Chapter 11

29.2K 1.6K 1.4K
                                    


Chapter 11

Fencing

The council will go out today. I'm still nervous about the whole plan, but I know for sure that Dad thinks we've rescheduled it.

Nag-aasikaso ako ng mga dadalhin nang biglang tumunog ang phone ko.

From: Mac & Cheese

Good am.

Jusko. Ano raw? Good am? Ano ako si Mrs. Montecillo?!

From: Mac & Cheese

La ka reply? Kulang pa ba mga sweets na tinext ko?

Baba ka terra building dito ako labas

Nanlaki ang mga mata ko sa huling text niya. He's outside our building?!

Nagmadali na akong bumaba dala na rin ang lahat ng gamit ko para sa paglabas namin ng academy.

I saw him standing outside our building. Almost everyone is starring at him. Sobrang takaw pansin lang din ng height niya. At saka ano ba naman ang ginagawa ng isang Flamma sa Terra Building?

"Bakit ka nandito?" I asked him.

Ibinalandra niya ang paperbag sa mukha ko at agad ko namang kinuha 'yun. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang Chocolate Chip Frappuccino at flat bread. Favorite ko 'to!

"Wow... Thank you!" sabi ko.

He really brought me breakfast? Nice. Pwede na. Medyo natututo na siya ha!

"'Di ka nag-rereply sa'kin. Tss." he said and pouted. Pabebeng Mac & Cheese!

Agad kong inilabas ang phone ko. "Ito na mag-rereply na." sabi ko para hindi na siya magtampo.

Nagtatype pa lang ako ay agad niya nang hinablot ang phone ko.

"Mac & Cheese ang name ko sa phone mo? Hmp." reklamo niya sabay balik no'ng phone ko.

Napakamot ako ng ulo. "Ay... Sorry na! Iibahin ko na lang."

"Dapat sweet." he demanded and my jaw just dropped.

Kung makapag-demand ha! 30% pa lang niya ako gusto ng lagay na 'yan...

"Sweet? Bakit ano ba name ko sa phone mo?" I asked him. I'm suddenly so curious!

Ilang saglit pa kaming nagpilitan bago ko nakuha ang phone niya.

Nanlaki ang mata ko sa pangalan ko roon sa phone ni Mackenzee.

PARROT

Iyon ang nakita ko at all caps pa! Jusko! Nasaan ang sweet diyan?!

"Grabe ka naman! Gusto mo pa sweet, tapos 'yong name ko sa'yo ganyan!" giit ko.

"Cute kaya." sabi niya pa, pero inirapan ko lang siya.

Naglalakad na kami ngayon papunta sa campus. Pwede naman kaming mag-cart, pero naglakad na lang kami para mas matagal.

More landi more fun! Charot lang. Si Mac pa ba? Ni hindi mo malandi ng maayos, eh.

"Pinalitan ko na 'yung name mo." sabi ko sabay pakita sa kanya ng phone ko.

Kenzee

Iyon ang ipinalit ko. "Halos lahat Mac ang tawag sa'yo, eh. Para unique ako." I told him.

Bigla siyang napahinto. "May problema ba?" tanong ko pa.

"Iniisip ko lang 'yung ilalagay kong name sa'yo... Gusto ko sana 'Li' kaso tinatawag ka ng gano'n ni Shawn. Tss." aniya.

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon