Chapter 24

30.5K 1.5K 1.4K
                                    


Chapter 24

Painting

Hindi kami makapagsalita ni Ate Thea. It suddenly became so awkward between the six of us! My gosh!

"I think I'll bring my girlfriend to the GAH." Beau said and draped his arm around Thea.

"I'll bring my soon to be girlfriend, too." Mac said and held my hand.

Napatingin naman ako sa mga kamay naming magkahawak ngayon at napangiti na lang ako. Mac, my soft boy.

Mabilis ang pangyayari. Imbis na sa GA Hospital ay sa restaurant kami nagpadala ni Ate Thea.

Ang sarap pala ng pagkain dito sa bagong resto ng GA Mall! Ang dami naming inorder. Panay ang kain namin ni Ate Thea.

Napahinto ako sa paglantak ng burger nang makita ang dalawang lalaki sa harapan at hindi kumakain. Mac and Beau are both staring at us like we're some kind of hungry animal!

Agad kong siniko si Ate Thea at napahinto rin siya sa paglantak ng fries.

Napailing si Beau. "Look at them, Mac... Masakit daw ang tiyan at gusto magpunta sa GAH kanina. Pero no'ng tayo ang sumama, sa resto nagpadala."

"Yeah... I don't get them either." Mac agreed with Beau.

Makapag-usap naman sila, akala mo wala kami sa harapan nila, eh. My God!

"Do they want to bond with those boys at the GA Hospital?" akusa pa ni Beau.

"Hey! Do you know how hard it was for us to come up with something para makaiwas na manuod ng sine kasama sila dahil iniisip namin kayong dalawa?!" bulyaw ni Ate Thea.

Panay naman ang tango ko. "Ang hirap kaya umarte..." dagdag ko pa.

Napahilot si Beau sa kanyang noo na tila maiging nag-iisip. "Do you think they are telling the truth, Mac?" he asked.

Mac slightly nodded. "Innocent until proven guilty."

Aba, teka nga? Seryoso ba itong dalawang 'to?!

Naglalakad na kami ngayon ni Mac papunta sa Terra Building.

"Soon to be girlfriend pala ha..." pambubuyo ko roon sa sinabi niya kanina. "Are you that sure na sasagutin kita, Kenzee?"

He chuckled a bit. "Not really, but I'd like to assume."

Napailing na lang ako sa kanya. His answers were to good every single time.

"I was supposed to give you something today, kaya lang naapurnada..." sabi ko.

Hindi ko na siya nagawan ng California Maki. Hays!

"Ako 'yung nanliligaw, pero ikaw lagi ang may binibigay sa'kin." aniya.

"Well, ikaw lagi ang nagtatampo?" giit ko naman.

Napahinto siya sa paglalakad.  "I'm sorry... I just really don't know how to deal with it." he said in such a soft tone.

"Deal with what?" I worriedly asked.

Mac took a deep breath. "The feeling."

Kumunot ang aking noo roon. I don't understand. "What feeling?"

"That scary feeling that others will be interested to court you, too... And they might do it better than me." he explained and I'm in awe.

Tumango-tango ako. "Yeah, they might... But it's not them who I like."

Nakita ko kung paano umuwang ang bibig niya sa sinabi ko. Dali-dali siyang tumalikod at nagpamulsa. "Can you stop making my heart beat so fast, woman?"

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon