Inis na inis si Amora.Paanoy ipinanik pa siya ni Graham sa 4x4 ni Alech.Parang pakiramdam ng dalaga'y itinatrato siya nitong parang bataDahil ba 5flat lang siya?At itoy mga sa tantya niya ay mga 5'11.Kahit na.Wala parin itong karapatan na ganunin siya.
Hindi pa natapos doon.Sa laki nito'y siniksik pa siya sa dulo.Hinayaan niya nalang ang lahat.Sinabi niya sa sariling matatapos din ito.
"Taga saan ka,Amora?"
Tanong ni Alech."Taga Dunggalo lang po."
Ah,malapit ka pala sa tinutuluyan ni Graham.Nanahimik lang siya sa sinabi nito.
"Ikaw naman Graham,bakit hindi mo nalang ginamit yung motor mo?Iniwan mo pa sa bahay,alam mo namang alergic ang mga tao sa atin doon."
"Tinatamad akong mag motor ngayon isa pa'y inaantok nako.Baka kung ano pang mangyari sa akin ay mahirap na."
Napatingin ito sa kanya.Wala parin siyang imik na kunwa ay napatingin sa labas.
Nagulat siya ng lalong sumiksik ito sa kanya at ginawang unan ang kanyang balikat humaplos pa doon bahagya ang labi nito.Nanigas siya,hindi dahil sa kung ano paman kung hindi dahil sa sobrang pagkailang sa hindi niya inaasahan.Hindi pa nasasayaran ng kung sinong lalaki iyon.Lumayo siya rito sa ginawa nito.
"Stay.Magagalit ako sister."
Bumunghalit ng tawa ang nag da drive na si Alech sa sinabi ni Graham.
"Pagpasensiyahan mo na iyan Amora,ganyan iyan sa taong palagay ang loob niya.Hindi ganyan 'yan sa iba."
Hindi parin siya kumikibo ngunit lumalaban ang kanyang kalooban sa mga ginagawa ng lalaki.Feeling niya kasi'y hindi siya iginagalang nito.
At tinotoo nito ang sinabi.Pakiramdam niya'y nakatulog talaga ito.
Nag uusap sila ni Alech ng kung ano ano lang habang nag da drive ito.
Hanggang sa makarating na sila sa malapit sa unang kanto ng bahay niya.Pinatigil na niya ito at hindi niya tuloy malaman kung paano niya gigisingin ang lalaki sa tabi niya.Lumayo siya ng dahan dahan rito at kasabay niyon ay humawak naman ito sa baywang niya.Nanlaki ang kanyang mga mata sa ginawa nito kaya nangi elam na si Alech at tinapik ang lalaki."Hey tol,gising na."
Pupungas pungas ito na napatingin sa kanya.
"A-Alis na ako maraming salamat sa inyong dalawa."
Tumango si Alech at nanatiling nakatitig lang sa kanya si Graham at napabilis ang ibis niya ng makita niyang kinindatan siya nito.
Habang naglalakad pauwi si Amora ay hindi niya naiwasang mag isip.
Bwisit na lalaking iyon!Anong palagay niya sa akin?Gwapo nga pero masyadong presko!Hindi bale, sa mga panahong ito na malamig,bihira ang namamatay kung baga hindi peak season ngayon.Siguro naman ay hindi na siya pagkaka abalahang tawagan pa nito.Pero paano ang kita niya?Ah,tutal tanggap na niya na ang trabaho niya'y seasonal lang kung baga.Meaning, maaaring magkaroon maaari ding hindi.
Nang nasa tapat na siya ng bahay niya ay napabuntunghininga na lang siya.Paano ba nama'y kung titingnan sana ay napaka peaceful,sa loob kasi iyon.Siya lang yata ang naiwan na may mga puno sa buong bahay na nakapalibot.Kasi'y talagang pinanatili iyon ng mga magulang niya.Malaki ang Solar nila siguro'y nasa 300 metro kudrado pwera pa ang bungalo.
Ok na sana ang labas,kaya niyang imaintain kaso ang bahay?Kitang kita sa ilalim ng buwan na kailangan ng pinturahan.At ang bubungan halata na ang ilang piraso nito na nakanganga na.Di bale malaki laki na ang kinita niya.Bukas na bukas di'y hahanap na siya ng kokontrata.

BINABASA MO ANG
Tres Bastardos
RomanceThe three prodigal sons: This Story is about the Cordova Brother's,Graham,Drako and Zebh.The three Eligitimate Child of Cordova's.Came from the same seed but not in the same womb.Different personalities but they have one thing in common.A hit and...