Chapter 20: Merry Christmas

125 7 2
                                    

Shiela's pov

Merry Christmas everyone!

Naandito ako ngayon sa bahay ni Kiel, and syempre, kasama sila Josh at sila Sophia. Dito kami magcecelebrate ng christmas. Dito nga din matutulog eh. Although sa tapat lang ang bahay ko, they all forced me na dito na lang din matulog later. Para sama-sama kami.

Everyone was preparing. We're putting some decorations, para di naman boring. Then, we're also preparing the foods. Oh! Meron ding ibang bisita na darating mamaya. And guess who they are?

Mga celebrities na kaibigan din ni Kiel! Aaaahhh! I can't believe it! Ahah. I mean--- we have to spend time with them?! Like hell! They are celebrities dude! Haha..

Yung iba daw eh hinihintay na lang ang debut to become official celebrities. Actually, 3 girls and 4 boys daw ang pupunta mamaya. And we don't need to worry about the reporters, kasi pasikreto lang daw ang alis nung mga celebrity na yun.

I am here in Kiel's huge kitchen, at gumagawa ako ng salad. Charmaine is baking some cakes, and Daisy is helping her. Si Sophia naman ay nagdedecorate. Josh and Michael are helping her. And si Kiel? Naandun sa labas. Kausap yung mga kaibigan niya na pupunta. Malapit na yata sila eh, so they need directions para di sila maligaw.

"Guys! Come here! Andito na sila and I want you all to meet them" sigaw ni Kiel na nasa sala. Ooohhhh.... dumating na ang mga bisita!

Nagtipon-tipon naman kami sa sala at nakita namin ang tatlong naggagandahang babae, at apat na naggwagwapuhang lalaki. Kyaaaah! Ang gwapo naman! Hahah.. pero siyempre, mas gwapo si crush! Alam niyo naman na kung sino iyon. Sino pa ba ang lalaking itinitibok ng puso ko?

"Uhmm. Guys, sila ang mga naging kaibigan ko sa buhay celebrity" simula ni Kiel. Itinuro niya ang babaeng nasa left na nakasuot ng pink dress. "This is Anica" then yung sa right naman na girl. "This is Jamie" and then yung nasa gitna naman. "And this is Rachel"

"Hi!" Sabay-sabay at nakangiting bati nila saamin.

Then, yung boys naman na ang ipinakilala niya. "This is Lucas, Rey, Dominic, and Tristan"

"Hi" sabay-sabay din nilang bati saamin.

Then ipinakilala ni Kiel kami. Inuna na muna niya ang boys then sunod kaming girls. Lumapit saakin si Rey and he held my hand. He lifted it.. oh? Mukhang alam ko na to ah? Is this his way how to greet girls?

"Mademoiselle, I am Rey, and its nice to meet you" he said. Natulala ako and I think na-mental block ako? I mean as in di ako makagalaw eh. He was about to kiss my hand pero agad na hinila ni Michael ang kamay ko sa kamay ni Rey. Then, si Kiel naman ay pumunta sa gitna naming dalawa ni Rey.

"Woah, easy dude! Haha!" Rey said. Nagtawanan naman ang iba. "Is she your girl?" Tanong pa ni Rey kay Kiel. 

"Friend" sabi ni Kiel. Hmmm, mabilis ang pagsagot niya kaya naman parang magkadugtong yung "girl" at saka yung "friend" so parang ang narinig ko eh "girlfriend"

"I'll take you girls to your rooms. And boys, sundan niyo si Josh para makapagpahinga na din kayo" sabi ni Charmaine.

Sinunod naman nila iyon. Nakatitig pa rin si Kiel at si Rey sa isa't-isa. Hinila na ako ni Michael papunta sa kusina. "I'll help you prepare the foods for later" sabi niya pa.

I wonder anong meron? Why on earth could I feel something happening right now between Rey and Kiel?

*****

Kiel's pov

Naiwan kami ni Rey dito sa sala. We talked in a low voice. "She's just a friend? Really? Then I could make her mine then" he said and chuckled.

The Star Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon