Chapter 12

28K 1.5K 692
                                    


Chapter 12

Gun

Mac immediately wrapped his arms around me and Stephanie. Andy got Thea, while Kairon is with Paige.

"Kairon! Andy! Mac!" sigaw no'ng head security at binigyan ng kanya kanyang baril ang tatlo. "Iputok kung kinakailangan! Takbo na! Bilis!"

Sobra akong natatakot. Gusto kong kunin ang cellphone ko para tawagan ang Daddy... Na sana itigil niya na ang kahibangang ito kung siya nga ang may pakana nito. Kaso hindi ko na iyon magawa dahil nagkakagulo na.

Men wearing masks were approaching and all we can do is run.

Nakikipagpalitan ng bala ang mga body guards namin. Mac is covering me and Steph. Stephanie is crying so hard while all I could do is run and pray.

Takbo lang kami ng takbo. I am holding my breath. Ang gulo-gulo na ng mga pangyayari.

My breathing hitched when Mac said that he needed to use the gun.

"This is bullshit!" sigaw ni Mac at nagpakawala na ng bala sa mga kalaban. Napapikit na lang ako at napayakap sa kanya.

Nakakabingi ang bawat pagputok.

"We need to hide. Hindi na 'to kaya." hingal na sabi ni Mac.

Nanlaki ang mga mata ko nang makitang nawawala na si Stephanie. "Where is Steph?" I worriedly asked Mac.

"Shit! I lost her!" Mac said and covered me.

The rain is pouring and it's getting stronger. Everything is getting blurry!

Tumakbo pa kaming dalawa ni Mac hanggang sa nakapagtago kami sa isang gusaling mukhang abandunado na.

Basang-basa na kami ngayon pero hindi na namin ininda pa iyon. It's a matter of life and death.

Hindi ko na alam kung nasaan ang ibang mga kasamahan. Takot na takot na ako ngayon.

"Stay here, Lia. I need to find Stephanie..." Mac said. Naiyak na ako ngayon sa takot. I've never been so scared all my life. "I'll be back, I promise."

Dahan-dahan akong tumango. "Mag-iingat ka, please."

"'Wag na 'wag kang aalis dito... Kung hindi man ako makabalik, hide until the rescuers come, do you understand, Li?" Mac asked and now I'm crying so hard.

"Li, promise me first. Stay here." he asked again and I nodded.

I am so scared for him, for everyone.

"In case anything happens, you know what to do." he said and handed me his gun.

"N-no! Papaano ka? Hindi ka pwedeng sumugod do'n ng walang armas!" sigaw ko.

"I can manage, Li. Please keep this. Mas mapapanatag ako pag nasa'yo  yan." he said and held my face.

He tried his best to smile at me even though fear is eminent in his eyes. "Ingatan mo ang sarili mo, mamalin pa kita."

Panay ang iyak ko at tumango na sa kanya.

Bumalik ka ng ligtas, Mackenzee. Kasi ako? Mahal na ata kita.

Mac left without a gun and I prayed so hard that no one will get hurt.

"Drop your gun!" Agad nanlamig ang buong sistema ko nang makarinig ng boses sa likuran.

Dahan-dahan akong humarap sa kung sino man iyon.

"I said drop your fucking gun!" the man shouted.

Sa takot na barilin niya ako ay mabilis kong itinapon ang baril na hawak ko.

I'm crying non-stop. My heart is racing violently and my knees are shaking like mad.

"Found her, Sir." the man wearing a black mask said. He's tall too.

Itinaas ko pa ang dalawang mga kamay ko.

"Hi, princess." I heard when the man put the call on speakers.

Nang marining ko ang mga katagang iyon ay tuluyan na akong nanghina. My knees felt so weak that it hit the floor.

It was really him. I can't believe it.

"Do you seriously think that you can lie to me that easily? Well, you are wrong." Dad said on the other line. "I think, Aurelia. I think hard."

Panay na ang iyak ko ngayon. Hindi na sa takot. Kung hindi sa galit, pagkamuhi, sama ng loob, at kung anu-ano pa.

"Stop this madness, Dad! Please! Tama na!" sigaw ko.

"Do you want your friends to be safe and alive?" Dad asked and I can't even speak. "Then don't betray me ever again."

Nagpupuyos ang damdamin ko sa matinding galit. Who is this man? He's not a father, but a demon!

"What do you want me to do, Sir?" the tall man asked.

"Just a little scratch so no one will suspect her." Dad said.

Ilang saglit lang ay lumapit na iyong malaking lalaki at itinapat ang baril niya sa akin.

"No, please..." pagmamakaawa ko.

I immediately got up.

Tatakbo na sana ako nang bigla niyang pinaputok ang kanyang baril at ilang saglit lang ay naramdaman ko na ang halong sakit at pamamanhid sa kanang binti ko.

I screamed so hard because of the numbing pain. The man ran and I was left there, alone... with so much blood all over me.

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon