Chapter 34

33.7K 1.7K 2K
                                    


Chapter 34

Hug

"Y-You know me?" I asked him.

"Always," aniya at mas lalo akong naiyak doon.

Yinakap ko siya sa pinaka mahigpit na kaya ko. I miss him so much. "A-Akala ko nalimutan mo na ako... Akala ko ayaw mo na akong makita."

He put his chin over my head. "How can I even do that? How can I even let go of someone who became my life?"

Ibinaon ko pa lalo ang mukha ko sa dibdib niya. "Can you say my name again?"

"Lia," he called. "Ikaw 'yong buhay ko, 'di ba?"

My heart is beating extremely fast and I never felt so good. Parang iyong nagunaw na mundo ko, unti-unting nabubuo.

Nagulat ako nang bigla niyang tinanggal ang coat niya at binuksan ang polo. Nanlaki ang aking mga mata nang makita kung ano iyong suot niya sa loob.

"Olaf..." I whispered with my teary eyes. He's wearing an Olaf jumpsuit inside, I can't believe it.

I thought I was here to remind him all of those things from the past, but all along he's with me, remembering it all.

He smiled. "I'll always be your Olaf," aniya at muli akong kinulong sa mga bisig niya.

Iyong yakap na parang ayaw mo nang kumawala pa... Ganoon.

"Let me take you home," Mac said. "You look exhausted... Anong nangyari sa pintuan? Did you lock it accidentally?"

Umiling ako. "Alam ko, iniwan ko naman siyang bumukas. May narinig akong yapak kaya pumasok ako sa cubicle, tapos paglabas ko naka-lock na," I told him.

Kumunot ang noo ni Mac. Tila malalim ang iniisip. "Why do I feel like someone purposely locked you inside? I'll ask for the CCTV–"

"Just please take me home," I told Mac. I am really exhausted and all I want is to be with him.

Aksidente lang naman siguro ang pagkakasarado no'ng puntuan. Who would even lock me there? Wala naman akong kaaway! Kung mayroon mang may galit sa akin, si Nova lang...

Mac and I went outside. Ni hindi ko na binalikan ang mga gamit ko. I'll just borrow Mac's phone to contact Art and Emi.

"May mga tricycle roon–" Natigil ako nang biglang may tumunog na kotse tapos ay binuksan iyon ni Mac.

"I-I thought Sir Luke doesn't have a car," saad ko at namangha sa kulay puti niyang Bentley.

He chuckled. "But Mackenzee has," aniya.

Mac drove and he knows the direction very well kahit isang beses lang naman niya akong nahatid sa bahay.

"Your house is nice," aniya pagdating namin sa bahay.

"Kay Lola..." sagot ko tapos ay pumasok na kaming dalawa sa loob.

"I know," sabi naman niya.

Agad kumunot ang noo ko. "Alam mo?"

"Li, I spent a year finding you. I know everything..." aniya at muli na namang nagwala ang puso ko.

"Y-You really did find me," saad ko at napatitig na lang ako sa kanya. I just feel so happy right now.

Lumapit siya sa akin at muli akong yinakap tapos ay ipinatong niya ang kanyang ulo sa balikat ko. Ramdam ko iyong malalim niyang paghinga. "Akala ko hindi na kita makikita... Iniisip ko pa lang, pakiramdam ko, mababaliw ako."

When I felt my shoulder starting to get wet, parang nalukot ang puso ko. Don't cry, my Kenzee. Hindi na ako aalis.

Niyakap ko siya pabalik at nanatili kami sa ganoong posisyon nang matagal.

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon