Chapter 8: Kiel's voice

150 10 0
                                    

Shiela's pov

I opened my eyes and found myself lying on my bed. Dahan-dahan akong umupo dahil medyo masakit pa ulo ko.

"What happened?" I asked myself as I touched my head. Bigla namang bumukas ang pintuan at iniluwa nuon si Aunt Laurell.

"Buti at gising ka na. Heto oh, kumain ka ng lugaw at pagkatapos ay uminom ka ng gamot" sabi niya at inilapag ang tray sa bedside table na naglalaman ng lugaw, tubig, at saka gamot.

Tumango ako sakanya at kinuha ang tray para kumain. "Iha, ano ba talaga ang nangyari? May nambully ba sayo? Sabihin mo saakin para makausap ko sila at kung malala ang ginawa, eh ipapaexpell ko na" sabi ni auntie.

Umiling ako sakanya. "Wala naman pong nambubully saakin" I lied. "Paano po ba ako napunta dito?"

"Well, tinawagan ako ng mga teachers and then sinabi saakin yung kalagayan mo. They even said na nangangamoy alak ka, kaya para iwas na din sa chismiss ng mga estudyante, dinala ka sa office ko. Ako naman, wala duon kaya pinasundo kita kay manong Larlo" si manong Larlo ay ang driver ni aunt Laurell.

By the way, sila aunt Laurell at aunt Isabelle ay parehong mayaman at kaibigan nila mama.

"Nga pala, sabi ng mga guro, nakita ka lang daw nila? Totoo ba yun? O may ibang nakakita sayo at ihinatid ka sakanila?"

I shrugged my shoulders. Hindi ko naman kasi talaga alam. Feeling ko, sila naman talaga na mga guro yung pumunta at tinulungan ako nung time na yun.

"Uminom ka ba talaga?" She asked. Marahan na tumango ako sakanya. Knowing Sophia and Charmaine, hindi nila ako tatantanan kapag nagsalita ako. So I need to tell a lie.

"Oh siya, aalis na muna ako ngayon. Madami pa akong work na gagawin. And in your case, kailangan mo pang magpahinga. Don't worry dahil may mga tinawagan naman na ako na mag-aalaga sayo for the meantime" she said and even winked at me.

Mga? I wonder... sino kaya?

*ding dong*

"Oh! That must be them already!" Sabi ni auntie at saka lumabas na ng kwarto para pagbuksan ng pinto.

Hindi naman nagtagal ay bumalik si tita at saka ipinakilala na saakin ang mga magiging nurse ko.

Napabuga naman ako ng tubig nang makapasok ang tatlo. As in WHAT THE HELL?! Bakit sila?

"Ahmm.. tita? They're boys.. and sa dinami-daming tao, bakit sila pa?!" I asked with a wide open eyes because of shock.

"Kasi matagal ko nang kilala sila. Actually, yung magulang nilang tatlo? Kaibigan ko, and ako din naman ang nag-alaga sa kanilang tatlo nuong mga bata pa sila. Lalo na tong si Kiel, ako mismo ang nag-alaga jan, so I trust them para alagaan ka" nakasmile na paliwanag ni tita. "Oh boys, be good okay? Alagaan niyo yang si Shiela. Wag niyo din siyang hahayaan na magtrabaho mag-isa. She can be stubborn sometimes" sabi niya sa mga boys at saka nagpaalam na.

"Kiel is here too? What about the reporters and your fans? Lagi ka pa naman nilang sinusundan ah?" Tanong ko.

Umiling naman si Kiel. "Hindi mo ba napapansin? Kapag nasa labas lang naman ako nasusundan.. kasi walang nakakaalam sakanila kung saan ako ngayon nakatira. Magaling mag-tago to!" Pagmamalaki niya. Tumango na lang ako.

"Pahinga ka na muna Shiela. Tawagin mo na lang kami kapag may kailangan ka. Jan lang kami sa baba" sabi naman ni Josh. Tumango naman ako sakanya.

"Kiel? Halika na nga! At magpapahinga na yan si Shiela!" Sabi ni Michael at piningot sa tenga si Kiel. Actually, hinila niya pa nga palabas si Kiel habang pinipingot ang tenga.

The Star Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon