Chapter 21

30.6K 1.6K 995
                                    


Chapter 21

Amphi

Nanlaki ang mga mata ko nang biglang umakbay si Mackenzee sa akin. "I've been looking everywhere for you." aniya.

"A-ah... Eh, ipapasa ko kasi 'to sa Headmistress." ni hindi ko madiretso ang sasabihin.

How dare he mess with my feelings? Baby?!

Awkward naman akong napatingin kay Arthur. Hindi ko alam bakit ang sama ng tingin ni Mac sa tao, eh!

"Ah... Sige, Lia. Una na 'ko. Nice meeting you." Arthur said and walked away.

Napalunok ako nang naiwan na lang kaming dalawa ni Mac. I don't know how I can even pull myself up after he called me that!

"Why did he hold your hand?" he asked and pouted.

Agad naman akong kinabahan. Baka magtampo na naman siya, mapapaluto talaga ako ng isang bilaong sushi nito! My gosh!

"Ako nga 'di ko pa nahahawakan kamay mo tapos siya–" Natigil ang litanya ni Mac De Guzman nang hinawakan ko ang kamay niya. Our fingers are now intertwined.

"What are you saying again?" I asked him. Ang laki pa ng ngiti ko.

Malalim siyang huminga at mabilis na umiling. "'La po, Ma'am."

Natawa ako at nagpasama na sa kanya sa opisina ni Mrs. Montecillo. Iyan ang gusto ko, mabilis kausap!

Ganito pala ang feeling ng may ka-holding hands? Sarap! Wala siguro 'tong ginagawa si Mac? Sobrang lambot ng kamay! Sabagay, libro lang ang laging hawak!

Malapit na ang Halloween Party. Sobrang busy na ng buong Student Council sa pagpe-prepare ng lahat. Busy din akong isipin kung ano ang costume na ipapasuot kay Mackenzee.

Ang gusto niya kasi, partner ang costume naming dalawa. I'll be Elsa. Eh, wala namang partner si Elsa roon sa Frozen!

Agad akong nag-isip ng mabuti. Hindi naman siya pwede maging si Prince Hans dahil salbahe 'yun... Hindi rin naman pwede si Kristoff!

To: Kenzeelito

Kenzeeeeeeeee! May naisip na ako hehe

Iyon ang text ko sa kanya. Hindi naman siguro siya magagalit? Siya naman ang may gustong pumartner sa'kin!

From: Kenzeelito

Who?

Reply niya kaya mabilis kong itinipa ang naisip.

To: Kenzeelito

Pili ka. Si Anna o si Olaf? Hehe

Ang close lang naman ni Elsa roon ay si Anna at si Olaf! Pili na lang siya?

From: Kenzeelito

Wtf?

Wtf wtf pa siya riyan?! Pasalamat nga siya ay binigyan ko pa siya ng choices, eh!

To: Kenzeelito

Pipili ka o pipili ka

Text ko sa kanya. Ginagalit ako, eh!

From: Kenzeelito

Kumati sana likod mo tas di mo makamot

Aba! Talagang ginagalit ako nitong Kenzeelito na 'to ha! Mag-rereply na sana ako sa kanya ng angry emojis pero biglang may text ulit na dumating.

From: Kenzeelito

Joke... Ge na! Olaf na lang!

Aba aba! Makagamit naman ng explanation point 'to!

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon