[JEMUEL'S]
"Gusto kita. Hindi mo ba maramdaman? Pilyo lang ang mga biro ko pero lahat 'yon ay totoo." Bigla akong natawa sa ginawa kong pagkausap sa hangin. Gusto ko kasing umamin kay Xander na mahal ko siya kaya lang baka iyon pa ang imbes na bumuo, ay lalong sumira sa amin. Marunong naman akong manligaw kung magkataon. May dalawa na rin akong naging kasintahan na babae. Kaya lang ay hindi ko alam kung paanong atake ang gagawin pagdating sa kagaya niya, kagaya namin. Hindi naman siya baklang-bakla, lalaking-lalaki siya kaya naiisip kong baka mabaduyan siya kung ligawan ko siya sa paraang alam ko. Ako ngayon ay nasa bundok at naglalakad pauwi. Nanguha lang ako ng ilang papayang hilaw na pwede naming ulamin saka mga bayabas at santol.
Nakarating na ako sa bahay pero walang tao. Siguro ay nagsi-cellphone siya sa banda roon. Itinabi ko ang aking mga dala at kinuha ang cellphone na binili niya. Pinasahan niya iyon ng mga larawan niya, bagay na nagpapasaya sa akin kapag nakikita iyon. Pumasok ako sa loob at umupo sa gilid ng katre.
"Tayo na lang kaya.", pagkausap ko sa larawan niya. Parang batang umiisip ng pantasya. Sabagay naman ay para na kaming mag-asawa sa ganitong lagay dahil nasa iisang bahay kami. Pero iba pa rin yung pakiramdam na may titulo kayong pinanghahawakan. Dahil marahil sa pagod ay unti-unti akong nilukob ng antok kaya humiga sa katre kahit na ako'y hindi pa manlang naglilinis.
--
"Dami pang gustong sabihin,ngunit wag na lang muna.
Hintayin na lang ang hangin,tangayin ang salita~"
Nagising ako dahil sa tugtog na alam kong nanggagaling sa cellphone ni Xander ngunit nanatiling nakapikit. Nang maramdamang nakaupo siya sa gilid ay nakaisip na naman ng kapilyuhan. Dumiretso ako ng higa at bahagyang nagmulat. Sa pagmulat ko'y nakita kong hawak niya ang cellphone ko. Hindi ko maalala kung naalis ko doon ang kanina kong tinitingnan. Siya naman ay hindi lumingon at ang balak kong panunukso ay naudlot dahil nakaramdam ng kaba at pagkailang. Baka kasi malaman niyang pinagpapantasyahan ko ang larawan niya. Siya na hindi yata napansin na ako'y gising na ay ibinaba ang cellphone at lumabas ng bahay. Nagpalipas naman ako ng ilang minuto bago tuluyang sumunod. Pagbaba ko'y kumakain siya ng bayabas. Nang makita naman niya ako'y tumingin sa akin at ngumiti.
"Sarap nito. Paborito ko.", wika niya saka muling kumuha ng panibagong kapiraso.
"Talaga?", tangi kong tugon.
--
[XANDER'S]
"Siya nga pala, punta tayong bayan mamaya. Nakakainip na dito eh.", wika ko sa kanya habang nagsasampay ng kauntiang nilabhan. Siya naman ay kinukudkod ang santol na gagawin nya raw sinatolan.
"Huh? Sige. Pero baka may makakita sayo. Sa atin. Pasyal na lang kaya tayo. Sa ilog?", sagot nito.
"Syempre, magdya-jacket ako at magsasalamin. Pagbalik na lang natin tayo magpa-ilog", tugon ko. Siya naman ay tila napaisip.
"Oh sige. Mamayang mga alas dos.", pagsang-ayon nito. "Pero anong gagawin natin doon?", dagdag niya.
"Wala, maglilibang. Bibili ng kailangan at kung ano. Ako na lang gagastos.", sagot ko. Hindi kasi talaga nababawasan ang pera ko kapag nandito sa bahay. Siya lang lagi ang gumagastos. Bukod doon ay bihira din naman kaming bumili kasi marami nang nakatabi. Wala rin namang malapit na tindahan dahil nakabukod ang bahay ni Jemuel sa mga kapitbahayan. Nasa parteng bundok ito kaya bihira rin ang may magpuntang tao. Isang dahilan kung bakit sila lang ni Maico ang kakilala ko.
"Huh? Ako na lang. Itabi mo na lang yung pera mo. May paggagamitan ka niyan, alam ko.", pagtutol niya. "Hindi man bukas, pero kakailanganin mo yan. May ipon din naman ako eh. Halos wala na akong nagagastos kasi ang dami mo ng binili noong huli nating punta sa bayan.", mahabang salaysay nito. Ako naman ay tumango lang kahit tutol sa gusto nyang mangyari.
--
"Kain muna tayo pero huwag na doon sa dati nating kinainan.", alok ko sa kasama. Kahit na sinabi niyang huwag na akong magdala ng pera ay nagdala pa rin ako.
"Busog pa ako.", sagot niyang matipid saka sumulyap sa paligid.
"Pansit lang?", -ako.
Siya naman ay tumango kaya tinahak na namin ang karinderya.
Patingin-tingin pa rin sa paligid ang kasama na akin namang ipinagtataka.
"Ano ba? May hinahanap ka ba?", tanong ko at sumubo ng pansit palabok.
Siya naman ay sumubo rin bago sumagot.
"Wala naman. Baka lang kasi may makakita sayo, o sakin.", sagot nito.
"Sa suot kong ito may makakilala pa sa akin?", tugon kong pabulong. "Kumain ka na lang. May pupuntahan pa tayo.", hirit ko.
"Saan na naman?", usisa ni Jemuel at muling nagpalingon-lingon sa paligid.
"Basta.", sambit ko. Ang totoo'y hindi ko rin alam kung saan. Basta gusto ko munang kumawala at magliwaliw. Nakakasawang magtago eh. Tinuloy namin ang aming pagkain at ng matapos ay nagbayad siya. Ako naman ay pinabayaan lang siya sa ginawa. Naglakad kami papuntang kung saan at bumili ng mga pagkain at rekado. Nagkukwentuhan naman kaming dalawa ng mga bagay na hindi namin alam kung mahalaga. Nakwento niya pa sa akin ang tungkol sa mga dati nyang nobya at ang pagkagusto niyang muling magkaroon ng buhay-pag ibig.
"Eh bakit, di ka manligaw.",tanong ko. Siya naman ay tumingin sa akin kahit hindi nya diretsong matingnan ang mata kong natatakluban ng salamin sabay sabing:
"Pwede?"
Ngumiti siya matapos 'yong ituran.
"Eh bakit magiging bawal?", usisa ko. "Gwapo ka naman. Siguro naman ay maganda yun.", dagdag ko.
Siya naman ay umiling sa aking isinagot.
"Parang hindi pwede eh.", sagot nito at lumungkot ng bahagya ang mukha.
"Bakit? Walang bawal na pagmamahal.", payo ko sa kaibigan. "Lahat ng uri ng pagmamahal ay tama basta totoo.", dagdag ko.
"Bawal kasi parang may iba siyang gusto saka parang... ewan.", paglilinaw nito. Ako naman ay tinapik lang siya sa balikat.
"Ayos lang 'yan. Marami pa namang babae dyan.", pagpapaluwag ko sa kanyang nararamdaman kahit na parang wala namang sakit sa tono niya. "Saka malay mo, sa lalaki ka rin sumaya.", biro ko ng maalala si Maico na ikinatawa niya.
"Baka nga.", matipid niyang sagot habang nakangiti.
"Edi ligawan mo na si Mai—", hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng matanawan sa malayo ang demonyo kong kaaway. Saglit na natigilan. Si Jemuel naman ay napatingin sa direksyong aking minamasdan. Nang makita kung sino iyon ay agad akong hinablot at tumago sa eskinita. Ako'y napasandal lang sa pader na aming pinagtataguan at siya naman ay nakaharap sa akin at nakasilip sa taong aming pinagkukublian. Ang kaninang bahagyang saya ko bunga ng aming maayos na pag-uusap at pambibiro sa kanya'y unti-unting nawala. Muling nilukob ng sakit at galit ang aking katawan. Sa katahimikan ko'y biglang napatitig si Jemuel.
"Mamaya na lang tayo lumabas pag umalis na siya.", sambit nito saka muling itinapon ang tingin sa kaaway. Bunga ng galit ay hindi ko na napigilang lumuha. Hindi ko rin alam kung bakit sa tuwing makikita ko siya'y sinasakop ng negatibong emosyon ang aking kabuohan. Marahil na rin ay dahil sa labis na galit. Galit na tila binago ang kalahati ng aking pagkatao. Kahit na ako'y nakasalamin ay hindi ko naitago ang aking luha sa pumoprotekta sa akin dahil tumulo iyon sa aking pisngi.
"Patayin mo na siya. Mamatay na siya.", tangi kong naibulalas. Siya naman ay muling tumingin sa akin. Dahan-dahang inalis ang aking salamin at pinahid ng kaliwang kamay kamay ang tumulo mula sa aking mata.
"Tumahan ka na. Makakaganti ka rin sa kanya. Hindi man ngayon, hindi man direktang ikaw ang gumawa pero makakaganti ka pa rin.", pagkomportable niya sa aking nararamdaman. "Magtutulungan tayo.", dagdag nito.
--
[JEMUEL'S]
Nakarating kami ng bahay at siya'y nanatiling tahimik. Hapon na kami nakauwi. Sa bayan na rin kami kumain ng hapunan kahit parang maagap pa. Habang kumakain pa kami kanina'y tahimik din siya at mapungay ang mga mata. Ako naman ay tila nasasaktan din sa maling nararamdaman niya.
Dumiretso siya ng akyat at umupo sa katre. Binuksan ko ang ilaw habang nakatingin lang sa kanya. Siya naman ay hindi tumitingin sa akin. Kinuha ang cellphone niya at naglaro ng kung ano doon.
"Ayos ka na?", pagbasag ko sa katahimikan. Siya ay nanatiling tahimik at nakatutok sa ginagawa. Naisipan ko namang lumabas na lang upang siya'y mapag-isa. Baka sakaling agad na gumaan ang pakiramdam kapag walang kasama. Sa aking paghakbang ay bigla siyang nagsalita.
"Dito ka lang.", hiling niyang may kaunting paglalambing.
Ako naman ay itinigil ang nais gawin at umupo sa kabilang sulok ng katre. Nakiramdam lang sa katahimikan. Para akong nahihiya sa sarili kong bahay. Nakatingin lang ako sa maamo niyang mukha na noo'y nakatingin na lang sa bintana. Nakaramdam muli ako ng awa sa kanya dahil may muling pumatak na luha sa kanyang pisngi kaya ako ay lumapit upang punasan iyon. Sa pagdampi ng palad ko ay siyang pagngiti nya at pagtitig sa aking mga mata. Tila may sinasabi ang malamlam niyang paningin at iyon ay hindi ko naunawaan. Bahagyang lumalapit ang kanyang mukha sa akin at parang naramdaman ko ang pagbagal ng oras. Bagaman halata na ang mangyayari'y parang ayaw pa ring maniwala. Pumikit ang mata niya at sa pagpikit niyang iyon ay nangilid ang luha sa kanyang mata. Ako naman ay ipinikit na rin ang paningin at ipinaubaya ang mga magaganap sa mapanuksong pagkakataon. Naramdaman ko na ang pagdampi ng kanyang labi. Sa ikatlong pagkakataon ay naramdaman ko ang kakaibang lambot nito. Sa ikatlong pagkakataon ay muli ko iyong naangkin. Ngunit mas maganda ang sitwasyon ngayon dahil pareho kaming kumikilos. Humawak siya sa ulo ko at muling hinusayan ang pakikilaghalikan. Ibinigay ko naman ang aking sarili sa kanya. Magkahalong saya at lungkot ang nararamdaman ko. Saya sapagkat nangyari na ang matagal ko ng nais at lungkot dahil alam kong ito'y bunga lang ng mabigat niyang emosyon. Nanatili akong pikit ng mga sandaling iyon. Ninanamnam ang tamis ng makamundong gawain. Tumigil siya sa ginagawa na siyang nagpamulat sa akin. Sa pagmulat ko'y nakita kong nakangiti ang malamlam niyang mata. Nang magtama ang paningin namin ay muli nya akong sinunggaban ng halik. Napahiga na kami pareho sa katre at ako'y hinaplos ang bahagi ng kanyang katawan. Siya naman ay ganon rin ang ginawa. Sa bawat masiil na paglalaban ng aming mga labi'y siyang pagdiin ng pisil na ginagawa ng aming mga kamay. Napunta ang mapaglarong kamay niya sa aking harapan na noo'y matigas na dahil sa mabilis na pagpasok ng libog sa aking katawan. Hinimas niya iyon mula sa labas na nagbigay ng kakaibang sensasyon sa akin. Inalis ko ang butones ng aking pambaba at ibinaba ang zipper nito. Sinasamantala ko ang maling pagkakataon na sanay muling maulit. Tinangka kong ibaba ang aking shorts at brief pero pinigil niya ito. Tiningnan ko siya na noon ay nakatitig lang sa akin. Sa pagtama ng aming paningin ay iniiwas niya ang kanya. Ako naman ay nagtaka at muling umasa sa pagtutuloy nang naudlot naming pag-iisa. Pero hindi na tumalima ang aking kasama at humiga sa katre. Tumalikod sa akin. Ako man ay nanghinayang sa hindi natapos naming gawain ay hindi na inabala si Xander. Siguro nga ay talagang nadala siya ng emosyon. Gayunpaman ay ipinagpasalamat ko na ang mga sandaling iyon na tinuldukan ang aking katanungan sa kung paano siya makipaghalikan.
--
Nagising kaming pareho sa bahagyang sikat ng araw na sumilip sa bintana. Katahamikan ang nag-usap habang pareho kaming abala sa mga ginagawa. Ako naman ay hindi na nakatiis kaya nagsalita nang hindi humaharap sa kausap.
"Xander... yung nangyari kagabi a—"
"Huwag mo nang isipin 'yon. Pasensya ka na, 'di na mauulit.", putol nya sa aking sasabihin ng hindi pa rin nakatingin sa akin. "Hindi ko dapat 'yon ginawa eh. Pasensya ka na. Nadala lang ako ng sitwasyon pero wala yong kahulugan.", mahabang dagdag nito.
'Walang kahulugan.' Tumatak sa isip ko ang dalawang salitang binitiwan niyang iyon. Parang iyon nga lang ang narinig ko sa mga itinuran niya. Sa ganoo'y labis akong nasaktan ngunit hindi ipinahalata sa kausap kong tila naiilang.
"Pero salamat.", muli nitong sambit at ngumiti. "Gumaan pakiramdam ko sa nangyari.", hirit nito na nagpagaan ng kaunti sa aking damdamin.
Muling katahimikan ang nagsalita sa amin. Maliban sa bahagyang tunog ng aming mga ginagawa'y walang maririnig.
"Siya nga pala.", wika nito at ngumiti sa akin. "Sabi mo kahapon ay tutulungan mo ako 'di ba? May naisip na kasi akong paraan para makaganti.", sambit niya saka umupo.
"Paano?", tanong ko kahit parang hindi interesado sa planong iyon. Ang tanging laman ng isip ko ay ang sakit na nararamdaman. Kinwento nya sa akin ang sinasabing plano na noong una ay tinutulan ko sapagkat ako ang nais niyang gumawa. Bukod doon ay parang hindi ko makita ang sarili kong mapagtagumpayan ang gagawing iyon lalo pa't alam kong nakita na ako ni Marco noon at marahil ay nakilala. Ngunit dahil sa masinsinan niyang pakikipag-usap ay nakumbinsi din ako. Hiniling ko sa kanya na paghandaan muna namin iyon kaya marahil ay sa isang linggo namin iyon isasagawa.
BINABASA MO ANG
The Art Of Loving You (COMPLETE ✔️)
Ficção GeralPinili ni Xander na maging alipin ng makamundong gawain upang matugunan ang kanyang pangangailangan. Upang mas mayos nyang makamit ang kanyang kinabukasan. Ngunit ang bagay na ito pala'y lalong maglulugmok sa kanya at magbibigay daan upang mapunta s...