Chapter 9

30.7K 1.7K 1.3K
                                    

#ChasingAfterYouWP

Chapter 9

Date

Agad ako napabangon at napatingin sa kanya. "A-ano?"

I perfectly heard everything that he said. I just want him to clear it!

"60 minutes. Times up." he said after looking at his watch.

Ni hindi ko na namalayan na naka isang oras na kami. Ang bilis naman!

Tatayo na sana kami ni Mac pero biglang may sumigaw sa labas. "Walang lalabas! Extended, 30 minutes!"

Jusko. Seryoso ba?!

I sighed after I heard it.

Si Mac ay tahimik lang at nag-iiwas tingin sa akin. It's suddenly so awkward!

Isinandal ko ang ulo sa mga tuhod ko. Ano 'yong sinabi niya? I need clarity! He said that he doesn't like to date younger girls, but he also said that I'm an exemption... Sinasabi niya ba na pwede kaming mag-date? Gusto niya ba ako?

Bumangon ako at lumingon sa kanya. Nakapikit ang mga mata niya. Is he seriously sleeping?

"Mac..." tawag ko. "Tulog ka ba?"

Wala siyang imik. Tulog na nga siguro siya.

I took a deep breath and looked at him intently. He's sleeping peacefully. Ang cute cute niya pag natutulog. Mukhang maamong kambing na naka salamin.

"May gusto ka ba sa'kin?" tanong ko sa tulog na si Mac.

Nanlaki ang mga mata ko nang bigla siyang dumilat. Halos atakihin ako ro'n!

"Wag mong bigyan ng meaning." he said in a serious tone. "Hindi naman kita gusto talaga..."

Kumunot ang noo ko at kabadong tumango-tango. "Ah, okay–"

"Ganito..." he started and took a deep breath. "Gusto kita, pero konti lang."

Napalunok ako roon sa sinabi niya. Ginamit pa niya iyong isang kamay niya para mapakita pa sa'kin kung gaano iyon kakonti!

Naningkit ang mga mata ko. "Ha?"

"Kumbaga sa 100 percent, gusto lang kita ng mga 30 percent. 'Yong 70 percent–"

"Ba't kasi ine-explain mo pa 'yon!" pagputol ko sa kanya dahil hindi ako makapaniwalang sinasabi niya talaga ito sa akin.

Detailed talaga?! Sa libro niya ba nakuha ang percent percent na 'to?

"Kasi baka isipin mong gusto talaga kita!" giit niya pa.

Magsasalita pa sana ako nang biglang bumukas ang tent. "Times up!" sabi no'ng isang Aqua na pulis-pulisan.

Pagkatanggal na pagkatanggal ng posas ay dali-dali na akong naglakad palayo sa Prison Booth at palayo kay Mac.

Nakakahiya kasi at baka makita pa ni Mac na namumula ako o ano man! I can't believe this! I've never felt this way before! Ano ba 'to?

Bakit ang bilis-bilis ng tibok ng puso ko at bakit parang may mga malalanding paru-paro sa tiyan ko?

30% lang naman niya ako gusto pero parang aatakihin na ako!

Bakit parang may mga sparks na lang bigla? No'ng nakaraan lang kinamumuhian ko siya! Damn it! I hate this feeling!

Today is the last day of the School Fair and I can't pull myself together. Natatakot akong pumunta sa Math Club dahil alam kong nandoon si Mac!

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon