Chapter 3

40.6K 1.8K 1.1K
                                    


Chapter 3

Servitoares

Isang linggo kasama ang mga Flamma ay nakilala ko na agad sila.

Ito ang nasa updated list ko.

Kairon = Mahangin

Beau = Barumbado

Shawn = Crush

Stephanie = Matapobre

Thea = Friendly

Mac =  Epal / Sarcastic / Snob

Naalala ko na naman no'ng kinompronta niya ako dahil sa mga libro niya!

He looked at me intently and then he licked his lips. "So what would you do to make up for it?"

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Mac De Guzman! What the?!

Ilang saglit lang ay may kinuha siya sa bag niya at inabot iyon sa akin.

"Blower?!" gulat kong sabi.

"Uhuh... Patuyuin mo. 'Wag kang matutulog hangga't hindi pa tuyo."

Gigil na gigil ako no'ng gabing iyon dahil hindi ako pinatulog ng mga libro niya. Nangalay ako kakablower! Nakakastress patuyuin! Tinapat ko pa nga sa aircon, eh!

Kinaumagahan ay kinita ko siya sa library para isauli 'yung mga libro niya.

I saw him wearing his glasses and reading silently. He looks cute when reading. When reading lang ha? Hmp!

Idinabog ko iyong mga libro sa harapan niya. "Tuyo pa sa tuyo 'yan, De Guzman!"

Tumaas ang kilay niya tapos ay tinignan iyong mga librong isinauli ko. Ilang saglit lang ay bumalik na ang mga mata niya sa binabasa.

Ay? Wow? Busy?

"Wala manlang thank you?!" reklamo ko.

"Why would I? It's your fault." aniya nang hindi pa rin tumitingin.

Sobrang interesting ba ng binabasa niya para mang-snob siya ng ganito?

"Whatever! Parang magpapasalamat lang, nahihirapan ka pang gawin? Grabe ka-"

Hindi ko na natapos ang sasabihin nang bigla siyang nagtaas ng kamay.

"Stop talking..." Mackenzee said. "I'm reading, shoo."

I've never been so mad! Padabog akong naglakad palayo. Nag-bell pa nga iyong librarian dahil sa ikinilos ko kaya naman nagtago ako ng mukha.

Nakakainis talaga si Mac & Cheese!

Ngayong araw ay darating na ang ibang mga estudyante. I was assigned to tour some of the endorsed students, namely the Casa Aeris.

I saw a girl with a brown soft curls hair at the main campus. I guess siya iyong una kong i-totour

Kinalabit ko ito kaya naman napaharap siya sa akin.

"Hi! Are you the new scholar?" tanong ko sa babae. She's so pretty! I like her almond eyes and pink lips!

Agad naman din siyang tumango.

"I'm Lia Chen. Terra." sabi ko at nakipagkamay rito.

"I'm Paige Manuel...Aeries." pakilala niya.

Tumango ako. She has that good vibes! Feeling ko magiging kaibigan ko siya!

"Hi, Paige! I'll be your campus tour guide. Ako kasi ang na-elect as the First year Representative." saad ko.

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon