Chapter 10

30.4K 1.7K 1.1K
                                    




Chapter 10

Sweet

Napakurap-kurap ako. "P-pwede naman?"

"Gusto mo bang i-date kita?" he asked me and I just can't believe him.

"I-ikaw! Gusto mo bang i-date ako?" pagbalik ko ng tanong sa kanya.

"Ewan. Naiilang ka, e... Iniiwasan mo nga ako." sagot niya at feeling ko kaunti na lang ay magpapalpitate na ako.

Hindi kape ang iniinom ko ha! Chocolate lang!

"Kasi nararamdaman kong naiilang ka! Ikaw ang unang umiwas!" giit ko.

Para kaming mga batang naglolokohan. Ganito ba talaga pag parehong walang experience sa relationship? Ang hirap mangapa!

"Akala ko kasi lumalayo ka." aniya sa malimbing na tono. I almost choke!

Magsasalita pa ako nang matanaw ko na sila Andy at ang iba pa.

The Student Council planned to take a fencing class to get out of the academy. Saglit na oras lang ang gugugulin namin doon tapos ay pupuntahan na namin si Beau. We are going tomorrow.

Pupunta na sana ako sa Terra Building pero nakatanggap ako ng text sa school admin na pinapatawag ako ng Headmistress. I wonder what it is about?

Kabado akong pumasok sa opisina ni Mrs. Montecillo. Mas lalo akong kinabahan nang makita ang isang pamilyar na tao.

"D-Dad... What are you doing here?" I can even feel my knees shaking.

I am suddenly so scared.

"I'm visiting you, anak." he said with a big smile but I know that it's fake.

It's all fake.

"I just told your father about the Fencing Class tomorrow. He agreed with you going outside, so you may now breathe." anang Headmistress at nakaramdam agad ako ng panghihina.

No... Oh no. He knows about it now. Oh my God!

"Going outside must be fun." sabi ng Daddy. "I know you'll keep the students safe so we, parents, won't have to worry."

Mrs. Montecillo smiled. "Yes, of course. Safety above all. Sige, maiwan ko muna kayo."

I can't even move a muscle when the Headmistress left the room.

"So you're going out tomorrow–"

"No, Dad! T-the President of the Student Council wants to reschedule it." pagsisinungaling ko.

It's the only way. Kailangan mailigaw ko ang isip ng Daddy. Hindi na kami pwede mag-resched ng pag-alis kaya naman kailangan mapaniwala ko ang Dad na hindi kami aalis bukas.

Alam kong may masama siyang balak. Hindi pwede mangyari 'yon!

"When?" he asked.

"Next week..." sabi ko pa. "I will call you don't worry."

I need to psych him out!

"Are we really on the same page, Aurelia?" he asked me.

"O-of course, Dad. I just needed some time, but I'm okay now." pagdadahilan ko pa. "I will do everything you want."

Lumapit ang Daddy sa akin. "That's my Princess... I really didn't mean to text you like that. Kaya ako nandito to personally say sorry."

No. You're here to threaten me that you will pull me out of this school. Liar!

"Don't worry about it Dad... I deserve it." sabi ko pa. "And to make it up to you, inaway ko 'yong isang Flamma. Ang arte kasi niya."

Si Stephanie ang tinutukoy ko roon. That's kinda true. Pero hindi dahil maarte siya, kung hindi dahil inaaway niya si Paige. Although maarte rin talaga siya...

Mukha namang nakuha ko na si Dad dahil tuwang-tuwa siya sa kinwento ko. Nagpaalam na ito at panay ang bilin na sabihan ko siya kung kailan kami lalabas ng academy.

Nakahinga lang ako nang maayos pag-alis niya.

I will do everything to protect my friends. I won't let Dad hurt any of them. Not again.

Pabalik na ako ngayon sa Terra Building nang may maramdaman akong sumusunod sa akin. Pag lingon ay nagulat ako nang makita si Mackenzee sa likod ko.

Napahawak ako sa dibdib. "Nakakagulat ka naman!" sabi ko. "What are you doing?"

Itong Mac & Cheese na 'to! Parang kabute kung minsan. Bigla-biglang sumusulpot!

Kinunotan niya ako ng noo. "Ihahatid ka?" sagot niya. "Kanina pa kita hinahanap. Tss."

Naningkit naman ang mga mata ko. "Nanliligaw ka ba?" I asked because I don't get it.

Syempre ganoon 'yon, 'di ba? Ligaw muna bago date?

"Kailangan ba?" tanong niya at napanganga na lang ako. Mahabagin!

"Marunong ka ba?" tanong ko naman dahil alam ko namang NGSB siya or No Girlfriend Since Birth!

"Hindi." sagot niya at halos mapa-sign of the cross ako.

Hindi siya marunong manligaw? Paano na? Baka ako pa ang manligaw sa kanya! Kaloka!

"Sa dami ng binabasa mo, hindi ka pa rin marunong?!" asik ko.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. "If there's a law about courting a woman in the Philippine Constitution, let me know."

Ang sungit naman nito!

Sabagay, wala nga naman 'yun doon sa binabasa niya.

"'Di bali na nga! Kunin mo na lang ang number ko tapos i-text mo ako ng mga sweet." sabi ko pa at ibinigay sa kanya ang aking number.

Nahiga ako sa kama at napahawak sa ulo.

Sumasakit ang ulo ko kay Mac. Siya ata ang magiging cause of death ko.

Ilang saglit pa ay panay ang tunog ng phone ko. Agad ko iyong tinignan.

7 messages from Mac & Cheese

Ay hala! Ang dami namang texts nitong lalaking ito! Tadtarin ba naman ako?

Ano kaya ito? Baka 'yong mga uso ngayon na LSM or long sweet messages!

Excited akong buksan ang mga texts niya pero nang makita ang mga iyon ay parang gusto ko na lang basagin ang cellphone ko.

From: Mac & Cheese

Lia, mag-tetext na ako ng mga sweets ah. Antok na ko, e.

Cake

Ice cream

Lollipop

Chocolate

Donut

Sana natuwa ka? Goodnight :-D

Gusto ko magsabi ng masasamang mga words.

Matutulog ako na may sama ng loob. Parang ni wala sa mga plano niya ang mag-girlfriend, eh! Alam mo 'yon?

Totoo nga yata na ang mga matatalino, tanga sa pag-ibig. At anong klaseng smiley 'yon? May ilong pa! Wala bang emoji sa phone niya? Mahabagin!

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon