Chapter 8

30.6K 1.9K 1.5K
                                    


Chapter 8

Prison Booth

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil ang lapit namin sa isa't-isa.

"What are you doing?" I asked him.

Kinuha niya iyong panyo niya sa akin. Nagulat ako nang bigla niyang pinunasan ang mga mata ko.

"Maybe those books were true..." aniya habang pinupunasan ang mga mata ko.

"What about?" I asked nervously.

"Sometimes, the people who act the happiest are the ones who are going through the most." he said and handed me again his handkerchief.

Napatitig ako sa kanya. I'm just so speechless because of this side of him... He keeps on surprising me.

He smiled. He never smiled like this to me!

"Aayusin ko na ang equations." he said and laughed a bit. "'Wag ka na umiyak."

Natawa naman ako roon. "Dapat lang." sabi ko pa.

Pinatay ko muna ang phone ko dahil ayaw ko munang mag-isip sa ngayon. I don't have enough strength to deal with my Dad right now. I just can't. I'm so fragile about it.

And you know what's worst? I can't even tell anyone... I should just keep all the struggle myself. Only if my Lola is alive, it won't be like this.

Tahimik lang ako kahit pa roon sa opening ng School Fair. Everyone is shouting for Kairon and Shawn who is performing on stage and I can't even clap my hands.

How frustrating can my life be? Baka sa isang araw, hindi na ako estudyante rito dahil sa banta ng Daddy.

Siguro, I'll just enjoy while I'm still here... While I still can.

Pagkatapos ng opening ay dumiretso na ako sa Math Club. Kailangan na namin ni Mac maayos ang lahat dahil mamaya ay magsisipuntahan na roon ang mga estudyanteng gustong sumali.

Inalog ko ang sarili. "Tama na ang lungkot ha?" I told myself and went to the room, ready for a busy day.

I saw Mac there working with the placards.

"K-kanina ka pa nandito?" I asked him. I forgot about his handkerchief! Hindi ko nalabhan...

Nag-angat siya ng tingin. "Yeah... Made these."

Inabot niya naman sa akin iyong mga placards na ginawa niya. Maigi kong tinignan ang mga iyon.

How many 1-cm-square stickers are needed to cover a photo box 4 cm long, 3 cm wide, and 5 cm high?

"Wow... Pwede ka naman pala mag-seryoso, eh." sabi ko at namamangha pa rin.

Kasi naman, ang layo nito sa 1 + 1 niya last time!

"I can be serious if I wanted to." he said.

Nginitian ko lang siya at nagpatuloy na rin sa mga pag-aayos dito sa room. For sure, may mga estudyante na ring darating mamaya. Kamusta na kaya sila Paige? Si Andy? Ang mga booths?

Naging busy na kami dahil marami na iyong mga estudyanteng nagsa-sign up. Si Mac kasi ang naka-front kaya siguro nagsisisali sila. Puro babae, eh! Nagtitilian pa! I doubt na dahil sa pagmamahal nila sa Math kaya sila nandito. Pagmamahal kay Mac kamo!

Baka kung may free kiss sa bawat sasali ay mas marami pa ito. Kakaloka!

Nagulat ako nang biglang may mga estudyanteng naka-uniform ng police ang dumating sa room namin. They got Mac first and he's just so chill.

Nang papunta na sa'kin ay tumakbo ako pero nahuli din ako no'ng dalawang pulis-pulisan na Aqua Students. Malalaki sila!

"Is this for prison booth?!" sigaw ko at nagpupumiglas pa.

Hindi sila sumasagot!

"Pwede ba 'to? Paano 'yong club namin? Ang dami pa naming aasikasuhin do'n!" daing ko pa.

Hindi ba exempted ang Student Council dito? Paano na 'yung clubs namin kung ganito? Sino ang mag-aasikaso?

"Leche! Student Council ako! Hindi ito pwede! Exempted dapat kami riyan!" angal ko pa.

Stress na stress ako, pero walang paki itong mga pulis pangkalawakan!

At alam n'yo kung sino ang mas walang paki? Si Mackenzee! Napatingin ako sa kanya at tahimik lang siyang naglalakad, kumpara sa'kin na sobrang ingay with matching pagpupumiglas!

Nakakaloka talaga.

Sino kaya ang pashneang naglista sa amin ni Mac dito?!

Pinosasan pa kaming dalawa pagdating doon sa booth. Isa sa kanang kamay ni Mac at isa naman sa kaliwang kamay ko.

"Wala ka manlang reaksyon? Okay lang 'to sa'yo?!" reklamo ko kay Mac.

Tamad niya akong tinignan. "'Yong pag-iingay mo, may nagawa ba?" he snapped.

Natahimik na lang ako hanggang sa pinasok kami sa isang maliit na tent na magsisilbing prison.

Bakit ba nanalo ang booth na 'to sa poll? Baka ang nag-vote ay iyong mga gusto makasama ang crush nila for 60 minutes! O iyong mga mag-jowang gustong mag-momol dito sa loob! Argh!

Naka-indian sit lang kami ni Mac. Magkadikit kami dahil bukod sa maliit iyong tent, nakaposas kami!

"Nakakainis talaga!" daing ko. "Kung nagsalita ka baka pinakawalan tayo, kaso wala kang pakialam! Paano 'yung club natin ang dami pa namang mga estudyante–"

Natigil ako nang biglang hinawakan ni Mac ang ulo ko at ipinahiga iyon sa balikat niya... Pagkatapos ay ipinatong naman niya ang ulo niya sa ulo ko.

Halos manigas ang buong katawan ko sa kanyang ginawa.

"W-what are you doing?" I asked and my heart is beating extremely fast.

Nakahiga ako ngayon sa balikat niya at hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko.

"It's napping... I want to spend my precious 60 minutes wisely." sabi niya habang nakasandal pa rin ang ulo sa akin.

Of all people, siya pala iyong mystery person na naglulusot ng panyo sa stock room... No wonder, siya lang naman ang mahilig magpunta sa library at malamang may access siya sa special room doon.

It's good that it's him. I'm happy that it's him.

His mere presence comforts me. Iyong kahit hindi ko na sabihin kung bakit ako umiiyak, kung bakit masama ang loob ko, andiyan lang siya.

I really don't know. Kahapon lang para kaming aso't pusa, tapos umiyak ako sa harapan niya, tapos ito na kami.

Dumilat ako at pinakiramdaman siya. "Tulog ka na?" I asked in a short while.

"Tingin mo?" masungit niyang sabi at natawa na lang ako. I'm so used of this side of him.

Ipinikit ko ulit ang aking mga mata. "Alam mo, crush sana kita kaso ang sungit mo..."

Honestly, kung mabait siya, siya ang crush ko at hindi si Shawn. Pero nawawala na rin ang pagka-crush ko kay Shawn dahil nga in love ata siya...

"Ang bata mo pa." Mac said.

"Huh?" takang tanong ko. Hindi ko ma-gets!

"I don't like to date younger girls." aniya at napadilat agad ako.

First, I'm just a year younger than him! And second, date? Date agad agad? Crush pa lang ang sinasabi ko!

"But you can be an exemption..." he said and I've never been confused.

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon