10.

623 2 1
                                    

Nahirapang magpasya si Amora sa kaiisip kung sino ang mas uunahin niya.Parehong mabibigat at malalaki ang mga lalaki.

Nagpasya siyang unahin muna si Alech dahil ito ang nakalungay-ngay.Mas nakakawa itong pagmasdan kapag sinalo ng lapag ang mukha nitong nakapaganda sa paningin niya.
Bago iyon ay kinalas muna niya ang bahagya ng kamay ni Graham na nakakapit parin sa kanyang baywang.Mga nagsipag inom ng sobra,ni hindi man lang nagtira kahit konting pampunta man lang sa higaan.
Napahaplos si Amora sa noo.

Mabilis siyang kumilos bago pa siya gupuin din ng sariling antok.Inilagay niyang lahat sa garbage bag ang mga pinagkainan ng mga ito.Ang mga bote nama'y pinagsama sama niya nagwalis din siya at naglampaso ng sahig.
Pinagmasdan niya si Alech na ngayon ay tuluyan ng bumagsak ang mukha iyon nga lang ay kanina pa niya iyon pinaghandaan at ang malaking beanbag ang sumalo sa gwapo nitong mukha.
Napaka-ayang pagmasdan ang mukha nitong maamo at bumagay sa hawasan nitong mukha ang matangos nitong ilong na perpektong perpekto.Dahan dahan niyang hinaplos ang kumunot nitong noo.

"Anong ginagawa mo diyan?"

Napaupo sa sahig si Amora sa sobrang gulat sa narinig na boses na alam niya kung kanino nang galing.

"Tulungan mo ako rito,hindi ako sanay na matulog sa sofa."

Walang kibong lumapit siya rito at inalalayan itong makatayo.Bago pa sila humakbang ay nilingon muna ni Amora si Alech na nakadapa parin sa kabilang sofa.

"Halika na!"

Mariing sabing pagalit ni Graham sa kanya at sinabayan pa nito ng kabig sa mukha niyang nakalingon.Kahit na ibinaling pa ng lalaki ang mukha niya rito'y hindi niya parin ito tiningnan bagkos ay yumuko siya upang pagpagin ang mga sumabit sa tshirt niyang mga kutkutin habang naka-akbay parin ang lalaki sa kanya.

Umabot na sila nito sa kwarto ng lalaki.Kahit naman lasing ito'y hindi naman niya naramdamang nagpabigat ito.

"Dahan dahan."
Sabi ni Amora rito ng makarating na sila sa harap ng kama nito.

"Ayyyyy!!!"

Ang nasambit ni Amora dahil isinama siya nito sa pagbagsak sa kama.Kumawala kaaagad siya sa braso nito ngunit hindi siya pinakawalan ng lalaki.

"Bitawan mo ako."
Mariing sabi niya.

Hindi ito kumibo.

Nagtangka siyang bumangon ngunit pinigilan siya nito.

"Dito kalang.Samahan mo ako."

Hindi niya inintindi ang sinabi ng lalaki.Nagtangka siya uling tumayo ngunit ayaw talaga siyang bitawan nito.

"Dito kanalang matulog.Hindi ko pa naayos ang kabilang kwarto.Wala kang tutulugan doon."

"Kung gayo'y sa lapag nalang ako."

"Wala akong extrang matress at malamig ang sahig.Huwag kanang makipagtalo pa.Hindi kita aanuhin.Nakadamit pa ako oh!Dito kalang ng maranasan ko namang tabihan ng isang babaeng hindi ko gagalawin."

Bagamat inis na inis ay walang magawa si Amora.Lasing ito at wala siyang laban sa pakikipag talo.
Kaya lang ay ano na lang ang iisipin ni Alech kapag nagisingan silang magkatabi?

"Kung ang iniisip mong mag iisip ng masama sa atin ang crush mo,'wag kang mag alala,malaki ang tiwala noon sa iyo na hindi ka bibigay sa akin.Isa pa'y nakabukas ang pinto hindi mo ba napupuna?"

Kahit nasa madilim na parte sila'y namula ang mukha ni Amora sa sinabi nito.
Alam pala nito!

"Bakit siya hindi ako?"

Tres Bastardos Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon