Chapter 23

29.4K 1.6K 1.5K
                                    

Hi! You may follow me on twitter to see the Halloween Lookbook of the Student Council. It's @cailameneses!

Chapter 23

Hallo Queen

I'm speechless. Ni hindi ko mabuksan ang bibig dahil hindi ko alam ang sasabihin. My heart is beating extremely fast and I can't keep up.

"But I agree with you... Let's take it slow." Mac said and smiled. "I'll court you first."

Feeling ko mahihimatay na ako dahil sa nararamdaman. "O-okay..." sabi ko. "Pero hindi ka naman marunong manligaw, 'di ba?"

He chuckled a bit. "Yeah... But I'll do my best."

I smiled and put my head on his chest. Today feels so good than any other day.

Pagkatapos ng sayawan ay announcement na rin ng Hallo King and Queen. I voted for Paige and Kairon kahit wala na sila rito. I don't know if it's even counted!

Biglang dumating sina Ate Thea at Beau sa table tapos ay magka-holding hands na ang dalawa. What the hell just happened? Sila na ulit? OMG! Paige should see this!

Tumabi sila sa amin ni Mac. Kaming apat na ngayon ang nasa table. Bali ang position namin ay ako, si Mac, si Beau, tapos si Ate Thea.

"We got back together... May likod na akong makakakot. Bleh!" sabi ni Beau.

Natawa kaming dalawa ni Mac.

"Anong likod?" tanong naman ni Ate Thea.

"Tey, sure ka na bang babalikan mo si Beau? You can still back out." pang-aasar pa ni Mackenzee.

"Hoy! Ayusin mo buhay mo De Guzman ha! Pasalamat ka nga kinakausap pa kita ngayon kahit ganyan costume mo, eh!" si Beau naman na g na g.

Napailing na lang kami ni Ate Thea sa dalawang mokong.

"The time has come, I will now announce the Hallo King and Hallo Queen of the night!" anunsyo ni Andy doon sa stage.

Napabaling naman kaming lahat sa kanya.

"We have 1st and 2nd place... Also, the votes for those who are no longer here at the party will not be counted." ani Andy.

Hala! Sayang naman ang boto ko kay Kairon at Paige. Nasaan ba sila? Okay lang ba si Paige?

"For the 2nd place Hallo Queen, give it up for Thea Monforte as Hermione Granger!" sigaw ni Andy.

Nagpalakpakan naman kami. Si Ate Thea ay nagpunta na roon sa stage.

Si Beau naman ay napapangiti at tumayo na rin. "Pahawak, Mac. Ako na ang tatawagin." ani Beau at ipinahawak kay Mackenzee iyong props niyang wand.

"For the 2nd place Hallo King, come up to the stage... Royce Romualdez as Harry Potter!"

"Pota?" mura ni Beau sabay upo.

Tawang-tawa naman kami ni Mac sa kanya.

"Sinong nagboto sa Royce na 'yon? Partner ba ni Hermione si Harry? Si Ron ang partner no'n! Ampucha!" giit pa ni Beau.

"Sabi sa'yo mag Voldemort ka na lang, e." hirit pa ni Mac.

Ang sakit na ng tiyan ko kakatawa sa dalawa. Jusko!

"And now, mag-ingay ang lahat! Our 1st place, the Hallo Queen of the night, is none other than... Lia Chen as Queen Elsa!" sigaw ni Andy.

Nanlaki ang mga mata ko. Seryoso ba?

"Oh, Beau... Hawakan mo na 'to." ani Mac at ibinalik na kay Beau iyong wand niya. "Ako ang talagang tatawagin."

Nginitian ako ni Mac bago ako pumunta sa stage. Nagpapalakpakan ang mga tao.

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon