumaba saka naghilamos.
"Naubos na kasi yung uling kaya 'to muna ang panggatong natin.", dagdag nito.
Napansin kong suot na niya ang tsinelas na binili namin na ikinangiti ko naman.
"Bagay sa paa mo ah!", biro ko. Siya naman ay tumawa lang at hinakot na ang ilan nyang nasibak. Ako naman ay tumulong.
"May tira pa naman tayong kanin, kumain ka na kaya muna.", alok nito saka itinuro ang nakasabit na kaldero.
"Hindi. Sabay na tayo. Saka parang gusto ko lang magkape.", tanggi ko.
Itinayo nya yung tatlong bato na magsisilbing patungan ng kaldero saka inilagay ang ilan sa mga sinibak na kahoy. Ako naman ay pinapanood lang siya. Nakatingin lang ng bigla siyang lumingon sa akin. Ako naman ay napaiwas ng tingin sa 'di ko alam na dahilan. Itinigil nya ang ginagawa at hinubad ang suot na sando. Ako naman ay napalingon sa ikinilos nyang iyon. Hulmado talaga ang katawan niya dahil batak sa gawain. Pantay ang morenong kulay ng kanyang balat. Kahit laki sa hirap ay malinis si Jemuel sa katawan, bagay na ikinahahanga ko sa kanya. Ilang beses ko na rin namang nakita ang katawan niya dahil walang kahiya-hiya siya laging nagbibihis sa loob ng  bahay. Kapansin-pansin rin ang pagmamayabang ng kanyang harapan maging ang maumbok niyang pwet.  Ako naman ay tila nawala sa sarili at hindi napansing nakatingin ng ilang minuto sa kanyang katawan. Siya naman ay humimas sa kanyang harapan na ikinalingon ko sa mukha niya. Nakatingin na pala siya sa akin at sa pagtama ng paningin ko sa mata niya'y siyang pagkindat niya at ngumiti ng nakaloloko.

The Art Of Loving You (COMPLETE ✔️)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon