Chapter 4

37.1K 1.7K 527
                                    


Chapter 4

Behind the ambush

Nilabhan ko iyong panyo tapos ay inilagay ko sa isang maliit na paperbag. Nilagyan ko rin iyon ng sticky note.

Thank you! It means a lot :)

Iyon ang isinulat ko sa note.

Maaga pa at wala pang tao masyado sa hallway. Hindi ko rin alam kung makikita pa ito no'ng taong nagbigay sa akin. O baka nga hindi talaga binigay, eh. Baka nasipa lang sa pinto? Bahala na nga!

Pumasok ulit ako sa storage room tapos ay isinuksok iyong paperbag sa ilalim ng pinto na connecting sa library.

Ang alam ko kasi, special room iyon sa library at laging naka-lock. Kaya naman hindi ko na binalak na pumasok mismo roon para isauli.

Today will be a busy one for the student council. Kailangan kasing pag-meetingan iyong tungkol sa Day Tour.

Ayon sa Headmistress, tradisyon na ang once a year day tour sa academy. Fully secured naman at rerentahan din ang buong lugar para siguradong walang ibang mga tao.

Nagpunta na ako sa SCO dala-dala ang favorite kong Chocolate Chip Cream Frappuccino.

Almost everyone is already present, except the Commander. He is never late... Anong meron ngayong araw?

"I just want you all to know that Kairon Gonzalez was temporarily suspended in the council. Since VP Beau is not yet present, I would like to assign Shawn to take the Commander's post for the mean time." anang Headmistress.

Kumunot ang noo ko sa narinig. Nasuspend si Kairon? Wait... seriously? Bakit? Is it about Paige?

Naku! Chichikahin ko si Paige mamaya!

On the other hand, medyo naghugis puso ang mga mata ko nang tumayo si Shawn Mercado. His curly hair is so damn sexy. Damn it! Umayos ka, Aurelia!

"It's an honor, Ma'am. But I'm sorry, I don't like to take my friend's position. I think Mac would be a better fit." Shawn said. Kahit ang boses niya, maganda!

And how nice of him to be so humble and not take his friend's position! Instead, pinaubaya sa senior! Pinaubaya rito kay Manong Snob!

"Mac, I would like you to lead the Student Council for this day tour. Plan this very carefully and send me the data this evening." ani Mrs. Montecillo.

Wala nang nagawa si Mac kung hindi ang pumayag dahil mukha namang wala na siyang choice.

Panay lang ang hilot ni Manong sa kanyang kilay habang binabasa iyong papel na binigay ni Mrs. Montecillo.

"Mac, mag-memeeting pa ba tayo?" natatawang tanong ni Andy.

Kanina pa kami hindi nagsisimula. Paubos na itong frap ko pero tahimik pa rin itong si Mac & Cheese! Gwapong cute talaga siya pagtahimik! Hmp!

He sighed and got his pen. "I will approve the one in Batangas for the Day Tour." anito.

"I like that too!" ani Thea.

"Same, siz!" hirit ni Andy.

Tahimik lamang akong nag-oobserba. Seniors know better than us since they've experienced Day Tour before already.

"How many securities shall we put?" Shawn asked.

The meeting continued and I wrote everything on my notebook.

Pagkadating sa kwarto ay agad akong tumalon sa kama. I'm so tired. Halos 5 hours kaming nagmeeting! Crazy!

I got my phone and immediately texted my Dad about it. I think he needs to know about the Day Tour, right?

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon