Chapter 7

33K 1.9K 1.7K
                                    


Chapter 7

Math Club

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi no'ng bantay. Agad akong napatingin kay Mac at nagkamot lang siya ng ulo.

"Thank you po." sabi na lang ni Mac at hinatak na ako palayo roon.

"Ano 'yun? Anong promise ring? Anong girlfriend?" usisa ko pa. "Don't tell me pinagkakalat mong girlfriend mo ako?!"

Mac just raised his eyebrows. "'Wag feelingera. Nagdahilan lang ako."

Grabe naman 'to!

Kahit nasungitan ako, hindi ko alam kung bakit ako natutuwa ng sobra. Kainis!

"Guys, ano? Okay na? Nakuha n'yo ba?" sunod-sunod kong tanong nang magkita-kita ulit ang grupo.

Paige nodded and I can't help not to scream! "Omg! Thank you, guys! Ang galing! Dahil diyan, treat ko na ang lunch bukas. Let's all meet up sa table ni Mac! Ano, game?"

Dahil nga natutuwa ako, I'll treat them. At para maasar si Mac, sa table niya ulit kami! Bleh!

Tumango ang lahat maliban kay Big Mac. Hays, bakit burger naman ang naiisip ko sa kanya ngayon?

"Paige!" tawag ko sa kaibigan nang makita ko itong papasok sa classroom.

"Ang saya mo ata?" she asked and sat beside me.

"Well, I'm just really happy na nakuha natin ang funds!" sagot ko naman.

Hindi ko alam kung bakit iba ang tingin ng babaeng ito sa akin ngayon. "Ikaw ha. May nangyari ba sa inyo ni Kuya Mac?"

"As if! Para nga akong may teacher na kasama sa CCTV room. Shh ng shh! Kaloka." sabi ko habang napapailing.

Doon lang naman ako sa dahilan niya kay Kuyang Bantay natuwa, eh. Pero the rest? Kainis na.

Dahil treat ko, pagdating ng lunch break ay nauna na ako para maka-order na ng pagkain. Baka reklamuhan pa ako ni Mac na babagal-bagal, eh! Ubod pa naman ng sungit ang lalaking 'yun!

Ang dami kong inorder doon sa isang resto sa GA MAll. Pizza, pasta, chicken, and fries. May mga desserts din akong nabili.

Bitibit ang mga pagkain ay nakita ko na si Mac sa table niya na nagbabasa ng librong mas makapal pa sa mukha niya.

Ang aga niya ata kaysa sa usual time niyang pumunta rito? Gusto ko pa namang mauna sana sa lahat para makapag-set up.

"Tadah!" sabi ko nang makarating sa table ni Mac at ibinaba ang pagkain.

"Tagal." aniya at ibinaba ang libro.

"Anong matagal?! Maaga ka lang... Excited ka atang makasama akong kumain, eh!" biro ko pero inirapan niya lang ako.

"Asa ka pa." sabi pa niya. Bastos talaga!

Nang makita ko si Lancer ay tinawag ko na siya. Bakit ang lungkot ng mukha nito? Nakukulangan ba sa pagkain?

Dumating si Shawn at nanlaki ang mga mata ko nang umakbay siya sa akin. "Pasta? Thanks, Li!"

Holy shit! Crush ko talaga siya! Gwapo na mabait pa. Saan ka pa? Feeling ko bagay kami. Kaso ang sabi may girlfriend ata siya sa Zircon Academy. How true?

Uupo na sana ako pero sobrang sama ng tingin ni Mac sa'min ni Shawn... Ay, sa akin lang siguro. May bad blood sa'kin iyan, eh!

Kairon and Paige came together. Naupo kaming lahat sa table ni Mac at alam ko talagang masama ang loob niya.

"Dahil sa nagtagumpay tayo sa ating mission, here's my treat! Kainan na!" I told them.

"Tss. Akala mo naman kung anong mission, parang 'yun lang..." sabi ni Mac habang nagbabasa pa rin ng libro.

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon