The Revenge
Mag-aalas-doce na ng gabi ay gising pa rin si Janniah. Hindi mawaglit sa isip niya ang maiksing usapan nila ng lalaking iyon kanina.
"Sino ka ba, ha? Ano ba'ng problema mo at pati ako ay dinadamay mo? Saka bakit ngayon pa? Ngayon pa mismong araw ng kasal ko?" Pumiyok siya sa mga tanong niya. Nangingilid na rin ang mga luha niya. Pinipigilan niya lang ang sarili na bumulalas ng iyak sa harap ng estrangherong lalaking ito.
Nakita niya ang paglambong ng mukha nito saka nagbuntong-hininga.
"Pasasalamatan mo rin ako sa ginawa ko'ng ito, Janniah." Sagot nito.
Nasisigurado niyang hindi siya dinadaya ng pandinig. Talagang may kalakip na lungkot ang sinabing iyon ng lalaki. And he knew her!
"Pasasalamatan mo rin ako sa ginawa ko'ng ito, Janniah." Paulit na ulit na naglalaro ang mga iyon sa isipan ng dalaga. Naguguluhan siya kung bakit iyon sinabi ng lalaki sa kanya.
Paano niyang pasasalamatan ang isang lalaking sumira ng kasal niya? Paano niya pasasalamatan ang isang taong hindi naman niya kilala? At higit sa lahat, paano niya ito pasasalamatan kung hindi niya alam kung ano ang motibo nito sa kanya at kailangan pa siyang dukutin at dalhin sa kung saan?
Hindi niya alam ang mga kasagutan sa mga tanong niyang iyon. Tanging ang misteryosong lalaki lamang ang makakasagot sa mga tanong niyang iyon. Pero wala siyang balak na alamin pa iyon. At plano niya ay ang makatakas mula rito. At oras na makatakas siya sa estrangherong ito ay ipakukulang niyang tiyak sa mga pulis.
Ngunit paano? Ni hindi niya alam kung ano ang pangalan nito. At kung ii-sketch naman niya sa pulis ay baka hindi maniwala na kidnapper ito dahil hindi maikakailang gwapo ito.
Ang mapusyaw na kayumanggi na kulay ng mga mata nito ay parang kay sarap titigan sa buong maghapon. Napansin niya rin kanina ang aristokratong ilong nito. Ang ang manipis at mapulang labi nito ay parang kaysarap
Halikan? Oh, Janniah! You're doomed for giving your kidnapper a lot of compliment from the very first time you met him!
Parang mababaliw siya sa isiping iyon!
Samantala, nakasandal si Clark sa headboard ng kama niya. Kahit gaano siya kapagod ng araw na iyon ay hindi niya alintana. Naisagawa na niya ang unang hakbang sa mga plano niya. Ngunit sandali niyang isinantabi iyon nang mapasakamay niya si Janniah.
Habang tinititigan niya ang nahihimbing na dalaga kanina ay parang may humaplos sa puso niya. Hindi maikakailang napakaganda ng maamong mukha nito. Hindi niya napigilan ang sarili na haplusin ang pisngi nito. Her skin is so soft almost fragile. Ang tsinitang mata nito na parang laging nakangiti. Ang maliit nitong ilong. At ang mapula nitong labi. He swears that those lips are very sexy and at the same time sinful.
Oh, damn! I can kiss that all day! Aniya sa sarili.
At nang maikulong niya ito sa mga bisig kanina, halos pang-lambutan siya ng tuhod. Wala siyang ibang nais gawin ng mga oras na iyon kung hindi ang yakapin ito.
Hindi niya lubos akalain na ganito ang magiging epekto sa kanya ng pakikipagharap sa dalaga.
Totoo ngang babae ang kahinaan ng mga lalaki dahil iyon mismo ang nadarama niya ng mga oras na iyon. Bigla siyang nanghina.
Hindi niya tuloy mapagtanto kung dapat pa ba niyang ituloy ang plano niya. Nagdadalawang-isip tuloy siya kung itutuloy pa ba niya ang mga plano niya dahil parang umpisa palang ay mali na siya. Paano pa ang mga susunod niyang hakbang?
Parang ang alam niya ngayon ay si Janniah lang ang tama na hindi niya alam kung paano nangyari. At pakiramdam niya'y hindi dapat ito madamay. Dapat dito'y pinoprotektahan na siya namang ginawa niya kanina. Inilayo niya ito sa kapahamakang maaring mangyari sa mga kamay ni Raphael.
He knew very well who Raphael dela Vega is. Sa mata ng nakararami ay isa itong marangal na tao. Kilala sa pagiging businessman nito. Pero lingid sa mga ito'y masahol pa ito sa hayop! Isa itong demonyo! At panahon na para makabawi dito.
Hindi naman niya pinlanong madamay ang dalaga pero dahil nagkalapit ang dalawa ay damay na ito. Hindi pa siya mahihirapan.
Subalit talaga nga ba'ng pinrotektahan niya si Janniah laban kay Raphael? O katulad ni Raphael ay iisa lang sila ng isip?
Bumuntong-hininga siya. Ginugulo ni Janniah ang isip at sistema niya. Pero paano na? Ngayon pa ba siya aatras kung kailan naisagawa na niya ang unang hakbang?
"May balita ka na ba, Raphael, tungkol sa anak ko?" Naghihinagpis na tanong ni ginang Janice kay Raphael na sana'y manugang na niya ng mga oras na iyon.
"Wala pa, Tita Janice. Wala pa'ng beinte kwatro oras na nawawala si Janniah kaya't hindi pa kumikilos ang pulisya. Pero magtiwala po kayo sa mga kaibigan at kakilala kong mga awtoridad na kumikilos na mula kanina hanggang ngayon, Tita. Hindi ko po hahayaang may mangyaring masama kay Janniah. At sinisigurado ko po sa inyo na magbabayad ang taong nasa likod na kalokohang ito!" Pangongonsola ng binata sa ginang sa kabila ng panggagalaiting nadarama.
Kung sinuman ang nasa likod ng palabas na ito ay pagbabayarin ng malaki ni Raphael. Hindi niya mapapayagang may lumapastangan sa kanya. Maayos niyang isinagawa ang lahat ng plano niya. At ito ang pinakamatagal na panahon niya sa pagpaplano. Sinigurado niyang maingat ang lahat ng kanyang hakbang. Kaya naman hindi siya papayag na mabulilyaso siya.
Mapatunayan niya lang na tama ang hinala niya sa kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito'y sinisigurado niyang magbabayad ng malaki sa kanya! Buong akala niya'y natigil na ito iyon pala'y may plano itong maghiganti sa kanya at aaminin niyang hindi niya talaga napaghandaan.
Pero hindi pa rin hadlang iyon. Lagi siyang may nakahandang plano. Tuloy, kasama ito sa pupuntiryahin niyang tao.
Bagaman nabulilyaso'y may excitement pa rin na umahon sa dibdib niya.
If you want game, then I'll play your game. Nakangising sabi niya sa isip habang yakap-yakap si ginang Janice na umiiyak sa dibdib niya.
"We'll find Janniah, Tita. Don't worry for it. Gagawin ko lahat ng magagawa ko para sa anak niyo." Sabi niya sa ginang na hindi naman siya sinagot bagkus patuloy lang na umiyak.

BINABASA MO ANG
Love Under Revenge
Roman d'amourAraw ng pag-iisang dibdib nina Raphael at Janniah. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang may dumukot sa bride. Walang pagsidlan ang galit ni Janniah sa lalaki na nagpakilala bilang si Clark - na siyang pasimuno ng lahat ng kaguluhan...