Chapter 18

27.7K 1.7K 827
                                    

Chapter 18

Quiz Bee

Ngayong araw ang laban namin ng Quiz Bee. I'm so nervous! Pero itong si Mackenzee sa gilid ko, sobrang chill lang! Hangin is real!

"Hindi ka ba kinakabahan, Mac?" I asked him.

"Ba't naman?" he asked.

"Nakakakaba kaya! Baka walang masagot..." sabi ko naman.

"There's nothing to be worried about if you've reviewed well." aniya.

Malalim akong huminga. Nag-review naman ako ng maigi at talagang nagpakaseryoso ako rito.

He ruffled my hair. "You'll do great."

Napangiti naman ako roon. "You too."

I believe in him. Kahit nga siguro hindi siya mag-review, feeling ko mananalo siya!

Naghiwalay na muna kami ni Mac dahil pumunta kami sa kanya-kanyang pwesto. Magkakasama ang per batch na lalaban sa Quiz Bee. Mga freshmen ang kasama ko.

Nang makita ko si Misha ay nagulat ako. She's wearing the same accessories I'm wearing right now, but I get it okay, pareho kami ng binili, eh. Pero 'yung gayang-gaya niya kung papaano ko tinali ang Quiz Bee t-shirt ko para magawa itong crop top, hindi nakakatuwa. Is she copying me?

"Hi, Li..." bati niya. "Good luck!"

"Good luck din." sabi ko na lang sa kanya.

Pansin ko na iba na ang kulay ng contacts niya. It's darker now.

"And now, we will start the competition. First off, the freshmen." anang announcer.

Nagpunta na ang lahat ng freshmen na kasali. Meron kaming kanya-kanyang standing desk sa stage. Sa desk ay may nakapatong na white board at marker.

Ayon sa instructions, the announcer will ask a question. There will be a sound that will serve as a cue before we can answer. Pag narinig na ang cue, saka lang pwedeng magsagot. A timer will be set and once it buzzes, the contestants shall stop writing and shall raise their white boards to show the answer.

Nagsimula na ang tanungan. First 5 questions, wala akong nasagot. Hindi ko talaga alam. Wala akong ideya sa mga natanong. Wala siya sa mga na-review ko.

Oh my God!

Most of the questions, talagang hinulaan ko na lang dahil hindi ko talaga alam. Iyong iba, stock knowledge na lang. Oh God. Ganito pala kahirap? Wala akong maitamang sagot!

Si Misha naman, tama lagi. Is she really that smart?

Kada round ay may matatangal na contestant. Surprise! First round pa lang ay tanggal na agad ako. Ni hindi ko na tinignan pa ang audience dahil alam kong pinagtatawanan nila ko. It's so embarrassing!

Pagkadating sa backstage ay isa-isa nang nagbagsakan ang mga luha ko. This is so disappointing! I've reviewed really hard... Pero ni isa ay wala manlang lumabas doon sa pointers na inaral ko.

Imagine. I only got 4 points and there are 30 freaking questions!

Agad akong nagpunas ng luha nang nasa backstage na rin si Amy, kasali rin sa Quiz Bee.

"Tanggal na rin ako. Mahina talaga ako sa enumeration." aniya.

"At least umabot ka ng 2nd round." sabi ko sa kanya. Kumpara naman sa akin, she did a good job.

"No offense, Lia... Sa totoo lang nagtataka kami sa'yo kasi 'yung sa first round nasa pointers siya lahat. As in! Though aaminin ko may mga nalimutan din ako, pero 'yung 4 points mo? It's crazy!" saad ni Amy.

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon