Chapter 36

35.3K 1.9K 3.1K
                                    


Chapter 36

Help

I'm shaking and I can't breathe. Dali-dali kong kinuha ang phone ko, nanginginig ang mga kamay na i-dinial ang number ni Arthur.

"A-Arthur," sabi ko nang sumagot siya sa kabilang linya. "I need help... Pwede mo ba ako sunduin? Nandito lang ako malapit sa bahay, nasa loob ng kotse ni Mac. Some people took him and I don't know what to do."

Pagkababa ng tawag ay panay na ang iyak ko. Arthur is immediately outside and knocking on the car door. Agad akong lumabas at napayakap sa kanya dahil sa takot.

"T-they took him, Art... They took him," saad ko. Hirap na hirap ikalma ang sarili.

I saw it with both of my eyes. I saw how they knocked him down... I saw it all.

Panay ang paghagod ni Art sa likuran ko. "It's not safe if you'll go home... Baka bumalik kung sino man ang mga 'yun."

"Sabi ni Mac baka tauhan ng parents niya," I told Art. What's the purpose of that? Hindi ko maintindihan...

"You can stay with me," ani Art. "Kami lang naman ni Ate Meg ang nasa bahay... You can use the guest room."

Tumango-tango ako tapos ay inalalayaan na ako ni Arthur papunta sa kanila. Nanghihina pa rin ang buong katawan ko dahil sa nangyari.

"Upo ka muna," Art said and pointed at their couch. "Ayusin ko lang 'yong guest room at hiraman din kita ng damit kay Ate."

Pag-alis ni Art ay napayuko na lamang ako at napahawak sa aking ulo. What will I do now? I don't even have Mac's number... How can I even contact him? How can I even ask if he's okay? There's nothing I could do!

Ang luha sa aking mga mata ay wala nang tigil. Bakit ganoon? Bakit parang wala akong karapatan maging masaya? We were just starting again and this is what happened.

It's so scary to be happy... Because every time I get the chance, the world seems to throw shit and wants me to be sad right after.

It's like the world wanted to drain me with everything that I had.

"Gwy," si Ate Megan iyon at inabot sa akin iyong pares ng damit. "What happened? I-Is there something bad happened to Luke?"

I tried so hard to stop my tears but I just can't. "S-some people took him."

"Is he okay?" tanong pa ni Ate Megan. Dinig sa boses niya ang pag-aalala.

Agad akong umiling. "T-they hurt him, Ate..." I said and cried once more.

"Oh God," si Ate Megan at napahawak siya sa kanyang bibig dahil sa pagkagulat.

"Ate Meg, pagpahingahin na natin si Gwy," sabi ni Art tapos ay inalalayan na ako.

"T-Thank you sa damit, Ate..." sabi ko pa.

Umakyat na kami ni Arthur at inihatid niya ako sa guest room. "Rest well, Gwy. Don't think about it so much, we will figure this out, okay? And if those people are really from Mac's parents, I'm sure they wouldn't harm him as much..."

Tumango-tango ako sa kanya. "Thank you, Art."

"Also, I'll contact Emi para sa uniform mo bukas," dagdag niya pa.

Nahirapan akong matulog. Ayaw ko mang isipin ay hindi ko naman mapigilan. Bakit ganoon ang nangyari? Bakit kailangan nilang kunin si Mac ng sapilitan? Bakit kailangan pa nilang saktan siya? Hindi ko maintindihan. Parang sasabog ang ulo ko.

When I woke up, I immediately got outside to see Arthur. Na-contact niya na kaya si Emi para sa uniform na gagamitin ko ngayong araw?

"Art?" tawag ko. Nasaan na kaya siya?

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon