Chapter Two

5K 75 3
                                    

Meeting the Kidnapper

Nagmulat ng mga mata si Janniah. Dahan-dahan siyang bumangon at sumandal sa headboard ng kamang hinihigaan niya. Sinapo niya ang kanyang ulo sa nadaramang pagtibok ng kanyang sentido saka mariing pumikit. Pilit na inaalala kung ano ang nangyari sa kanya.

Nasaan siya? Kaninong kwarto ang inookupahan niyang ito?

Pinilit niyang alalahanin ang mga nangyari kanina habang hinihimas-himas ang kanyang sentido.

Ang huli niyang natatandaan ay ang sandaling lulan siya ng kanyang bridal car patungo sa simbahan kung saan sila mag-iisang dibdib ng nobyong si Raphael.

Mag-iisang dibdib! Tama! Araw ng kasal niya ngayon!

Napabalikwas siya ng bangon at kinapkap ang sarili. Hindi na niya suot ang kanyang wedding gown. Bagkus isang light blue tshirt na ang suot niya na halos maging bestida na sa kanya. Natitiyak niyang pag-aari iyon ng isang malaking lalaki!

Isang lalaki!

Biglang sumagi sa isip niya ang driver niya kanina at ang mabagsik na amoy ng air freshener sa loob ng sasakyan kanina. Posible kayang may kinalaman ang lalaking iyon sa nangyaring ito sa kanya? Maaari kayang sinadya nito ang matapang na amoy na air freshener sa sasakyan gaya?

'Di nga ba't isa lang ang ganitong taktika sa mga pakulo ng mga gang bilang kanilang modus operandi? She shivers at the thought.

Umiling siya.

Inaamin niyang kanina ay talagang napukaw ng lalaki ang atensyon niya dahil parang nababalutan ito ng misteryo.

Pero ano naman ang magiging dahilan ng lalaki para gawin sa kanya iyon? Ano'ng kailangan nito sa kanya? Ni hindi niya ito personal na kilala at noon lamang nakita sa tanan ng buhay niya.

Ang alam niya'y kasama ang driver sa package deal na kinuha nila sa isang event organizer kaya ngayon ay naguguluhan siya kung bakit nagkaganito.

Mabilis ang pag-alon ng kaba sa kanyang dibdib! Bumabaha na ng kaba sa kanyang katauhan. Kung anuman ang pakay ng lalaking iyon sa kanya ay hindi niya alam. Pero kung anuman ang motibo nito ay hindi ito ang tamang panahon para atakihin siya ng takot!

Sa ngayon ay hindi niya alam kung ilan ang kalaban. Kaya kailangan niyang maging alerto at kailangan niya rin ang matatag na loob.

Nakarinig siya ng mga yabag sa labas ng kwartong inookupa niya. Mabilis ngunit maingat siyang pumuwesto sa sulok na malapit sa kinaroroonan ng pintuan. Pinilit niyang iangat ang may kalakihan at kabigatang paso na siyang ipupukpok niya sa kung sinumang papasok roon.

Marahang nagbukas ang pinto saka tumuloy roon ang isang lalaki na sa tantiya niya ay may taas na 6 flat o higit pa. Bagaman nakatalikod ay kapansin pansin dito ang magandang hubog ng katawan nito. Kitang-kita niya malapad nitong likod at ang perfectly shaped biceps nito sa suot gray na long-sleeves na nakatupi hanggang sa siko nito.

Naging kapansin-pansin din sa kanya ang may kalakihan nitong puwit na humahapit sa suot nitong maong na pantalon. Aba, bihira sa lalaki ang may perfectly shaped butt.

Pero hindi ito ang oras para sipatin niya ang katauhan ng lalaki kaya naman inihanda na niya ang hawak na vase para ipukpok dito.

Love Under RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon