Chapter 22

30.4K 1.7K 1.2K
                                    

#BadForYouWP

Chapter 22

Frozen

Anong trip no'ng dalawa at kailan pa sila nagkasundo?

Napailing na lang ako at tumulong na rin sa mga kasamahan.

"Kanina pa kita hinahanap!" Paige shouted to Jax.

"Kanina ko pa rin hinahanap ang pinto." sabi naman ni Jax. Natawa na lang kami sa kanya.

Sinimulan na namin ang pag-aayos sa stage. Nag-cucut out na ng letters si Andy, Stephanie, at Ate Thea. Ang mga boys naman ang nakatoka sa malaking kurtinang ilalagay sa harapan ng stage at iba pang mabibigat na equipments. Kami naman ni Paige at ang sumaling si Jax, nag-asikaso ng mga balloons.

"Magbuhat ka kaya, Pereira! Puro ka ihip diyan!" pambubuyo ni Beau.

"Oo nga." sabay-sabay pa na sabi ni Kairon, Lancer, at Mackenzee.

"Anak ng tinolang manok!" bulyaw ni Jax at tumayo na rin.

Nagtinginan na lang kaming dalawa ni Paige at natawa rin. Bakit ba nila binubully si Jaxith?

Nakahiga na ako sa kama nang tinawagan ako ni Paige. Tinanong niya ako kung ano ang isusuot ko. I told her that I'll be Elsa, siya naman ay si Sam sa A Cinderella Story.

"Oh yes, yes! The white gown and mask? That's nice!" I said.

"Kaya lang maghahanap pa ako, eh. Pwede mo ba akong samahan bukas?" she asked.

"Sure! I'd love to!" sabi ko naman agad. "Pero wait... Since you'll be Sam Montgomery or Cinderella, who will be your Austin Ames aka Prince Charming?"

"Wala!" mabilis niyang sagot. Natawa naman ako.

"How about your Kuya Beau or Jax?" tanong ko.

It'll be nice kung may partner siya. Ako nga, kahit wala namang partner si Elsa, ginawan na lang ng paraan dahil ang kulit ni Mackenzee!

"Naku. As if namang papayag 'yong dalawang 'yon." aniya.

"Malay mo!" giit ko pa.

"I already tried, okay! Itong si Kuya Beau, sabi ko sa kanya mag Prince Charming costume siya. Aba, ayaw! May costume na raw siya. No'ng tinanong ko naman kung ano, ayaw sabihin at baka partneran ko raw siya. Ibang klase talaga!"

Natawa naman ako. "How about Jax?"

"Isa pa 'yun! Masyadong competitive. Ayaw niya raw ng may kamatchy-matchy."

Mas lalo akong natawa. "Eh, ano raw ang isusuot niya?"

"Iyong bidang lalaki raw na Zombie sa pelikulang Warm Bodies." sabi ni Paige na tila naiinis. "Bahala siya riyan."

Panay ang tawa ko nang may biglang naalala. "Ay alam ko na! Si Lancer?" I asked.

Lancer confessed that he likes Paige when we played Guilty Plea on the Bonfire Night. He's a bit drunk already... But we all know that when a person is drunk, the more he or she tells their true feelings.

"No. I won't ask him... Basta bukas, ah. Samahan mo ako."

Pagbaba ng tawag ay napaisip na lang ako. I will always root for Kairon and Paige... But Lancer is a whole new level too.

Agad akong lumabas ng kwarto ko at pinuntahan ang kwarto ni Lance. Panay ang katok ko hanggang bumukas ang pinto.

"May isusuot ka na para sa Halloween?" I asked him.

Tinuro lang niya iyong cabinet niya na may nakasabit na Pikachu body suit. Umawang ang bibig ko. Jusmiyo!

"Seryoso? Mag-pipikachu ka? Utang na loob naman, Lance!" sabi ko.

Bad For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon