Chapter 4: Will you be my Friend?

173 12 3
                                    

Shiela's pov

Its been a week since Kiel moved in to the next door. Ayokong makipag-usap sa mga tao diba?

Pero itong si Kiel, salita ng salita. At lapit ng lapit saakin. Ako naman, di ko na lang siya pinapansin at lumalayo na lang.

"Hey, wag ka nga snob! I'm just asking kung sasama ka sa field trip ng school. It will be boring kasi kung wala akong mapagtitripan" he said. Andito kami ngayon sa room at nakaupo lang.

Tsk. Oo, tama nabasa niyo! Pagtripan.

Bukod sa dikit siya ng dikit saakin, palagi din niya akong pinagtitripan. Yung totoo? Artista ba talaga yang si Kiel? Kasi para siyang baliw!

Tumayo na muna si Kiel at saka lumabas. Hayy salamat! Wala na ang mokong!

*slam*

Napatingala naman ako para mapantayan ang mata ng taong to. Ang talim ng titig niya saakin. "Kapal talaga ng mukha mo Shiela ah?!" Daisy said. "Huh! How dare you!"

Hinawakan naman ni Sophia ang kwelyo ko at napatayo ako bigla. Is she trying to suffocate me?

Napahawak ako sa kamay ni Sophia nang makaramdam ng pagkasakal. "B-bitawan mo ko S-Sophia. W-wala din naman a-akong ginagawang masama" sabi ko.

Tumulo naman luha ko. I can't tolerate this kind of bullying. At ayaw na ayaw kong mabubully. But I cant even fight back or defend myself.

"Wala daw ginagawa.. psh!" Binitawan na niya ako. "Sa susunod na lumandi ka pa kay Kiel, sasakalin na talaga kitang malandi ka!" Sabi pa nito.

"Its been a week tapos nagpapapansin ka? Palibhasa ang pangit-pangit mo!" Sabi naman ni Daisy, pagkatapos ay lumabas na sila ng room.

Tumutulo pa rin luha ko. "*sob* eto ang dahilan kung bakit ayaw kong lumapit sa mga tao katulad ng dati"

Buti nga at lunch time dahil walang nakakita nun.

"Hey, are you alright?" Tanong niya. Sino pa ba? Edi si Kiel!

As usual, di ko siya pinansin. I wiped away my tears at inayos ang gamit. Magdiditch class muna ako ngayong hapon. Nawalan ako ng gana pumasok eh.

"Hey, lagi ka na lang tahimik at hindi umiimik. Concern lang naman ako sa seatmate ko. Ayos ka lang ba?" Di ko pa rin siya pinapansin. Naglakad ako at nilagpasan lang siya na para bang di ko siya nakita kanina.

Lumabas ako at naglakad. Mukhang hinayaan naman niya ako kasi hindi na siya sumunod saakin.

Papunta ako sa usual hiding spot ko. Dun sa unfinished building.

Nang makataas na ako sa rooftop nitong unfinished building, pumunta ako duon sa pinakadulo at nagtatago. Well, may mga gamit din kasi dito at dun ako nagtatago.

Naupo ako at niyakap ang aking tuhod. Humahagulgol na talaga ako.

"Wala naman na nga akong ginagawang masama tapos ako pa yung inaaway nila? Okay lang sana kung binabad mouth nila ako pero kung ganun na aabot na sa pisikalan, ayoko na!"

"Bakit ba ang weak ko?!"

"Bakit ba mahirap ang umiwas! BAKIT BA AKO UMIIWAS?!" sigaw ko. At muling humagulgol.

"Kasalanan mo to Ate Kristine! KASALANAN MO LAHAT NG TO! kung hindi dahil sayo, hindi sana ako matatakot na lumapit sa tao! Di sana ako matatakot lumabas ng walang disguise! Di sana ako iiyak ng iiyak! AT HINDI SANA AKO MASASAKTAN NG GANITO!" muli kong sigaw.

Wala naman sigurong makakarinig sa sigaw ko. Or kung meron man, di naman nila alam kung sino ang sumisigaw.

*****
Gabi na nang makauwi ako. Pagkatapos kong umiyak at magsisigaw eh nakatulog ako. Kaya naman solo akong umuwi as usual.

The Star Next DoorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon