Island on Fire
Hapon na nang maayos nina Clark at Janniah ang kanilang mga gamit patungo sa islang pagmamay-ari ng binata. Akala ni Janniah ay makakapaghanda na sila ni Clark ng kanilang mga gamit matapos ang mainit na eksena na iyon sa bath tub kaninang magtatanghali ngunit nagkamali siya. Dahil ilang beses pa ulit na ipinalasap sa kanya ni Clark ang langit. Ang pagtanggi niya ay nauuwi lang sa wala. Katunayan, pasakay na lang sila ng chopper nang bigla siyang buhatin ni Clark at iupo sa counter top at doon ay muling inangkin. And because she was sore, buhat-buhat siya nitong isinakay sa chopper. Hindi niya alam kung gaano kapula ang kanyang maiinit na pisngi dahil sa hiya na nararamdaman nang mga sandaling iyon.
Pasado alas sais na ng gabi kaya madilim na ang paligid. Tinanaw niya ang isla ni Clark sa 'di kalayuan. Awtomatiko siyang napangiti sa masayang pakiramdam na bumalot sa kanya. Suddenly, she found her home. Nilingon niya si Clark sa kanyang tabi na agad siyang hinalikan sa labi na tinugon naman niya. To hell with the pilot. She wants to treasure every moment with this man she loves.
Muli niyang tinanaw ang isla at napukaw ang kanyang atensyon ng nga ilaw na nagkalat sa buhangin. If she was not mistaken, those are led lights on the sand surface. Mga makukulay na led lights na pinagdugtung-dugtong para makabuo ng ng mga salita. At malinaw mo'ng mababasa ang mga umiilaw at naglalakihang salita na iyon kapag ikaw ay nasa ere. And their spot in mid-air is just perfect para maintidihan niya ang nakasulat: WILL YOU MARRY ME, JANNIAH?
Big lighting letters that made her heart trembles and jump to happiness.
Naluluhang nilingon niya ang binata na noon pala ay nakaluhod na sa gilid niya at may hawak na na maliit na kahita na may lamang singsing. It was a gold crown ring with a princess cut diamond on top of the crown.
"Be my queen, love, and marry me!" She almost hear the words because of the chopper's noise. Tuluyan nang tumulo ang kanyang mga luha habang tumatango sa binata.
Nakita rin niya ang pagtulo ng luha nito habang isinusuot sa kanya ang singsing. He kissed her and she accepted it wholeheartedly.
"I love you, Janniah, my love." Despite of the chopper's noise, she still managed to hear the three magic words she's been dying to hear. At last, nasabi na rin ng binata sa kanya.
Sinapo niya ang pisngi nito. "And I love you, too, Clark." Aniya saka ito hinalikan.
Ilang sandali pa ay pababa na sila sa chopper. And another thing had surprised her dahil naghihintay na pala sa kanila ang kanyang kuya at ina. Nilingon niya ang binata saka ito buong sayang nginitian. Bumaling siya sa kinaroroonan ng kanyang ina at kapatid at itinaas niya ang kamay kung saan naroroon ang singsing na isinuot sa kanya ni Clark.
"She just said 'Yes'!" Sigaw ni Clark sa mga ito na itinuro pa ang nakataas niyang kamay.
May mga kumislap na ilaw sa paligid at doon niya napansin ang mga taong nakapalibot sa kanila. Nakaitim ang mga ito na may hawak na mga camera. Noon niya rin napansin na bukod sa mga ilaw ng poste ay ang mga naglalakihang ring lights on their perfect spot.
Ang isang babae marahil ay kasama ng grupo ay lumapit sa direksyon nila at iniabot kay Clark ang bouquet ng mga rosas. Marahil ay event organizer ang mga ito na kinuha ni Clark para sa moment na ito. At talagang pinaghandaan ng lalaking mahal niya. She was speechless and beyond happy because of this wonderful moment.
Buong pagsuyong tinignan siya ni Clark at iniabot sa kanya ang mga bulaklak. Hinaplos nito ang kanyang pisngi.
"I love you, Janniah. And I promise to love you with all my heart, to cherish you with all my soul and to endear you with all my might." Ani Clark saka siya masuyong hinalikan.
"And I love you, Clark and will love you 'til my very last breath." Sabi niya habang masuyong hinahaplos ang mukha ng lalaking mahal niya.
Clark kissed her on her forehead and they stayed there for a couple of minute hanggang sa makarinig sila ng palakpakan. Nakangiti nilang hinarap ang mga tao at lumapit na sa pamilya ni Janniah.
Sinunggaban niya ng yakap ang kanyang ina bago pinahid ang mga luhang naglandas sa mukha nito.
"I'm so happy for you, my baby." Naiiyak na sabi ng ginang.
"I know, 'Ma. And I am beyond happy. And I know that this time, this love is genuine and with good intention." Naluluha na ring sabi niya sa ina bago niya niyakap ang kapatid.
"And I told you so, that Clark's a good man and a good catch." Sabi ng kuya niya sa kanya nang maghiwalay sila.
"I know." She said while rolling her eyes. "Parinig mo pa sa kanya para lalong lumaki 'yong ulo. Nag-usap lang kayo, nakabayaw at naka-Mama na agad, eh." She jokingly continues saka tinignan si Clark na nagkakamot na batok.
"Hayaan mo na't doon din naman ang punta no'n." Sang-ayon ng kuya niya bago pabirong hinampas si Clark sa braso nito.
Nagkatawanan silang apat.
"Ano pa'ng hinihintay natin? It's time to celebrate. Tara na!" Masayang wika ni ginang Janice saka nagpatiuna na sa pagpasok sa loob ng kabahayan. Inalalayan ito ni Jannus at magkahawak-kamay silang sumunod sa mga ito.
Patuloy sa pagkislap ang mga camera sa kanilang paligid.
"I made sure to capture every single detail of this proposal para marami tayong alalahanin kapag matanda na tayo. May maipapakita rin tayo sa mga anak natin." Masayang sabi ni Clark. She just contentedly smile at him with her eyes full of fondness and love.
Bago sila tuluyang makapasok sa loob ng kabahayan ay tinawag sila ng isang photographer and asked them to pose which they did with their eyes obviously smiling and sparkling in front of the camera.
Kinabukasan ay masaya nilang pinanood ang audio video presentation (AVP) na inihanda ng mga organizers. Hindi makapaniwala si Janniah sa galing ng mga ito. Habang lulan pala sila ng chopper sa ere kahapon ay may drone na kumukuha sa paligid nila. Kitang kita sa video na kuha ng drone ang chopper at ang led lights sa buhanginan. Napakaganda ng pagkakakuha.
Bukod doon ay mayroon din palang camera sa loob ng chopper kung saan kuhang-kuha ang mga malalagkit nilang tinginan, halikan, ang kanilang mga sweet gestures at syempre pa ang proposal ni Clark sa kanya.
At the end of the ten-minute video, umiiyak na pala siya. And that's because of the happiness that she feels inside. Ibang-ibang kasiyahan na hindi niya pa naramdaman kahit kailan. Wala pang nakapagparamdam sa kanya ng ganito. It was only Clark and will always be Clark.
♡T ♡H ♡E ♡E ♡N ♡D♡
°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
MARAMING-MARAMING SALAMAT PO SA MAINIT NA PAGTANGGAP NINYO SA NOBELA KONG "LOVE UNDER REVENGE". SALAMAT PO SA PAGMAMAHAL NINYO KINA CLARK ALEJO AT JANNIAH MONTELIBANO. AKO PO AY NAGAGALAK DAHIL MARAMING NAKAPANSIN NG ISTORYANG ITO. SANA PO AY NAGUSTUHAN NIYO.
AGAIN, GUYS, I AM THANKFUL SA LAHAT NG SUMUPORTA SA STORY. SANA, I FOLLOW NIYO NA PO ANG DAKILANG WRITER NIYO. 😁 DON'T FORGET TO VOTE⭐
ENJOY READING, GUYS! KEEP SAFE, PRAY ALWAYS AND SPREAD LOVE. GOD BLESS US ALL.
LOVE LOTS,
Bhebe Cheekay
😘😘😘
BINABASA MO ANG
Love Under Revenge
RomantiekAraw ng pag-iisang dibdib nina Raphael at Janniah. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay bigla na lang may dumukot sa bride. Walang pagsidlan ang galit ni Janniah sa lalaki na nagpakilala bilang si Clark - na siyang pasimuno ng lahat ng kaguluhan...
