Halos isumpa ni Amora ang araw na iyon dahil sa lalaki.
Matapos silang lumipad,na eksaktong eksakto sa sinabi nito'y inalalayan ulit siya nitong makababa ng motor.
Nagtatakang may kahalong panic na napatingin si Amora sa lalaki.
"O,bago ka mag isip ng masama at matakot sa akin,uunahan na kita.Kahit gas-gas na 'tong salita na ito'y,mag uusap lang tayo wala ng iba.Kung gusto mong makasigurado'y magtanong ka sa information para malaman mong dito ako nakatira."
Sabi ng lalaki sa kanya.Napilitan si Amorang bahagyang ngumiti ng alanganin rito at pagkatapos ay biglang tinanaw ang napakataas na building.
Tama ang sabi ng kaibigan ng lalaki na malapit lang ito sa lugar niya ngunit kung patakbuhin nito ang motor ay tila sa probinsiya pa ito nakatira.Napasulyap siya sa lalaki at kitang kita niya ang mapupungay nitong mga mata na tila laging nangungusap na pinaghalong nang iinis.Sa madalit salita ay bruskong adelentado.Bakit ba'y hindi man lang siya tinanong at kinuha man lang sana ang desisyon niyang makapamili ng lugar kung saan niya gusto.
Naputol ang kanyang pag didili-dili ng hawakan siya nito sa braso at hatakin upang maisabay siya sa pagpasok.
Isa rin iyon sa ikinaiinis niya rito.Nang nakapasok na sila sa loob ay kandahaba ang leeg niya sa pagtanaw sa desk kung saan sinabi nito na pwede siyang magtanong na hindi naman nito hinayaang magawa pa niya dahil akay akay siya nito sa isa niyang braso na akala mo'y bitbit siya sa isang kamay.Napa simangot siya.
Nakatutok ang kanyang mga mata sa numero sa itaas ng pinto ng elevator dahil alam niyang tinitingnan parin siya ng lalaki at ang mas nakakailang ay hindi parin nito binibitiwan ang kanyang braso.Huminto sila sa bandang dulo na pinto at nakita niyang pinindot pindot ng lalaki ang digital lock door nito.
Bago palamang siya papasok ay naaamoy na niya ang amoy ng mint at pinaghalong pabango ng lalaki sa buong kabahayan.
Malaki,mabango at maayos ang kabuuan.Kagaya ito sa mga napapanuod niya sa telebisyon na walang tulak kabigin sa ganda ng loob at sa bango."Kumain muna tayo."
Pagkasabi nito niyon ay nakita niyang tumawag sa telepono ang lalaki at naulinigan niyang umorder ito ng pagkain.Umupo si Amora sa malaki at itim nitong sofa dahil mukhang nakalimutan na nitong ialok iyon.Nangahas na siya dahil kanina pa nanlalambot ang kanyang tuhod sa tensiyon.
Paanong hindi ka matetensiyon,e katensiyon tensiyon ang lalaki.
Inilibot niya ang paningin at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya ang malaking letrato nito sa tabi ng television.Masyadong daring ang kuha ng mismong lalaki sa larawan.Hubad ito pero puro kalahati ang kuha at nakatago ang dapat itago.
Nangalisag ang kanyang mga balahibo."Pasensiya kana at hindi ako nakapaghanda."
Lumapit ito sa kanya at umupo sa tabi niya.Sabay isod naman siya.Narinig niya ang bahagyang pagtawa ng lalaki.
"May boyfriend kana?"
Napakunot ang noo niya sa tanong nito.
"Ang alam ko'y trabaho ang ipinunta ko rito?"
Mariin na balik tanong niya rito."Kaya nga,kaya nga kita tinatanong dahil tungkol ito sa magiging trabaho mo sa akin.Bakit ano ba sa akala mo ang tanong ko?"
Bahagyang namula na naman sa pagka pahiya si Amora.
"G-Ganoon po ba?"
"Yup.At kung maaari sana'y huwag mo na akong pinopo,para naman akong tatay mo."
Tumango lang siya sa sinabi nito.
"Wala."
Ito naman ang napakunot sa sinabi niya.
"A-Ang ibig kong sabihin ay wala akong boyfriend."

BINABASA MO ANG
Tres Bastardos
RomanceThe three prodigal sons: This Story is about the Cordova Brother's,Graham,Drako and Zebh.The three Eligitimate Child of Cordova's.Came from the same seed but not in the same womb.Different personalities but they have one thing in common.A hit and...