Chapter 30: 50/50

155 3 3
                                    

Kristine's pov

I'm here sa may tapat ng pinto ng kwarto sa ospital, kung nasaan si Shiela. 3 weeks na ang nakalipas nang magising ako, pero kelangan ko muna raw manatili dito sa ospital for further tests. Now, I am expecting na sana gising na si Shiela.

Nakaupo ako sa wheelchair at itinutulak ito ni Nicolai. Binuksan niya ang pinto at dinala ako sa may tapat ng higaan at kung saan nakahiga ang wala paring malay na si Shiela.

Napatakip ako ng bibig para pigilan ang sarili kong umiyak. Pero wala akong nagawa.... tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha ko sa aking mga mata.

*sob sob*

"S-Shiela naman eh!"

I hold her hand at pinisil pisil pa ito. Then I kissed her hand. "Shiela. Please, gumising ka na oh. 3 weeks na ang nakalipas oh. Please... please wake up" I said and cried.

*Toot* *toot* *toot*

Agad na napalingon ako sa ecg machine, at biglang nagkaroon ng sudden movement ang katawan ni Shiela.

Kinabahan ako. Narinig kong nagmura si Nicolai at mabilis na tumakbo palabas at nagsisigaw dahil naghahanap ng doktor or nurse.

"S-Shiela... A-anong nangyayare?!"

*toooooot*

Napatingin muli ako sa ecg machine. What the hell?! Hindi to pwede!

"Ma'am, please, labas muna tayo" sabi ng isang doktor na kararating lang at dinala ako sa labas.

"N-Nico... please tell me hindi ito totoo!" Pagiyak ko kay Nico. Nicolai, is also crying right now.

Naghintay lang kami dito sa labas ng kwarto habang umiiyak. I can't stop from crying. Actually, sinusuntok-suntok ko nga ang braso ni Nicolai na nasa gilid ko.

Maya-maya pa'y lumabas na ang mga nurse at ang doktor. "Doc, w-what happened? Ayos na ba siya?" Agad na tanong ko pagkalabas nila.

Umalis na ang mga nurse at tumango saakin ang doktor. "She's stable now" sabi niya.

"E-earlier---" the doctor cut Nicolai off.   

"Ma'am, sir. Nag-aagaw buhay siya kanina, but luckily, she's stable now. Bantayan na lang po ng maigi ang pasyente coz it may happen again, anytime" sabi ng doktor at tumango naman kami duon. Nagpaalam na din ang doktor, kaya pumasok na kami ni Nicolai sa kwarto.

"If that's the case, then kailangan kong tawagan sila" sabi ni Nicolai. I got confused kung sino tinutukoy niya so I asked him while wiping my tears. "Shiela's friends, and her boyfriend" sabi nito. Nagulat ako sa narinig ko. May boyfriend na ang kapatid ko?

Mukhang nahalata ni Nico na naguluhan ako so sinabi niya na si Shiela ang may karapatan na magsabi saakin ang tungkol dito kaya, ipagdasal nalang namin na magising na agad si Shiela.

Nilapit ni Nicolai ang wheelchair sa may higaan. Pagkatapos ay nagpaalam na muna siya at may kakausapin lang saglit.

Nang lumabas na siya, tinitigan ko ng ilang minuto ang mukha ni Shiela. Then, tears began to flow from my eyes. "Shiela naman eh. Don't make me worry again! Please. Gumising ka na kasi" sabi ko sakanya. Dahan-dahang tumayo ako sa pagkakaupo sa wheelchair, at inilapit ko ang mukha ko sa mukha ng aking kapatid. I caressed her hair. "Please... please open your eyes already" then I kissed her on her forehead.

The Star Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon