Chapter 20

31.8K 1.7K 1K
                                    


Chapter 20

Cupcake

Hindi ako pinapansin ni Mac. Sinagot ko lang naman 'yong tanong niya, eh!

Dahil nga baka nagtatampo pa rin siya, napagdesisyunan kong gumawa ng California Maki. It's his favorite. Bumili pa ako ng ingredients sa GA Mall. Sa totoo lang, wala naman akong alam kung papaano gumawa no'n. Thanks to Youtube at may natutunan ako!

From: Kenzee

Sabay na tayo punta SCO.

Nanlaki ang mga mata ko roon sa text niya. Ay, oo nga pala! May meeting ang Student Council ngayon para sa next event.

Napapangiti ako habang nagtitipa ng mensahe para kay Mackenzee. Hindi rin pala niya ako matitiis!

To: Kenzee

Akala ko nagtatampo ka...

Inilagay ko na sa bag ko ang tupperware na may lamang Maki at saka lumabas na ng kwarto.

From: Kenzee

Medj. Pero susunduin pa rin kita.

Huh? Ano raw? Medj? Ano 'yon 'medyo nagtatampo ganoon?

Tamad na nga magsalita in real life, pati pag-tetext tamad din!

Nakita ko na agad si Mac sa labas ng Terra Building pagbaba ko pa lang ng elevator. Napapangiti na lang ako na parang tanga. Nagtatampo pero manunundo rin pala... Only Mackenzee!

"Mac." tawag ko at agad siyang bumaling sa akin.

Ang sama kung makatingin! Akala mo talaga ay nagtaksil ako sa kanya! "Tara na." he said and snatched my bag. "Ako na 'to."

Nakatingin lang ako sa pink kong shoulder bag na nasa balikat niya. "Aw... Kenzeelito." sabi ko at pinisil ang pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay.

"'Nu ba..." reklamo pa niya.

"Ang cute mo!" sabi ko at kinurot ulit ang pisngi niya.

"Tss... Pag si Shawn at Jax gwapo, pag ako cute lang?" giit niya pa at naglakad na. Ayan na naman! Nababaliw na naman!

Hinabol ko agad siya.

"Cute means attractive in a pretty or endearing way..." sabi ko habang binabasa iyon sa dictionary rito sa phone ko.

Dikit ang kilay niya nang harapin ulit ako. "Do you know that the real meaning of  cute is ugly but presentable? Tss..." aniya.

Hala! Saan na naman niya nabasa 'yan?! Basa kasi ng basa, eh!

"Tara nga, kain na lang tayo." sabi ko dahil mamaya pa naman ang meeting. Sumunod lang siya sa akin.

Nang nasa canteen na kami ay kinuha ko ang bag ko sa kanya at inilabas iyong ginawa kong Maki.

"Oh..." sabi ko sabay abot sa kanya 'nong tupperware.

Binuksan niya iyon at nakita ko kung papaano nanlaki ang mga mata niya. "Gawa ko 'yan para sa'yo... 'Wag ka na magtampo."

"Gawa mo? Legit?" he asked. Parang hindi pa naniniwala, eh!

"Tikman mo." sabi ko pa.

Excited siyang tumikhim ng isa. "It's good..." he said while still munching.

"Bati na tayo?" tanong ko pa.

"Scammer..." he said and pouted. "You're bribing me with food."

Natawa ako roon. "That's the whole point. Ayaw mo kasi ako pansinin, eh!"

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon